─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
Ilang araw din ang lumipas. Normal lang ang pagsasama nina Kyle at Junjun sa iisang bubong. Natutunan na nila kung paano makikisama sa isa't-isa. Kagaya ni Kyle, na ayaw na ayaw maistorbo sa pagtulog tuwing umaga habang si Junjun naman... ayun masiba pa rin sa pagkain.
Paborito niya ang luto ng binata. Natutuwa rin ang lalaking multo sa tuwing tinatanong siya ni Kyle kung ano ba ang gusto niyang kainin. Para kasing mahalaga ang opinyon niya sa mga gantong bagay. Parang espesyal yung dating sa kanya.
Dahil kakaunti lang ang alam niyang luto ng pagkain, nagtatanong ito sa ibang mga Junjun sa building ng mga suggestions. Baka kasi may nalalaman silang pagkain na kayang lutuin ni Kyle. At siyempre, bilang ganti, buong magdamag ikkwento ni Junjun kung gaano kasarap magluto ang binata. Walang sawa niyang binibida ang kahit na anong ginagawa nito. Ang ibang mga Junjun naman ay naaaliw pa rin sa pakikinig kahit na parang sirang plaka yung pinapakinggan nila. Masaya sila na makita si Junjun 8 na maligaya at ayaw nilang ipagkait iyon sa kaniya. Alam nila kung gaano kalungkot at kahirap ang ma-trap sa isang building at gumising araw-araw ng wala kang nalalaman tungkol sa nakaraan.
"Cordon bleu?"
Napatigil si Kyle sa paghahalo ng kanyang kape. Day off niya ngayon at kasalukuyang nagkakape sa katirikan ng araw sa tanghali. Kaharap niya ngayon si Junjun na kumakain ng tinapay na walang palaman.
"Yep! Can you do it for me?" Nagawa pang magpa-cute ng multo sa pamamagitan ng pagpapatong ng ulo niya sa dalawang palad na tila naka-flower pose.
Napairap na lang ang binata sa asal ng multo. "Anong pumasok sa kukote mo at naisip mong magpaluto niyan?"
"Wala. I just heard masarap daw yon. And yesterday, I saw you guys have it in your canteen."
Naalala ni Kyle na cordon bleu ang ulam na binili ni Alan nung nag-lunch sila kahapon. Di na nakapagtataka kung saan galing tong request ni Junjun. Pero hindi naman sila nagkita nung lunch kahapon ah?
"Nasaan ka ba kahapon? Magdamag tayo di nagkita tapos ngayon, magpapaluto ka." tinaas pa ni Kyle ang kilay nito habang nagtatanong na parang nagtataray.
Magdamag hindi nagpakita si Junjun kahapon noong nasa office building sila. Pero di niya ipagtatapat na naka-buntot lang talaga ito kay Kyle at palihim na nagmamasid.
"Just here and there." pagpapalusot ng multo.
Alam ni Kyle na hindi nagsasabi ng totoo itong si Junjun. Hinala nito na may pinagkakaabalahan ito sa kung saan mang parte ng building. Hindi rin naman niya gusto na pagsabihan ito dahil wala naman siyang pake kung saan pa magpunta ang gung-gong.
"Then, wag kang magpapaluto sa 'kin." Tinungga ng binata ang natitirang laman sa tasa niya saka ito tumayo para ilagay ito sa lababo. Naiwan naman nakatulala si Junjun habang pinoproseso ng sinabi ni Kyle.
Ang taray naman nito! Napahalukipkip si Junjun at saka niya naisipan na lumabas ng bahay. Nagtatampo siya kay Kyle dahil hindi siya pinagbigyan nito. Pero alam niyang mapipilit niya rin ito mamaya. Tumayo siya at tumagos sa pader papuntang kung saan. Balak niya munang magliwaliw at hahanap siya ng teknik para mapapayag ang binata.
Napangisi si Junjun.
Naiwan naman sa katahimikan si Kyle. Alam nito na umalis si Junjun. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito habang nakatitig sa plato kung saan niya pinapakain si Junjun kanina.
Kung hindi lang talaga...
Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at idinial ang number ng ina.
Matapos ang kamustahan ay tinanong ng binata kung paano ba magluto ng cordon bleu. Nagulat naman ang ina nito dahil alam niyang hindi mahilig magluto ang anak. Magluto man ito ay yung mga simpleng putahe lang.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romansa[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...