─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
"I'm trying to move on."
Walang nagsalita sa kabilang linya kaya nag-alala si Ezekiel kung anong nangyari.
"Hello? Kyle?"
Sa pagtawag ni Ezekiel sa pangalan niya, tumikhim si Kyle para i-compose ang kanyang sarili. Napailing siya sa naisip.
Hindi niya pipilitin o bibiglain si Ezekiel sa pag-ibig niya pero mananatili si Kyle sa tabi niya kahit anong mangyari at kung kailangan ni Ezekiel ng balikat na masasandalan, nandyan lang siya parati.
"Sorry, Ezekiel. Ang gulo kasi ng manok ko." Dahil on-the-spot umisip ng maidadahilan si Kyle, ito na lang ang naibulalas niya nang makita niya si Chikie na naglalakad sa labas ng kwarto niya.
"Huh? Manok?"
"Oo, nagba-babysit ako ng manok. Nung sisiw pa siya, color blue siya, pero ngayon, kulay puti na. Chikie pala yung pangalan niya."
"Blue?!" May halong pagkamangha at gulat ang boses ni Ezekiel. Ini-imagine tuloy ni Kyle kung anong ekspresyon ang nasa mukha nito.
"Yep. Ipapakita ko sayo yung pictures niya bukas." Noong sisiw pa lang kasi si Chikie, kumuha ng ilang litrato nito si Kyle. Gusto kasing ipa-frame ni Ezekiel ito at i-display sa sala. Pero sa kasamaang palad di na niya yon nagawa. Ngayon, balak niya na ipa-frame na ito para kung sakaling bumisita si Ezekiel sa bahay...
Napasapo ng noo si Kyle. Napaka-advance talaga niyang mag-isip. Ni hindi pa nga nakakalabas si Ezekiel sa ospital e.
"I'm excited. I've never seen a blue chick before. And you said its name was Chikie? Did you name it?"
"Hindi ako, yung kakilala ko." Ang matipid na sagot ni Kyle. You named it Ezekiel. It's your child.
Napatawa si Ezekiel, "Whoever it was, they got a pretty creative mind."
"He is. He's the most amazing person I know." You may not be aware, but you're one of a kind, Ezekiel.
Nag-usap pa sila ng mahigit isang oras tungkol sa iba't-ibang mga bagay. At siyempre dahil advance mag-isip si Kyle, pahapyaw silang nagplano ni Ezekiel ng ilang gagawin kapag nakalabas na siya ng ospital. Plano din kasi niya magkaroon ng trip kasama ang mom niya.
"Kaya matulog ka na. May therapy ka pa bukas. Paano tayo makakagala niyan?" Maga-alas dose na kasi at hindi pa natutulog si Ezekiel kaya pinaalalahanan na ito ni Kyle.
Napabuntong hininga si Ezekiel sa kabilang linya. "Just thinking about it makes me tired already." ang biro niya.
"Sige, wag kang mag-therapy, kakargahin na lang kita kahit saan ka magpunta. Hindi naman yon problema sa akin." Pabiro ang pagbabanta ni Kyle pero tototohanin niya talaga yon kung sakali. Baka nga pabor yon sa akin e. Napailing na lang si Kyle sa kalokohan na naisip niya.
"Kyle!!" Nabulalas na lang ni Ezekiel ang pangalan ng lalaki sa sobrang hiya. Hindi naman kasi yon ang ibig niyang sabihin. Napatakip siya sa bibig dahil napalakas ang boses niya sabay lingon sa mom niya na natutulog sa sofa bed.
Napatawa naman si Kyle sa kabilang linya.
Sa buong pag-uusap nila, tila nakalimutan ni Ezekiel ang mga iniisip kanina. Naaliw siya sa mga pinag-uusapan nila. Ang dami nilang napagkwentuhan ni Kyle pero parang ang bilis lang tumakbo ng oras.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Storie d'amore[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...