Chapter 6

88 5 0
                                    

Kyle Enrico Salvador
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Wala sa tent ang mokong kaya't lumabas na ako para makapaghilamos. Sa mahabang panahon, ngayon lang ulit ako nakatulog ng mahimbing sa gabi at magising sa umaga. Parati kasing baliktad ang mundo ko. Gising ako sa gabi at tulog naman sa umaga. Susulitin ko talaga ang bakasyon ko para umasal na isang normal na tao.

"Morning, Kyle!" Kumaway sa akin si Junjun na ngayon ay nakaupo malapit sa firepit sa tabi ng tent namin. May tatlong pirasong tuyong sanga malapit dito at ilang tuyong dahon. Wala pa ring tao sa paligid. Dahil siguro ay napaka-aga pa. Isang Morning lang ang sagot ko sa kanya at dumiretso ako ng banyo para maglinis ng mukha. Pagkatapos non ay umupo ako sa fire pit malapit kay Junjun.

"Look what I found!" sabik na sabi ng bata-este multo pala. Tinuro niya sa akin yung mga sanga at dahon na nakita ko kanina. Napataas lang ako ng kilay hudyat ng pagtatanong ko.

"Nakuha ko sila doon sa may gubat, and I managed to get three!" ang masayang kwento ni Junjun sabay turo sa kung saan.

"E ano ba yan?" tanong ko.

"Ano ka ba? Panggatong mo 'to!" Seryosong tumingin sa akin ang multo na para bang ito ang pinaka-obvious sa mundo.

Anak ng pucha. Panggatong? Tatlong patpating kahoy? Baliw ba to?

"And here," dagdag ni Junjun habang nakaturo sa ilang tuyong dahon. "I heard dried leaves can start a fire too. Good thing magaling akong mag-blow."

Mabuti na lang at hindi pa ako nakakapagtimpla ng kape, kundi ibubuga ko talaga yon sa pagmumukha niya.

Napakunot ang noo kong tinanong, "Ano?!"

Parang asong nauulol na tumawa si Junjun at halos mahulog na siya sa kinauupuan niya.

"What? I said inihipan ko yung mga dahon papunta dito. You know, blow." pagpapaliwanag nito. Umakto pa ito na parang nagb-blow-as in umiihip.

"Ewan ko sa'yo." tumayo ako para kunin ang tatlong kawawang patpat ni Junjun at isinama iyon sa fire pit. Kumuha rin ako ng ilang panggatong sa silong di kalayuan para magpainit ng tubig.

"I'm just so happy, Kyle. Dati, yung mga office chairs lang or keyboards yung napapagalaw ko sa building niyo. But now, I can do much more. Although konti pa lang yung kaya ko, but it's already an improvement." Ang kwento ni Junjun habang nagkakape ako. Pagkatapos kong magpakulo ng tubig ay tumambay muna kami doon sa bukana ng tent namin. Maaga pa naman at alas-10 pa kaming naka-schedule mag-hike.

"Basta gagamitin mo sa tama yang ability mo, wala akong pake kahit bundok pa yang buhatin mo." ang sagot ko habang nags-scroll sa Facebook. Nakita ko mula sa peripheral vision ko na parang nag-pout ang gago. Anong inaarte nito?

"Sorry na nga about what happened sa grocery store. I swear hindi ko na uulitin." Tinaas ni Junjun ang kanang kamay niya tanda ng pangangako niya.

"Hmmm... Past is past. At alam ko naman na mabuti ang intesyon mo." ang sabi ko at ibinaba ang kanang kamay niyang nakataas.

"I'm a good spirit, then! Is that right?"

Natatawa na lang akong napailing at pumasok sa loob ng tent para maghanda.

9:30 AM. Maaga kaming pumunta ni Junjun sa registration area bago mag-hike. Doon namin imi-meet yung guide namin. Mag-isa lang kasi ako na nag-book kaya sama-sama sa isang group yung mga wala ding kasama. Iba talaga ang mga treatment kapag single. Niyaya ko si Alan pero hindi siya makakasama kasi naghahabol siya sa perfect attendance bonus at ayaw niyang umabsent at sa mga panahong ito lumalabas ang pagiging mukhang pera nito. Pero ayos lang yon, kapag nandito yon, hindi ko makakausap ng ayos si Junjun, at baka akalain non ay naalog ang utak ko matapos yung aksidente.

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon