Chapter 27

85 5 4
                                    

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

"Kyle!"

Nilingon ni Kyle ang boses na tumawag mula sa kanyang likod.

Napangiti siya sa nakita at kumaway.

"Marian!"

Patakbong lumapit ang babae sa kinatatayuan ng Kyle. Yumakap ito ng mahigpit sa kanya dahil masaya itong makita muli ang binata. Napansin din ni Kyle na may bitbit itong isang tumpok ng bulaklak. Tinulungan niya ang babae na magdala nito na siya namang ikinapasalamat ni Marian.

"Salamat pala dito. Dapat sinabi mo sa akin, para ako na ang bumili." ang sabi ng binata habang tinitignan ang makukulay na bulaklak na hawak niya. Kahit hindi sabihin ay alam niya kung para saan ang mga iyon.

"Naku, wala yon. Along the way lang din naman yung shop kaya bumili na ako. Kamusta pala ang biyahe mo?" ang tanong ni Marian.

"Ayos naman. Mabuti nga at nakauwi ako kaagad." ang sagot naman ni Kyle. Magkatabi nilang binabaybay ang isang pamilyar na daanan na maghahatid sa kanila sa lugar na kinasasabikang mapuntahan ng binata.

Isang linggong namalagi ang binata sa probinsya. Naaksidente kasi ang ama nito at kailangang magpahinga kaya naman kailangan ng magtatrabaho sa bukid at tutulong sa ina niya sa mga gawain sa bahay. Kahit na nandoon ang kapatid niya na si Warren, labis itong nag-aalala kaya naman lumuwas na ito at nanatili ng ilang araw hanggang sa makadating ang pinsan niyang makikituloy muna sa kanila panandalian para makatulong.

Ngayon ay nakabalik muli siya ng Maynila at sa di malamang dahilan, na-miss niya ang alinsangan sa hangin nito. Pero may iba pang dahilan kung bakit sabik ang binata na makabalik muli sa lugar na ito.





Anim na buwan nang nakalipas nang huling magkita sina Ezekiel at Kyle. Anim na buwan ang lumipas nang masaksihan niya kung paano siya sinundo at sumama sa liwanag. Kalahating taon na ang lumipas, pero para kay Kyle, parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Napakaraming nangyari.

Parang kahapon lang noong huli nilang pinagsaluhan ni Ezekiel ang isang matamis na halik, at ang mga  pangako nila sa isa't-isa. Parang kahapon lang nang luhaan siyang naiwang mag-isa habang unti-unting nawawala ang liwanag kasabay ng pag-alis ni Ezekiel.

At parang kahapon lang din noong napatalsik sa puwesto at nakulong si Gilberto Sy.

Sa tulong ni Mr. Belmonte, na nakapagtago ng ilang dokumento na maglalabas ng baho ni Mr. Sy, nahatulang makulong ang ama ni Ezekiel. Sari-saring kaso ang naisampa sa kanya mula sa money laundering, embezzlement, tax evasion at accounting fraud.

Pero hindi siya nakasuhan ng murder sa ginawa niya kay Ezekiel.

Sa halip, nakasuhan siya ng assault resulting to serious physical injuries.




Ezekiel is alive. Pero kasalukuyang mga makina ang sumusuporta sa buhay niya.

Matapos ng pangyayaring naganap sa 10th floor mahigit tatlong taon na ang nakararaan, dineklarang patay na si Ezekiel. Ngunit matapos ang tatlong minutong pagtigil ng kanyang puso, isang himala na bumalik ito sa pagkabuhay. Muling tumibok ang ouso nito at patuloy na humihinga. Kaya nga lang, hindi pa ito gumigising mula sa matagal na pagtulog niya.

Mahigit tatlong taon na siyang naka-coma.

Nalaman ito ni Kyle mula sa pag-amin ni Gilberto Sy. Napag-alaman niya na nasa malapit lang ang kinalalagyan ni Ezekiel. Kahit kailan ay di niya aakalain na sa ospital na malapit lang sa building nila kasalukuyang nagpapagaling si Ezekiel. Ang ospital kung saan ilang beses na rin siiang nakapuntang dalawa.

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon