Chapter 22

58 4 0
                                    

Kyle Enrico Salvador
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Tatlong araw matapos kong tarantaduhin ang live call monitoring, nakatanggap ako ng notice sa magiging meeting ko kasama ang site director.

Naka-suspend ako sa tatlong araw na 'yon kaya naman marami akong oras kasama si Ezekiel. Sa bahay, naikwento niya sa akin ang mga ala-alang pumasok sa isip niya. Walang kasing linaw ang bawat pangyayari sa buhay niya. Natandaan niya ang lahat, mula sa pamilya niya, mga karanasan mula pagkabata, hanggang sa relasyon niya sa kanyang kaklase sa college na nagngangalang Luigi Robles.

Ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala, paano sila pilit na pinaghiwalay ng pamilya nila, hanggang sa huli nilang pagkikita sa hiking spot na siyang pinuntahan din namin noon.

Lahat ng ito ay matapang na kinuwento ni Ezekiel. Nanginginig pa ang boses nito sa tuwing inaalala ang kanyang masasakit na nakaraan. Sa buong oras na yon, buong buo ang atensyon ko sa kanya at pinaparamdam ko na nandito ako sa tabi niya sa pamamagitan ng paghawak ng mahigpit sa kamay nito. Nasasaktan ako sa mga kinuwento niya. Hindi ko sukat akalain na may mga magulang na kayang gawin iyon sa anak nila.

Ang huling puzzle piece na lang ang hinahanap namin. Kung paano namatay si Ezekiel.




Nang naka-recover na ang aming mga emosyon, bumalik na sa dati si Ezekiel. Nagagawa na din niyang magbiro na parang walang nangyari.

"I feel like I can finally see the end. Lord, kunin niyo na po ako." Pinagdaop ni Ezekiel ang kanyang mga palad na parang magdadasal. Magkatabi kaming dalawa sa harap ng kitchen counter habang hinihintay uminit ang pinapakulo kong tubig.

Nagsalubong naman ang kilay ko nang makita kung ano ang ginagawa nung isa. "Sigurado ka bang si Lord ang kukuha sa'yo?"

Tumaas ang kilay ng lalaki sa tabi ko na parang hinahamon ako. Mas lumapit pa siya sa akin. "Siguradong-sigurado. Isasama pa kita." Hinapit niya ang bewang ko at bumulong. "Dadalhin kita sa langit."

Whiiiiiiiiiiiiiiiiiii...

Mabuti na lang at sumipol na ang takure. Tinulak ko si Ezekiel palayo at saka tumalikod para patayin ang takure. Nag-iinit na naman at pisnge at tenga ko. Naririnig ko naman ang pagtawa ng lalaki sa likod ko na para bang nakakatawa yung ginawa niya.

Nagpunta kaming park nung hapon na para magpahangin at mag-unwind. Sabi kasi ni Ezekiel nare-relax daw siya kapag pumupunta siya sa park para makapag-isip-isip at parang nawawala yung mga problema niya.

Pagbalik sa bahay, as usual, kakanin naman tong isa. Hindi ako nakapamili kaya simpleng hotdog lang ulam namin ngayon. Salamat at hindi naman nagreklamo si Ezekiel, yun nga lang, imagine-in niyo yung mga biro na ginagawa niya habang kumakain.

Kahit na ganon, masaya akong makita so Ezekiel na tumatawa. Sana palaging ganito. Sana palagi kaming ganitong dalawa.




Sa ngayon, magkatabi kaming nakahiga ni Ezekiel sa kama ko. Nakayakap ito sa akin at nakahilig ang ulo sa dibdib ko.

"Your heart's beating so fast." ang sabi niya.

"Normal lang 'yan," ang sagot ko naman. Sino ba naman ang hindi bibilis ang puso kapag ganito ang sitwasyon mo kasama ng taong gusto mo? "Buhay pa ako e."

Sinampal ko naman ang bibig ko matapos ko yong sabihin. Sarkastikong biro dapat yon pero alam kong offensive iyon para kay Ezekiel na patay na.

"I'm sorry, ibig ko sabihin—

Tumawa naman ng malakas ang lalaki sa bisig ko dahilan para hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin.

"Nah, you're fine. Alam ko ang ibig mong sabihin. Don't worry about it." Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Nung buhay pa siguro ako, palagi rin siguro mabilis ang heartbeat ko dahil may tao akong nagugustuhan."

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon