─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
"Ka-wave ko yan dati. Crush ko siya noon pero di niya ako pinapansin hu hu."
"Kyle. Sa wakas na-post ka na rin dito."
"Ang sarap namern ni koya. Anong IG niya?"
"Mine ko na yan."
Binabasa ni Ezekiel ang mga comments sa Call Center Heartthorbs post para kay Kyle gamit ang monotone na boses. Namumula naman si Kyle habang pinakikinggan ang binabasa ng boyfriend niya.
Hindi na ma-activate ni Ezekiel ang dating Facebook niya kaya gumawa na lang ito ng bago. Ang sole purpose lang nito ay hanapin ang Call Center Heartthrobs post na iyon at tignan kung ano ang sinasabi ng mga netizens sa boyfriend niya.
"Baby, tama na yan please?"
Hiyang-hiya na si Kyle sa mga naririnig. Hindi niya alam na may ganoong post pala na nage-exist sa internet. Makakatikim talaga ang nagpost non.
Naka-off kasi ang tagging sa kanya pati na rin ang mentions. Napaka-pribadong tao ni Kyle kaya naman halos walang makita sa Facebook nito kapag binisita mo.
Lahat ng pagmamaka-awa niya ay tumatagos lang sa kabilang tenga ni Ezekiel na patuloy pa rin sa pagbabasa. May halos 200 comments sa post na yon at isa-isa talaga niyang binabasa lahat.
"Mukhang daks si kuya. Yum."
"Baby, please—“
"Ready na ang kiffy ko para sayo."
"What the fuck?"
"Gusto kong ikaw ang maging ama ng mga anak ko."
"Ezekiel Sy."
"I-shoot mo na ang ball, ang sarap mag-basketball ball."
"Okay, that's it. Tigilan mo na yan."
Bumangon si Kyle mula sa kinauupuan para ilayo ang cellphone kay Ezekiel.
"Hindi ko talaga alam kung sino nag-post niyan, I swear." Kinuha ni Kyle ang cellphone ni Ezekiel kasabay ng pagyakap nito mula sa likod. "Wag ka na magalit, please."
Gusto lang namang asarin ni Ezekiel si Kyle pero mukhang siya pa nga ang naasar sa huli. Ang dami palang naglalaway sa boyfriend niya! Hindi to pwede!
"Saan galing yung photo mo na yon?" ang tanong ni Ezekiel.
Nilagay ni Kyle ang kanyang baba sa balikat ng isa at mahigpit na yumakap sa tiyan nito. "Mukhang sa team building namin galing yon sa dating-dati kong kompanya. Pero sobrang tagal na non! Di ko nga alam na meron pala akong picture na ganon e."
"Buti ka pa may picture sa iba, tayo kahit isa, wala. Sino ba ang boyfriend mo?" may halong pagmamaktol ang boses ni Ezekiel.
Ngumisi naman si Kyle, at mas hinigpitan ang pagyakap sa lalaki. Ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula dito.
"Baby, nandito sa tabi mo ang real thing. Ito oh, nakayakap sayo. Wala silang magagawa sa picture ko. Tignan mo, pwede mo kong i-hug. Pwede mo nga ako i-kiss e." Nilapit ni Kyle ang bibig sa tenga ni Ezekiel at binabaan ang kanyang boses. "Pwede tayong mag-se—“
Kumalas sa pagkakayakap si Ezekiel. Namumula ang buong mukha niya for sure. Puro...Puro pang-aakit na naman ang lumalabas sa bibig ng demonyo na to!
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romans[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...