Author's Note

66 5 4
                                    

HELLO PO!

Unang-una, gusto kong magpasalamat sa oras na binigay niyo para basahin ang kwento na ito. Napaka-baguhan ko pa lang sa pagsusulat at alam kong marami akong pagkukulang, pero salamat dahil natiis niyo itong basahin hanggang dulo. Huhuhu.

I am a call center agent, kaya naman majoritiy ng oras ko outside work ay kung hindi natutulog, ay nasa traffic. Charot lang.

I recently landed a work from home job kaya naman mas dumami ang oras kong mag-daydream. Yun nga lang hindi talaga ako magaling sumulat and put my thoughts into words, but I said, fuck it, and wrote a story anyway.

I had so many ideas to the point na naghahalo-halo na sila sa utak ko, but ultimately I decided to go with something close to my heart.

Hindi na ako lumayo at ang isang kagaya kong call center agent ang naging inspirasyon ko. But I was stuck in that thought. Hindi ko alam kung anong plot ang gagawin ko. Then one day, habang nags-scroll sa Facebook, I came across a horror story page and it featured "Junjun". For call center veterans, kahit anong kompanya pa yan, Junjun talaga ang tawag sa mga di umano nagmumulto sa office buildings. At doon nagsimula ang idea ng story na 'to.

From the very beginning, it was my intension to make Junjun alive. Kaya naman iniiwasan ko siyang i-refer to as "patay" pero di ko maiwasan 'to sa ibang scene kaya hinayaan ko na lang, hahaha. I hope it made you believe at least a little that he is actually dead already.

Hanggang yung pagsama ni Ezekiel sa liwanag (chapter 26) lang talaga yung balak kong isulat, tapos open ending na and bahala na kayo mag-isip kung anong nangyari. But I am also a reader at alam ko yung feeling na "Hala anyare?" tapos di ako kakakatulog for a few days kakaisip. So pinaubaya ko na lang kay batman at snowman ang lahat, and wrote the rest of the chapters.

I learned a lot while writing this. It was a great experience and I had so much fun kaya naman gusto kong iwanan sa Wattpad ang kwento na ito para mabalikan ko in the future (o baka may ibang gustong magbasa, who knows). Marami akong natutunan and I honestly had some thoughts na what if ganito ganyan ginawa ko? Pero nasulat ko na, wala na kong magagawa hahaha. 😆

Pero salamat talaga sa mga nagbasa at naghintay ng updates araw-araw. Hindi ko maisusulat gamit ang mga salita ang saya na nararamdaman ko sa tuwing may like akong makita sa mga post ko (Facebook updates) o sa tuwing magco-comment kayo na mag-iintay kayo para sa susunod na chapter.

This story is very close to my heart bilang ito ang unang kwentong sinulat ko ng ganto ka-seryoso. Huhuhu.

Oras na para magpaalam nina Kyle at Ezekiel, ang resident Junjun in da haus. Labis silang nagpapasalamat sa mga sumubaybay sa pagmamahalan nila.

I'll mark this story as complete now.

Please stay safe everyone. Let's keep in touch. ✨

Wwrqxt

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon