─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
Ang huling message ni Kyle ay three days ago.
'Ezekiel Sy, alam kong hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal mo. Pero tandaan mo na mahal na mahal na mahal kita. Ikaw ang pinaka-iniingatang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko. Masaya ako at nakilala kita.'
"Marian, I need to see Kyle right now."
"Hindi ba siya sumasagot? How about you text him?"
"I need to see him. Fuck! Hindi ko alam yung address niya." Aligaga si Ezekiel habang paikot-ikot na naglalakad sa kwarto niya. Wala siyang idea kung taga-saan si Kyle. Palagi niyang sinasabi na taga-malapit lang ito pero hindi niya nababangggit kung saan eksakto.
Wala rin siyang pagkakataon para bumisita sa bahay nito. Nakasanayan na nila na sa bahay ng mga Sy tumambay dulot ng naging recovery period ni Ezekiel noon.
"I'm not sure kung doon pa nakatira si Kyle, but I know his address." ang sabi ni Marian at nag-type sa cellphone niya. "I just sent it to you. Go get your man. I am hoping for a happy ending."
Walang sinayang na panahon si Ezekiel at agad siyang nagpunta sa address na binigay ni Marian. Dahil hapon na at malapit na'ng lumubog ang araw, nakita niya na walang ilaw ang nanggagaling kahit na sa loob ng bahay.
Hindi siya sigurado kung doon nga nakatira si Kyle kaya nagtanong siya sa isang ale na napadaan doon.
Nang makumpirma niya na isang Kyle nga ang nakatira sa bahay na iyon, kumatok siya sa gate.
"K—Kyle?"
"Tao po."
Halos limang minuto pa siyang naghintay pero wala pa ring lumalabas. Doon lang niya napansin na hindi nakakandado ang gate dahil sa maliit na siwang dito.
Kinakabahan si Ezekiel. Pinagpapawisan siya ng malamig at ang kamay niya ay nanginginig habang unti-unting binubuksan ang gate.
Nang makapasok sa garden, kakatok sana siya sa pinto nang may ulo ng puting manok ang sumilip mula sa siwang nito.
"Bakit bukas lahat ng pinto?" ang tanong ni Ezekiel sa sarili.
Kinuha niya ang manok para ipasok sa bahay. Madilim na sala ang tumambad sa kanya. May mga damit na nagkalat at nakasampay sa sofa. May mga maliliit ding ipot ng manok na tila ilang araw na'ng hindi nalilinis. Meron ding mga lata at bote ng alak nakakalat kung saan-saan. The whole place was a mess.
"Kyle?"
Muling tumawag si Ezekiel habang iniiwasan ang mga kalat sa sala.
"Kyle, it's me, Ezekiel."
Dalawa lang ang kwarto ng bahay kaya sigurado siya na mahahanap niya si Kyle. Walang tao sa unang kwarto na sinilip niya kaya lumakas ang kutob ni Ezekiel na nasa kabilang kwarto ito.
"Kyle?" Binuksan niya ang huling kwarto at nakita niya ang magulong estado nito. May mga basag na salamin, may mga nakakalat na libro at kung anu-ano pa sa sahig.
"Oh my god, Kyle." Napasinghap si Ezekiel at mas nag-alala nang makita ang estado ng kwarto.
Sa gitna mg kama, may isang umpok sa ilalim ng kumot. Sa paggalaw ng katawang nakabalumbon sa ilalim, bahagya ring tumunog ang kama.
"Umalis ka na Alan."
Isang malalim na boses ang nanggaling mula sa ilalim ng kumot na siyang ikinatayo ng balahibo ni Ezekiel.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romance[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...