─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
Nakita ni Kyle si Ezekiel na tumatakbo sa kakahuyan. Parang naglalaro silang dalawa ng taya-tayaan dahil parang bata kung humalakhak ito.
"Habulin mo ko Kyle!"
Dahil dito, mas binilisan pa ni Kyle ang pagtakbo para tayain ito. Nawala sa paningin niya si Ezekiel dahil sa mga puno pero naririnig pa rin niya ang mga halakhak nito.
Hindi siya sumuko at sinundan niya ang direksyon kung saan nanggagaling ang mga tawa ni Ezekiel hanggang sa napadpad siya sa sikretong lugar niya sa probinsya.
Sa gitna ng maraming bulaklak, mula sa gilid ng burol ay nakita niyang nakatayo si Ezekiel. Nakatalikod ito sa kanya at mukhang tinitignan ang mga tanawin.
"Taya!" Dali-daling tinaya ni Kyle ang lalaki at napatawa pa siya ng parang bata. Pero nagtaka siya nang hindi lumingon o nag-react man lang si Ezekiel.
"Ezekiel?" ang nagtatakang pagtawag nito. "Baby..?"
"Sinungaling ka Kyle!"
Narinig niya ang galit na boses ni Ezekiel kasabay ng pagharap nito sa kanya. Galit na galit ang mukha nito. Ito ang unang beses na nalita niya ang ganitong ekspresyon sa mukha niya.
"Teka, Ezek—"
"Wag ka na'ng magpapakita sa'kin!"
Biglang tumalon sa bangin si Ezekiel. Huli na ang lahat at hindi na siya napigilan pa ni Kyle.
"EZEKIEL! HINDI! WAG!!" ang sigaw ni Kyle habang nakikita ang pagbagksak ni Ezekiel sa bangin.
"..by? Gising na, baby." may panibagong boses na narinig si Kyle. Mula ito sa malayo pero papalapit ng papalapit ito sa kanya.
Pagmulat niya ng mata, ang nag-aalalang mukha ni Ezekiel ang una niyang nakita. Dahil sa tindi ng emosyong dinulot na masamang panaginip ay yumakap si Kyle sa kanya.
"Ezekiel..."
"Sshh.. it's okay. You must've had a bad dream. But you're fine, everything's fine, baby." Marahang tinapik-tapik ni Ezekiel ang likod ng lalaking nakayakap sa kanya. "I'm here. Hindi kita iiwan."
"Wag mo kong iwan, Ezekiel. Patawad kung nagkamali ako. Hindi ko na uulitin. Please, wag mo kong iwan..."
Nadurog ang puso ni Ezekiel nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Kyle. Maaaring nagkaroon ito ng matinding takot nang matagal silang nagkawalay. Maya't-maya ito nagigising dahil da tila hindi magandang mga panaginip.
Marahang hinimas ni Ezekiel ang likod ng boyfriend niya na mahigpit na nakayakap sa kanya.
"Bakit naman kita iiwan? I love you so much that I can no longer live without you." ang bulong niya kay Kyle.
"I love you too..."
"Kaya tahan na. Ang pogi ng baby ko e, pinapaiyak niyo." ang biro ni Ezekiel. Mahinang tumawa naman si Kyle, at marahang nilayo ang katawan niya para tignan ang mukha ng boyfriend niya.
Hinawakan ni Kyle ang magkabilang pisngi ni Ezekiel ang binigyan ito ng matamis na ngiti. Hindi niya akalain na nandito pa rin si Ezekiel at sinasabi pa rin na mahal siya nito.
"Nagpapa-cute ka pa dyan. Where's my good morning kiss from my baby?" Biglang nagsalita si Ezekiel. Nahuhulog siya sa tila hipnotismong epekto na gawa ng mga mata ni Kyle pero may goal siya na dapat makuha.
Umiling si Kyle. Unang beses itong tumanggi sa good morning kiss kaya nagtaka si Ezekiel.
"Wag, baka mahawa ka sakin." ang sabi naman ni Kyle.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romance[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...