─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
"Hello. Are you Kyle?"
Isang lalaki ang lumapit kay Kyle na kasalukuyang nag-aabang sa harap ng ospital. Matangkad ito na may kulay brown na buhok na bagay sa kulay ng balat nito. Nakasuot ito ng gray na tshirt at maong na pants.
"Hello, ako nga. Luigi?"
"Hey. Thanks for waiting." nilahad ni Luigi ang palad nito kay Kyle. "Nasabi na ni Mrs. Sy na sasamahan mo raw ako kay Ezekiel."
Mapait ang ngiti ni Kyle pero ayaw niyang ipahalata kay Luigi ito. Nakipag-kamay siya rito at saka inayang pumasok na sa loob.
"Nasa likod na garden si Ezekiel, nagpapahangin siya doon. Kagagaling lang niya kasing theraphy." ang kwento ni Kyle habang naglalakad sa hallway.
Narinig niyang nagbuntong hininga si Luigi na nakasunod sa likod niya.
"It's been a while. Masaya ako na maayos na siya at na-excite akong makita siya. Pero ngayon, parang nakakakaba pala." pagak na napatawa si Luigi pero hindi maitatago ng kaba sa boses nito.
Hindi niya alam kung paano haharapin si Ezekiel ngayon. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon nito kapag nalamang hindi na niya matutupad ang dating pangako.
"Hinihintay ka niya araw-araw." ang tipid na pagkkwento ni Kyle.
"Nakwento nga sa akin ni Mrs. Sy. Salamat din pala sa pagbabantay at pag-aasikaso sa kanya."
"Wala yon." Ginagawa ko to para kay Ezekiel, wala nang iba.
Napadaan na sila sa cafeteria at bigla namang tumigil si Ezekiel sa harap noon na ikinapagtaka ni Luigi.
"Saglit lang." ang tipid na utos ni Kyle at saka mabilis na pumasok sa loob nito, naiwang mag-isa si Luigi sa hallway.
Nag-text sa kanya si Mrs. Sy na malapit na raw si Luigi sa ospital at kung maaari ay masundo niya ito at ihatid sa kwarto ni Ezekiel.
Desidido siyang ibigay ang kahit anong magpapasaya kay Ezekiel. Kahit ano pa yan ibibigay niya.
Alam niyang hindi siya ang taong nagpapasaya sa lalaking gusto niya ngayon, pero umaasa siya na sa ikalawang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng kung sino man ang may pakana ng lahat, magawa na nilang punan ang pangako nilang dalawa: na hahanapin nila ang isa't-isa at magmamahalan hanggang sa huli.
Tila binigyan na siya ng shortcut ng sanlibutan. Hindi na niya kailangang maghintay ng susunod nilang buhay. Ang taong mahal na mahal niya, nasa harap niya lang. Buhay, ngumingiti, at tumatawa. Nasa harap niya lamang Ezekiel pero nasa iba ang puso at pagtingin nito.
Umaasa si Kyle na sa pagkikitang muli nina Luigi at Kyle, magkaroon sila ng closure sa kanilang relasyon. Umaasa siya na mapupunan ang mga tanong na iniwan ng bawat isa sa puso nila.
Hinahanda ni Kyle ang sarili niya sa kung anomang kahantungan ng pagkikitang ito. Ano man ang mangyari, hindi niya isusuko si Ezekiel.
Nang makabili na siya ng ice cream, natanaw niya si Luigi na naghihitay pa rin at nakasandal sa hallway.
Ano ba namang laban ko sa original? At ano ba ako? Ano ba ako para kay Ezekiel ngayon?
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romansa[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...