Chapter 26

102 5 0
                                    

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ──

"Like what you see?"

Napabalikwas si Kyle nang marinig ang boses ni Ezekiel. Nakita rin niya na nakabukas na ang mga mata nito habang mariing nakatingin sa kanya.

"H-Hindi, ano kasi... may lamok sa mukha mo. Papatayin ko sana." ang pagdadahilan ni Kyle.

Tumawa naman ang multo at maayos na umupo sa kama. "Sure, sure." At isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. "But you forgot that I'm a ghost at hindi ako dinadapuan ng lamok."

Napaubo ang binata na tila nabulunan sa sariling laway. Ramdam niya rin ang init na umaakyat sa mukha niya at kahit hindi siya tumingin sa salamin, alam niya na namumula siya.

"E may lamok naman talaga e. Bahala ka nga." Pinilit pa ni Kyle ang palpak niyang kasinungalingan na kahit siya ay hindi maniniwala, at tsaka tumayo. "Magluluto lang ako. Anong gusto mo?"

Hindi mapigilan ang ngiti sa mukha ni Ezekiel. Kung maaari lang ay nagliwanag na ang mga mata nito. At kung maaari lang ay baka bumilis na ang tibok ng kanyang puso.

"Anything is fine." May halong paglalambing ang boses nito na siya namang ikinamula na naman ni Kyle. Dali-dali itong tumalikod para lumabas ng kwarto.

"Okay. Hintayin mo ako."

Sa sobrang dami ng nangyari sa kanila ng araw na iyon, saka lang nakaramdam si Kyle ng pagod. Hindi lang ang pisikal na katawan niya ang pagod, pati na rin ang isip at emosyon nito. Pero hindi ito ang oras magpahinga.

Gusto niyang i-spoil si Ezekiel. Deserve niyang pagsilbihan dahil sa dami ng pinagdaanan nito noong nabubuhay pa. Pinangako ni Kyle sa sarili na tanging ligaya lang ang mararamdaman ni Ezekiel ngayon. At sana maramdaman nito ang pagmamahal na ibubuhos niya sa kanya.

Hindi nag-aksaya ng panahon ang binata at nagluto na para sa kanilang dalawa. Agad niya itong inihain pagkaluto at nilabas din niya ang mga snacks na binili niya para kay Ezekiel.

"Ezekiel. Kakain na." ang pagtawag niya rito.

Pagkurap niya ay nakaupo na sa harap ng hapag-kainan si Ezekiel na mukhang nasasabik habang pinagmamasdan ang mga pagkaing nakahain.

"Wow! Ang dami! Anong meron?" ang tanong ng multo habang hindi inaalis ang tingin sa mga pagkain. "This looks like when we had fiesta in the province!"

Natawa si Kyle dahil mukhang batang natatakam ang inaasal ni Ezekiel. "Para sa'yo lahat yan. Kapag kulang pa, sabihin mo lang." ang sabi niya habang nagsasandok ng kanin.

"Feels like my last supper." ang pabirong komento naman ni Ezekiel habang tumatawa.

Nabitawan naman ni Kyle ang hawak na kutsara nang marinig niya ang sinabi ng multo. Kumikirot na naman ang puso niya dahil pinaalalahanan na naman siya na temporary lang ang mga bagay na ito.

Nakita naman ni Ezekiel ang pagbabago sa emosyon ng binata. Natataranta niyang hinawakan ang kamay nito. "I'm just kidding of course! We will share more meals in the future."

Pinilit ngumiti ni Kyle sa sinabi ng multo. Tinatagan niya ang loob niya at inayos ang sarili. Para sa kanya, bawat segundo na kasama si Ezekiel ay mahalaga kaya walang rason para sayangin niya iyon sa paglulugmok niya.

Masayang kumain ang dalawa habang nagku-kwentuhan. Buhay na buhay ang bahay ni Kyle dahil sa mga tawa ni Ezekiel. Napaka-domestic ng lahat. Para bang normal lang na magsalo ng pagkain ang isang tao at isang multo.

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon