Kyle Enrico Salvador
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───"Wag kang lalapit sa akin, baka mabigwasan kita."
Kinuha ko ang isang pakete ng instant pancit kanton sa harap ko. At dinagdagan ko pa ng isa. At isa pa. At isa pa. At isa ulit.
"Tama na yan. Baka magkasakit ka sa kidney," ang mahinang boses sa di kalayuan.
Nasa grocery store ako ngayon at ang asungot na si Junjun. Kanina lang kasi ay pumasok na ang sahod ko sa card ko. Buti na lang at nag-text sa akin si Alan ng MSN, kung 'di ay di ko mapapansin.
Nakabuntot sa akin ang gago na nagpumilit sumama sa akin dito sa loob. Ang sabi ko ay sa labas na lang siyang maghintay. Napakadaldal kasi nito at naalibadbaran akong kausapin. Kahit naman sabihin kong hindi, sasama at sasama pa rin naman siya. Sino bang niloloko ko?
Nagsuot ako ng wireless earphones para kapag kinausap ko siya, hindi naman ako magmukhang tanga na parang nakikipag-usap sa hangin. Hindi naman dahil sa gusto ko siyang kausapin. Baka kasi may maalala siya sa nakaraang buhay niya at para masabi niya sa akin kaagad. Ipinagpalagay kong may amnesia itong si gago. Sabi sa nabasa ko, makakatulong daw yung pagpunta sa mga lugar na madalas puntahan para ma-trigger yung memory nila. Di ko alam kung fake news to, pero wala namang masama kung susubukan.
Sa grocery store ko pinili magsimula kasi bukod sa kailangan ko mag-grocery, sa tingin ko ay maganda na dalhin siya sa mga public place kagaya nito dahil baka sakaling napadaan siya dito nung buhay pa ito.
Pinili ko itong grocery store na ito malapit sa office kasi baka taga dito rin si Junjun sa malapit since sa office siya nagmumulto. Sabi sa nabasa ko, namamalagi daw ang mga multo kung saan sila namatay. Ewan ko talaga dito sa mga nababasa ko. Susundin ko na lang.
Kaninang umaga nga, naabutan ko na may mainit na tubig na'ng nakasalang sa electric kettle ko. Tinanong ko si Junjun kung siya ba may gawa noon. Um-oo naman siya at sinabing para mabilis daw akong mag-almusal at nang makapunta na kami sa labas.
Hindi ko pinansin si Junjun at patuloy lang sa pamimili. Hangga't di siya nakaka-alala, wala namang reason para kausapin ko siya sa labas ng bahay. Nakakahiya kasi.
Halos mapuno na rin ang cart ko sa pinamili pero may mga bagay pa akong kailangang bilhin. Medyo maingay sa paligid dahil sa mga bagong dating na customer. Malakas silang nag-uusap na akala mo ay pina-reserve nila ang buong lugar.
"Dito ka lang, bantayan mo ang cart. May kukunin lang ako doon." mahina kong sabi kay Junjun na ngayon ay nakaupo sa sahig.
Tumango naman siya at parang nakabusangot pa. Anong binubusa-busangot nito?
Pumunta ako sa isang aisle na medyo makipot kaya di ko na lang dinala yung cart. Kumuha ako ng ilang mga kailangan ko doon pero biglang nakarinig ako ng sigaw.
Mukhang galing yon sa aisle na pinag-iwanan ko kay Junjun.
Hindi naman sa kinakabahan ako para sa kanya pero dali-dali akong pumunta sa pwesto niya.
"Aaaaaahhhh!!"
Narinig kong may tumili na naman kaya mas lalo kong binilisan ang paglakad.
"Multo!!!" ang tili ng isang lalaki.
Naabutan kong may ilang mga nakakalat na grocery items sa lapag at yung lalaki naman ay nakasalampak sa sahig habang nakatingin sa isang shelf.
Naaktuhan ko si Junjun na tinulak gamit ang isa niyang daliri ang isang lata na nakapatong doon na mas lalong ikinatili ng lalaki. Tawa lang nang tawa si Junjun habang nakikitang namumutla na sa takot yung tao.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romansa[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...