─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
Nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Ezekiel bago ito kumatok sa office ni Jace.
"Good luck to me." ang bulong niya sa sarili.
Pagpasok niya sa loob, ang unang tumambad sa kanya ay ang mesa ni Jace at nakita niya ang manager na nakatalikod na nakaupo sa likod ng table. Lumalabas ang pagiging mahilig sa luxury items nito dahil kahit ang swivel chair ay napaka engrande at may malaki at malawak na back rest.
"Good morning, Jace. You called me?" ang kinakabahang bati ni Ezekiel.
Hindi sumagot si Jace kaya mas lalo siyang kinabahan. Tiyak na galit na galit ito. Worth million dollars ang project na ito at talagang pinagtrabahuhan at pinaghirapan ng bawat isa. Ilang oras ng meetings at OTs ang nilaan nila para ma-approve ang project na ito kaya naman naiintindihan ni Ezekiel kung galit si Jace.
"Sorry, Jace. I really didn't know what happened. Hindi ako nagdadahilan, but I really checked everything before placing the or—"
Pop!
Biglang umulan ng makukulay na confetti.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you!~"
Lumingon si Ezekiel sa pinto at nakita niya ang mga ka-trabaho niya na pumasok na may suot na party hats. Nakita niya si Danica na nasa gitna at may hawak na malaking chocolate cake.
"Happy birthday, happy birthday ~ Happy birthday to you!~"
Pop!
Bumuhos ulit ang makukulay na confetti sa office ni Jace.
"Happy bithday, Ezekiel. Sorry don kanina sa eksena ko, pero issa prank!" ang sabi ni Danica na siyang mayhawak ng cake. "Wala talagang mali sa order mo. Edited lang yung order confirmation, hahaha."
Hindi makapag-react kaagad si Ezekiel. Unti-unti niyang pino-proseso ang mga nangyayari.
Birthday niya pala ngayon.
"Come on, blow the candles and make a wish!" ang pagyayaya naman ni Jace na nasa tabi ni Danica.
Iihipan na sana ni Ezekiel ang kandila na hugis 27 nang may mapansin siya.
"Teka! Jace, weren't you sitting over there?" Tinuro ni Ezekiel ang likuran niya kung saan naroon ang mesa ni Jace.
Walang nagsalita at tanging isang nakakalokong ngisi lang ang tugon ni Jace.
Dahan-dahang lumingon si Ezekiel sa table ni Jace.
Doon lumantad na ang nakaupo pala sa swivel chair ay si Kyle.
Mas nasorpresa si Ezekiel nang makita ang boyfriend niya na nasa loob ng office nila. Iba na ang suot nito di gaya ng damit niya kanina. Nakatupi hanggang siko nito ang dark gray na button down shirt na nakapaloob sa kanyang itim na pantalon.
Isa ito sa mga matching outfits nila. Kaya pala nagpresinta si Kyle kahapon na siya ang mamimili ng gagamiting damit ni Ezekiel sa trabaho ngayon.
Hawak ang isang boquet ng pulang carnation, tumayo si Kyle mula sa upuan at lumapit sa direksyon ni Ezekiel na natuod sa kinatatayuan.
"KYAAAAAAA!!"
"AAAAAAAAAAAAKKKK!"
Di mapigilang magtilian ng mga katrabaho ni Ezekiel dahil sa sobrang kilig.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romans[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...