Kyle Enrico Salvador
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───Isang linggo na nang magising ulit si Ezekiel. To be honest, being with him right now feels like walking on eggshells. Ayokong namang ma-stress siya kung ipipilit ko ang sarili ko sa kanya dahil hindi niya ako maalala.
Ang sabi ni doc, normal lang daw iyon sa pasyente na galing coma. May mga bagay talaga silang nakakalimutan lalo na kapag matagal ang naging pagtulog.
Pero alam kong hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi niya ako naaalala.
"Hello Ezekiel." ang bati ko sa lalaki pagpasok ko ng pinto. Bitbit ko ang laptop bag ko dahil magttrabaho ako sa kwarto niya gaya ng nakasanayan. Wala sina Mrs. Sy o Marian kaya ako ang bantay. Nasanay na rin naman siya na nakikita ako dito at saka ayos lang rin naman daw sa kanya.
"Good morning Kyle." ang sagot ni Ezekiel habang nakatingin sa akin. Nakakapagsalita na ito ng ayos pero hindi pa rin ito makalakad. Mamaya ay sasamahan ko siya sa therapy niya. Kailangan kasi ng aalalay sa kanya, e hindi naman kaya ni Mrs. Sy iyon mag-isa kaya nag-volunteer ako.
Muli namang binalik ni Ezekiel ang paningin sa librong binabasa. Bigay ito ni Mrs. Sy sa kanya para naman daw malibang ito.
Ako naman ay dumiretso na sa sofa di kalayuan para magtrabaho. Pareho lang kaming tahimik sa mga ginagawa namin at tanging ang ingay ng keyboard ko lang ang maririnig.
Tanging mga ala-ala lang bago na-coma ang natatandaan ni Ezekiel.
Noong una ay maya't-maya niyang tinatanong kung nasaan si Luigi. Umiiyak ito habang tinatawag ang pangalan nito. Mabuti ay nagawan naman ng paraan ni tita na magdahilan. Tinanong niya rin kung nasaan ang tatay niya. Unti-unti kasing bumabalik ang ala-ala nito noong gabi ng pangyayari sa 10th floor. Dahil dito naga-undergo rin siya sa counseling.
Alam niya na nakulong na ang tatay niya. Pero hindi pa niya alam na natuloy ang kasal ni Luigi sa Canada. Nakuwento ito sa akin ni Mrs. Sy pero ayaw muna niya itong banggitin sa anak sa takot na baka maapektohan ang kalagayan ni Ezekiel. Mabuti na rin siguro iyon. Gusto ko sanang kalimutan na niya ang lahat ng lumipas.
Hindi niya ako maalala dahil hindi naman kasi ako nage-exist sa nakaraan niya bago siya ma-coma. Ang ala-ala lang na meron siya ay yung mga araw na wala ako at hindi pa kami nagkikita.
Wala lang ako para sa kanya ngayon.
Hindi naging kaduda-duda para kina Mrs. Sy at Marian na hindi ako maalala ni Ezekiel dahil na rin sa eksplenasyon ng doktor, na kasama ako sa mga ala-ala na pansamantala nawala sa kanya. Hinayaan ko na lang din na ganito ang isipin nila. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila na nagkakilala lang kami ni Ezekiel noong isang pagala-galang multo pa siya.
"Kyle, pwede mo ba akong tulungan?"
Naputol ang mga iniisip ko nang marinig ang boses ni Ezekiel
Nakatingin ito sa akin at mukhang nahihiya."Ano yon?" tanong ko. Nilapag ko muna ang laptop sa sofa at saka tumayo para pumunta sa tabi niya.
"Sorry... kasi... I need to use the toilet..." parang bulong na sagot ni Ezekiel habang nakayuko.
Napaka-cute niya kapag nahihiya. Sa totoo lang wala siya dapat ikahiya. Nakita ko na kung anuman ang dapat makita sa kanya. Nagpaturo kasi ako sa mga nurse kung paano alagaan si Ezekiel nung natutulog pa siya at kasama na doon ang pagpapaligo at pagpapalit ng damit. Palagi ko rin siyang minamasahe noon para hindi siya magka-bedsore.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romance[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...