Chapter 23

68 3 1
                                    

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Kumakain sa 4th floor canteen si Kyle, at nasa harap niya ang tila natatakam na si Ezekiel. Ngayong araw siya pinatawag upang makipag-usap sa site director. Hindi alam ng binata kung ano ang ginawa ng OM nila, pero nagawa nitong mag-arrange ng meeting sa pagitan lang nilang dalawa ng direktor.

"Sasama ka ba sa akin mamaya?" ang tanong ni Kyle na nagpapanggap na may ka-tawagan sa phone dahil maraming tao sa canteen ngayon.

"I don't know. Hindi kasi ako nakaka-akyat sa 10th floor." ang walang-ganang sagot naman ng multo.

Nasa 10th floor ang opisina ng site director at dito rin siya pupunta.

Ngayon lang nalaman ni Kyle na may lugar pala na hindi kayang puntahan ni Junjun dito sa building. Akala kasi nito ay nakakatagos ito sa kahit saan.

Ayon kay Junjun, sa tuwing susubukan niyang pumunta ng 10th floor, bumabalik lang siya sa ground floor. Kahit ns sumabay siya sa elevator paakyat ng palpag na iyon ay hindi rin niya kaya. Hindi niya rin kayang tumagos sa mga pader nito. Sa tagal niyang naninirahan sa gusaling ito, tanging ang 10th floor lang ang hindi niya nagagawang puntahan. Hindi rin niya alam kung bakit, kaya naman hinayaan niya na lang. Tutal, malaya naman niyang maikot ang ibang parte ng malaking building.

"Subukan lang natin. Kasama mo na ako. Baka maka-akyat ka na dahil may spirit contract na tayo ngayon." ang suggestion ni Kyle. Nagawa kasi ng multo na makalabas sa building na ito simula ng nagkaroon sila ng kontrata. Kaya naman hindi impossible na ganito rin ang mangyari sa pag-akyat nila ng 10th floor.

Kasalukuyang nasa loob ng elevator sina Kyla at Ezekiel. Nagkataong walang ibang tao at tanging silang dalawa lang ang nandon. Pinagmasdan nila kung paano unti-unting umaakyat ang elevator patungo sa kanilang destinasyon.

Saglit lamang iyon pero para sa dalawang binata, tila napakatagal nilang tinitigan ang pagpapalit ng pulang numero mula sa display.

5

6

7

8

9

10

Naramdaman nila ang paghinto ng elevator ngunit nagtataka sila kung bakit hindi ito bumubukas. Pinindot ni Kyle ang open button pero walang nangyari. Pinindot pa niya ito ng ilang beses pero bigo silang mabuksan ang pinto.

"Bakit ngayon pa nasira 'to?" ang inis na sambit ni Kyle.

"Let's just call for help." Tinuro ni Ezekiel ang alarm button ng elevator. Agad naman itong pinindot ni Kyle ngunit sa di inaasahang pangyayari, biglang bumaba ang elevator.

O mas tamang sabihin na bumulusok itong pababa.

Ang display naman sa taas ay tila nagloloko rin dahil hindi tama ang mga numerong lumalabas dito. Napakapit sila ng mahigpit sa kamay ng isa't-isa at napapikit habang nararamdaman na tila hinihila ang kanilang mga lamang loob sa sobrang lakas ng pwersang humihila sa kanila pababa.

Shit. Katapusan na ba namin?

Ang tanong ni Kyle sa kanyang sarili. Hinila niya si Ezekiel at mahigpit na yumakap dito.

10

4

9

5

1

7

10

3

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon