Kyle Enrico Salvador
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───"Ano Kyle, nagustuhan mo na ba dito sa probinsya? Hindi ka na ba babalik ng Maynila?" pabirong tanong sa akin ni papa.
"Pa naman, hindi ba pwedeng pareho?" saad ko.
Naglalakad kami papuntang plaza. Kasama ko sina mama at papa, pati na rin si Warren. May munting program sa plaza at gustong makisali nina mama dahil may sayawan daw. Si Warren naman, sumama lang to samin papunta, pero maya-maya lang malamang sasama na to sa mga barkada niya.
At si Junjun... hindi ko alam kung nasaan ang lalaking iyon. Pagkatapos sa akin sabihin ni Ali na magpapasama siya, bigla na lang nagbago ang kilos ng gung-gong.
Sabi niya wag daw ako sumama kay Ali. 'Pag tinanong ko naman kung bakit, ayaw naman magsalita. Ilang beses ko na siyang kinulit pero nagtatakbo lang ang loko kung saan.
Magarbo ang gayak ng plaza. Mas magarbo ito kesa noong pumunta kami ni Junjun dito kahapon. Marami ring nag-iimbita para kumain pero magalang namin itong tinanggihan dahil busog na rin naman kami. Mas marami ding mga nagtitinda ng kung anu-ano sa paligid. Tiyak na kung nandito yon si Junjun, panay turo na naman yon ng kung anu-ano.
Nasaan na kaya siya?
"Kyle!" narinig kong may tumawag sa akin.
Nakita ko si Alicia kasama ang nanay niyang si Aling Sitang at ang kapatid niya sa di kalayuan. Kumaway ito sa akin saka pumunta sa kinaroroonan namin.
"Nandito na pala kayo. Dinanaan namin kayo sa inyo, wala namang tao. Nauna na pala kayo." ang sabi ko.
"Sorry na. Si mama kasi nayakag ng mga amiga niya, ayun sumabay na rin kami papunta. Sorry di ko nasabi."
"Oks lang yon, ano ka ba. Saan ka nga pala magpapasama?"
Pabiro akong hinampas ni Ali sa braso at tumawa. Nagmano siya sabay paalam sa magulang ko. Aniya ililibot daw niya muna ako sa lugar bago namin puntahan yung gusto niyang puntahan.
Binaybay namin ni Ali ang kalsada na ngayon ay di mahulugang karayom sa dami ng tao. Akala mo ay may Christmas sale. Di rin hadlang ang madilim na gabi dahil maraming ilaw ang nakapalibot sa daan na nagmistulang umaga na. Bumili rin kami ng mga pagkain na nilalako kung saan-saan.
Kung nandito lang si Junjun, sigurado akong magugustuhan niya 'to.
Nagpunta rin kami sa souvenir shop na malapit. Balak ko kasing pasalubungan yung mga ka-team ko, lalo si TL dahil siya ang nagbigay sa akin nitong bakasyon.
Nagpatulong din si Ali na mamili ng accessories dahil lahat daw ay magaganda. Sa huli ay binili niya yung kwintas na gawa sa maliliit na white na beads tapos may pendant na sunflower.
Habang namimili naman ako ng ibibigay kay Alan, nakita ko ang isang bracelet na gawa sa itim na maliliit na beads. May tatlong palawit ito na bear na transparent.
Bigla kong naalala si Junjun. Parang bagay sa kanya 'to.
Pagkatapos non ay nag-aya ulit si Ali na maglakad doon sa lugar na magpapasama siya.
Nakarating kami sa isang spot di kalayuan sa plaza. Isa itong bar or club na ngayon ko lang nalaman na meron pala dito sa amin. Sabi ni Ali kaibigan niya daw yung may-ari nito at kabubukas lang mga 2 years ago.
Pagpasok namin ay maraming tao. Hinila niya ako doon sa table na may ilang taong nakaupo na. Napag-alaman ko na mga kaibigan pala niya yon.
"Guys, si Kyle, nga pala. Galing siyang Manila." ang pagpapakilala sa akin ni Ali. "Ito pala Kyle yung mga classmates at schoolmates ko sa college dati." At saka isa-isa niyang pinakilala ito.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Roman d'amour[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...