Kyle Enrico Salvador
☾ ⋆*・゚:⋆*・゚:⠀ *⋆.*:・゚ .: ⋆*・゚: .⋆Bata pa lang ako, samu't saring kwentong katatakutan na ang naririnig ko mula sa nanay ko. Kapag daw nagpagabi kami sa daan, may multong sundalong Hapon daw na dadakip sa amin. O di kaya kapag hindi kami nakinig kina lolo at lola, dadalawin daw kami ng kapre na naninirahan sa puno ng mangga sa likod ng bahay namin.
Noong first year high school ako, naglaro kami ng spirit of the glass kasama ng mga kaklase ko sa camping. Ako pa nga yung nagdrawing ng ouija board namin. Baso na pangtagay ang gamit namin na dinala ng kaklase ko sa camping. Halos ugatin na kami doon sa pwesto namin pero di pa rin gumagalaw yung baso.
Noong fourth year high school ako, napagkatuwaan naming magbabarkada na pumasok sa sinasabi nilang haunted house. Abandonadong bahay iyon doon sa subdivision ng tropa ko na ilang dekada na daw walang nakatira. Tandang-tanda ko pa noong may narinig kaming ingay na tila may nangbabato sa bubong kaya kumaripas kami ng takbo. Yun pala ay mga bata lang yon sa labas at pinagti-tripan yung nakasabit na mangga sa puno.
Kahit kailan ay di ako naniniwala sa mga paranormal-paranormal na yan. Tinatakot lang ng mga tao ang kanilang mga sarili sa bagay na gawa ng imahinasyon nila. To see is to believe ako. Kung walang proof, then it doesn't exist.
To see is to believe. Di ko alam kung matatawa ako ako o maiiyak. Paano ba naman, di ako makapaniwala na may multo ngayon sa kwarto ko. Nakaupo sa sahig at nakaluhod. Nakatungo ang kanyang ulo at nakakuyom ang mga kamay na nakapatong sa kanyang hita.
"At anong ibig mong sabihin na bounded na tayo ng spirit contract?" ang tanong ko kay Junjun. Nakaupo ako ngayon sa kama ko, kaharap ang multo na nakaupo sa sahig. Pakiramdam ko ako'y isang hari habang pinapagalitan ang alipin ko.
"Just like what I said, dahil sinabi mo sa akin ang pangalan mo, nakalabas ako sa building na yon. At ngayon, pwede na akong magpunta sa ibang lugar basta nandon ka. Uhh... basta within a certain distance." ang sabi ng mahina niyang boses. Para siyang bata na pinapagalitan, e pinagpapaliwanag ko lang naman siya.
Pagkatapos ko kasing makita na nasa loob ng pamamahay ko itong si Junjun, agad kong kinuha yung rosary na nakatago sa drawer ko at inihagis ito sa kanya. Hindi naman siya nawala o natunaw. Kaya ang sunod kong ginawa ay hinampas ko siya ng gitara na nakasandal sa pader.
Siyempre multo siya, kaya di naman siya natamaan. Tumagos lang siya sa gitara at tanging yung gitara ko lang yung napuruhan. Nawala ang takot ko nang makita kong gutay-gutay na yung gitara ko. Nanaig ang galit sa akin kaya tinignan ko ng masama itong si Junjun. Nagmakaawa siya sa akin na magpapaliwanag siya at lumuhod sa harap ko. Kaya eto kami ngayon.
Ayon kay Junjun, di niya alam kung bakit ba siya nandoon sa building na yon. Nagising na lang daw siya isang araw at naramdaman na walang pumapansin at nakakakita sa kanya. Di niya rin alam kung gaano na siya katagal namamalagi doon. Sumasama lang siya mga nagta-trabaho doon para malibang. Sa katunayan, ang mga call center agent doon ang nagpangalan sa kanya na Junjun kasi sa tuwing kasama niya ang mga ito, lagi niyang naririnig ang mga salitang "Nandyan si Junjun sa tabi mo." Di rin naman niya alam ang pangalan niya kaya Junjun na lang ang tinatawag niya sa sarili niya.
At ano ba itong spirit contract? Ang kwento nito ni Junjun, kapag daw binigay mo ang pangalan mo sa isang espirito, magkakaroon kayo ng kontrata kung saan ay dapat mo itong tulungang makatawid sa kabilang buhay. Sabi-sabi lang din to ng ibang multo na nakatira sa office building namin kaya di rin niya gaanong alam yung spirit contract na 'to. Kaya nang malaman niya na may nakakakita sa kanya, ang pangalan ko agad ang una niyang tinanong.
Gusto kong tyenelasin ang lalaking ito ngayon. Hindi ba ako pwedeng mamuhay ng tahimik at payapa? Wala ba akong choice dito?
"At paano tapusin itong spirit contract na 'to?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romance[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...