Chapter 30

77 2 0
                                    

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

"Urgh..."

"Masakit ba?"

"Medyo... basta dahan-dahan lang..."

"Okay, di ko bibiglain."

"Teka, Kyle... wag mo bilisan... di ko kaya..."

"Sige, bagalan lang natin... ayan... okay na..?"

"Okay na..."

"Igagalaw ko na ha..."

"Urgh...teka, masakit!"

Hinampas ni Ezekiel ang kamay ni Kyle na naka-alalay sa balikat niya. Nanginginig ang tuhod niya at tagaktak ang pawis sa maamo niyang mukha. Dahan-dahan niyang hinahakbang ang mga paa at sa bawat paggalaw niya ay nararamdaman niya na parang dinudurog ang mga buto nito.

Tumigil naman si Kyle sa paglalakad at hinayaan na mag-adjust ang binata na ngayon ay nasa therapy upang masanay muli itong maglakad. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa katawan ni Ezekiel para masiguro na hindi ito mahuhulog o madadapa.

"Relax ka lang. Nagawa rin natin ko kahapon di ba?"

Muntik nang mapatakip ng mata si Ezekiel dahil sa lubhang nakakasilaw na ngiti ni Kyle. Magdadalawang linggo na siya sa therapy, pero si Kyle, walang sawa kung tumulong at umalalay sa kanya. Mukhang siya pa nga ang susuko na.

"I'm sorry Kyle pero masakit talaga." Napabuntong hininga si Ezekiel sa sobrang frustration. Nahihiya na siya kay Kyle dahil araw-araw itong nag-e-effort para samahan siya sa therapy pero hanggang ngayon ay hirap na hirap pa rin siyang lumakad.

"Okay lang yan. Tara, magpahinga ka muna," inalalayan ni Kyle ang binata papuntang bench at iniupo ito doon. Siya naman ay naupo sa sahig para imasahe ang binti ni Ezekiel.

Eksperto niyang minasahe ang binti ng binata at bakas sa bawat kilos nito na ilang beses na niya itong nagawa. Siniguro niya na marahan ang bawat galaw ng kamay niya pero nandoon pa rin ang pwersa para sa mga muscles nito.

Sa kabilang banda, tahimik lang na pinagmamasdan ni Ezekiel si Kyle mula sa kinauupuan nito. Malaki ang kamay ni Kyle at may pagkamagaspang ito pero hindi ibig sabihin nito ay hindi siya komportable. Sa katunayan, magaling magbigay ng masahe si Kyle na parang sanay na sanay na ito.

"Thanks Kyle."

"Wala yon, ano ka ba..." ang maikling sagot ni Kyle ng hindi tumitigil sa pagmamasahe at nakatuon pa rin ang mata sa binti ni Ezekiel. "Mahirap talaga sa umpisa, pero masasanay ka rin. Gaya nga nung mga baby, di ba nadadapa rin sila kapag nag-aaral maglakad."

Natawa si Ezekiel sa sinabi ng binata, "Ano ba yang analogy mo, ginawa mo naman akong bata." Naka-kurba ang mga mata nito na parang halfmoon sa sobrang laki ng kanyang ngiti.

Saglit na napahinto si Kyle sa pagmamasahe para tignan si Ezekiel. Talagang na-miss niya ang mga tawa nito. Nagpapasalamat siya sa kung sinumang makapangyarihang pwersa sa itaas dahil binigyan siya ng pagkakataong makitang muli ang napakagandang imahe na ito.

"Napakaganda..." Hindi namalayan ni Kyle na nabulalas niya pala ang nasa isip niya.

"Napakaganda...?" Nagtataka namang nakatingin si Ezekiel sa kaibigan dahil hindi niya alam kung anong ibig sabihin nito.

"Ha? A..Ano...Napakaganda..ng panahon di ba? Haha!" Tinuro ni Kyle yung bintana na katabi ng bench na inuupuan ni Ezekiel. "Tignan mo, maaraw sa labas." Napakamot na lang sa ulo si Kyle sa sobrang kahihiyan. Ganito talaga siguro ang epekto sa kanya ni Ezekiel: nawawala siya sa sarili kapag nakikita ang taong gusto niya.

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon