Chapter 38

71 2 0
                                    

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

"I've actually never seen Kyle before so I can't say much about him, but I think he likes you. He's a keeper—so go for it."

Ito ang mga salitang binulong ni Luigi kay Ezekiel bago ito umalis noong nasa ospital pa siya. Noong una ay napaka-absurd nito para kay Ezekiel at inisip na nanunukso lang ito kaya naman hindi na niya ito masyadong inisip pa.

Pero ngayon...

Nakahiga si Ezekiel sa kama niya at nakikinig ng music mula sa vynil collection niya. Nagbabasa siya ng libro pero halos kalahating oras na siyang na-stuck sa isang page dahil lumilipad ang utak niya kung saan.

Isang linggo na ang nakalipas nang nagpunta sila sa amusement park. Wala namang nagbago sa relasyon nila ni Kyle at pareho lang din ang pakikitungo niya sa kanya gaya ng dati. Pakiramdam tuloy ni Ezekiel ay panaginip lang ang nangyari sa ferris wheel at guni-guni niya lang ang lahat ng naramdaman niya.

Dahil doon, mas naging conscious siya kapag kasama si Kyle. Hindi siya naiilang, bagkus ay inoobserbahan niya ito para makita kung tama ba ang sinabi ni Luigi sa kanya.

Kapag iniisip niya kung posible bang magkagusto sa kanya si Kyle, parang ayaw niyang maniwala kasi pakiramdam niya talaga ay kaibigan lang ang turing nito sa kanya.

Pero sa sarili siya, alam at tanggap na ni Ezekiel na maaaring nagkakagusto nga siya kay Kyle. Hindi niya nga lang alam kung kaya ba niyang magtapat dahil natatakot ito na baka maapektuhan ang kung anong meron sila ngayon.

Naputol ang malalim na pag-iisip niya nang makatanggap siya ng tawag sa cellphone niya.

Mabilis pa sa alas-tres nang pindutin niya ang accept button matapos makita kung sino ang caller.

"HELLO KYLE!"

Napatikhim si Ezekiel dahil parang halatang-halata naman masyado na na-miss niya si Kyle.

This week kasi, mas umiksi ang oras na magkasama sila dahil kailangan ni Kyle na mag-report sa office nila. In-assure naman siya nito na temporary lang ang set-up na ito at babalik din siya sa work-from-home arrangement.

"Hi, Ezekiel. Busy ka ba?" ang tanong ni Kyle sa kabilang linya. Hindi niya alam na nagpagulong-gulong si Ezekiel sa kama nang marinig ang boses niya.

"Nope! Not busy." Excited na sumagot si Ezekiel dahil usually kapag ganito ang tanong ni Kyle, that means may exciting din siyang sasabihin.

"Nice." Biglang tumawa si Kyle na siyang nagpatibok lalo sa puso ni Ezekiel. "Hmmm... Yayayain sana kita, kung gusto mo lang, naman—

"Gusto ko!" Napakurot si Ezekiel sa kanyang bibig dahil hindi niya napigilan na sumagot agad kahit hindi pa tapos magsalita si Kyle. Sigurado kasi siya na kahit ano pa yan, sasama at sasama siya saan man siya ayain nito.

Lalo namang napatawa si Kyle nang narinig niya ang boses ni Ezekiel. Habang tumatagal, mas nagiging cute ito. Mabuti na lang at hindi niya ito kaharap, kung hindi, baka napisil na nito ang pisngi niya.

"Talaga? Yayayain sana kitang mag-therapy ulit." ang panunukso niya rito. Simula kasi nang makalakad si Ezekiel, pinangko nito na hindi na siya babalik muli sa therapy.

"KYLE NAMAN!"

Mas lalo pang natawa si Kyle. Si Ezekiel naman, kahit na tinukso, masaya itong marinig ang tawa ng lalaki sa kabilang linya dahil siya ang dahilan ng pagtawa nito.

"Joke lang." Tumikhin si Kyle para ayusin ang boses na galing sa pagtawa. "Uuwi kasi ako sa probinsya namin. Naalala ko kasi—

Pahapyaw na napagplanuhan nilang dalawa noon na pupunta sila sa probinsya kapag nakarecover na si Ezekiel.

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon