─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
"Naku, ang gwapo naman pala nito ni Kyle. Parang malalaglag ang panty ko sis!"
Lingid sa kaalaman ni Kyle ay pinalilibutan siya ngayon ng mga multo. Nakaupo ang binata sa station nito at seryosong nagttrabaho. May suot pa itong anti-rad glasses dahil minsan ay sumasakit ang mga mata nito sa mahabang pagtitig sa computer.
Nakaupo naman sa gilid ng desk ni Kyle si Junjun at tahimik lang siyang pinagmamasdan. Halos malaglag pa nga ang panga nito dahil first time niyang makita ang kaibigan na nakasalamin. Mabuti na lang ay pinili niyang wag magpakita sa binata ngayon, kung hindi ay hindi niya malayang matititigan ito.
Paminsan-minsan ay may kakayahan siyang huwag magpakita kay Kyle. Na kahit nasa tabi niya lang ito ay hindi niya mararamdaman o makikita ang kanyang presensya. Per hindi naman palaging nasa tabi niya ito, minsan ay naglilibot-libot si Junjun mag-isa at nag-iisip-isip sa mga bagay.
Patuloy pa rin ang kinikilig na pagtili ni Junjun 2 na ngayon ay parang bumalik sa pagka-teenager. Ilang beses pa itong umikot sa walang muang na si Kyle para masilayan ang kabuuan nito.
"Friend ha, to be fair, ang gwapo. Pakak yung muscles oh." pinindot pindot ni Junjun 2 ang braso ni Kyle kahit na hindi niya ito nahahawakan. "Mukhang daks si kuya."
Hinampas ni Junjun 7 si Junjun 2, "Tumigil ka na nga. Napakamanyak mo talaga." Kinuha nito ang kamay ng babae at inilayo kay Kyle na kasalukuyang may kausap na customer.
"Che! Wag mo nga ako pakialamanan. Saka wala naman siyang pake no." inirapan ni Junjun 2 si Junjun 7.
Tahimik na tumawa si Junjun sa gilid habang pinapanood magbangayan ang dalawang kaibigang multo. Nabaling naman ang atensyon niya kay Kyle na medyo iritable na ang boses habang nakikipag-usap sa kabilang linya. Hinilot-hilot nito ang pagitan ng kilay at saka muling tinipa ang keyboard habang nagsasalita.
Lalong humanga si Junjun kay Kyle habang pinagmamasdan niya itong magtrabaho. Ang ganda ng boses nito habang nagsasalita ng english. Yung tipong mapapa-'yes sir' ka na lang sa lahat ng sasabihin niya. Kahit siguro utasan siya nito na tumalon sa bangin, malugod niya tong gagawin. Ang sexy din ng dating nito, medyo mababa ang boses at husky na para bang nang-aakit.
Pilit naman niyang iniisip kung bakit ngayon lang sila nagtagpo sa loob ng building. Kahit na bago pa lang si Kyle sa kompanya na yon, imposibleng hindi mag-krus ang landas nila dahil pagala-gala lang si Junjun sa building na iyon. Halos lahat ng sulok na ata ng lugar na 'yon ay napasok na niya. Maliban siguro sa ibang area na sa di maipaliwanag na dahilan ay di niya magawang mapuntahan kagaya ng 10th floor.
Maya-maya pa ay tinanggal ni Kyle ang suot na headset at pinatong ito sa desk niya. Kinuha nito ang black na tumbler at saka tumayo. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya na nasa tabi niya lang si Junjun. Yung ibang multo naman ay nagsi-alisan na dahil may kanya-kanya pa itong pinagkakaabalahan.
Ilang hakbang ang ginawa nila nang marating nila ang water dispenser sa sulok. Bahagyang yumuko si Kyle para punuin ng malamig na tubig ang tumbler niya. Pagtalikod niya, di sinasadyang natabig niya yung taong kasunod na gagamit ng water dispenser.
"Ah-sorry!"
"Sorry."
Magkasabay na-nagsorry si Kyle at yung babae na natabig niya.
"Oh, Kyle. Nandito ka na pala!"
Napatingin si Kyle sa babae at dito niya lang na-realize na kakilala niya pala ito. Si Jacky, isa sa mga ka-wave niya noong training. Magkaiba ang team na napuntahan nilang dalawa kaya naman bibihira lang silang magkita.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romance[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...