─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
Tahimik na nag-iintay si Ezekiel sa tapat ng office ni Kyle bago mag alas-8 ng umaga. Ito na ang naging routine nila sa mahigit isang taon nilang pagsasama.
Nagta-trabaho na si Kyle sa isang call center malapit lang sa office building nina Ezekiel na nasa loob din ng parehong business district.
Bago pumasok sa trabaho si Ezekiel, hinihintay niya ang uwian ni Kyle ng 8AM tapos sabay silang mag-aalmusal sa paborito nilang coffee shop, tatambay ng konti, at bago mag 9AM, ihahatid siya ni Kyle sa opisina nila.
Baliktad ang mundo at ang schedule nila pero kinaya nila. Sinisiguro nila na may oras sila para sa kanilang dalawa, and at the same time, oras din para sa kanya-kanya nilang sarili.
Ilang saglit matapos pumatak ang 8AM, natanaw ni Ezekiel ang boyfriend nito na lumabas sa building. Natanaw niya din ang isang lalaki na kausap nito na kasabay niyang maglakad.
Malawak ang ngiti ni Kyle habang pinapakinggan kung anuman ang sinasabi nung lalaki. Sa huli ay nag-fistbump pa sila at tinapik ng lalaki ang likod ni Kyle bago sila naghiwalay ng landas.
Hindi pinagdududahan ni Ezekiel ang katapatan ni Kyle. Alam niya na siya lang ang laman ng puso nito. Patay na patay nga sila sa isa't-isa e. Marami mang umaligid kay Kyle, panatag siya na hindi sila papansinin nito. May pagka-mataray din kaya ang boyfriend niya!
"Baby!"
Tinawag ni Ezekiel ang atensyon ni Kyle. Lumapad nama ang ngiti ng isa habang patakbong lumapit sa kanya.
"Good morning, baby." Hinalikan ni Kyle ang labi ni Ezekiel. Hindi ito yung good morning kiss na madalas gawin sa kanya ni Kyle dahil nasa labas sila ngayon. Kaya naman bumabawi ito sa good night kiss niya. "Sorry, may meeting kasi."
"Okay lang. Let's go?" Hinawakan ni Ezekiel ang kamay ni Kyle at naglakad na sila sa direksyon ng usual nilang coffee shop.
"Ang pogi mo ngayon a, bagay yung damit." ang bulong ni Kyle habang naglalakad.
"Sus. You chose this for me, right? Of course I'll look pogi in these."
Si Kyle kasi ang naghanda ng gagamiting damit ni Ezekiel sa umaga bago ito umalis ng bahay kahapon.
Pagdating sa coffee shop, si Kyle ang um-order ng usual na kakainin nila. Korean toast at iced coffee ang para kay Ezekiel habang pancake with scrambled egg and bacon at orange juice naman ang order ni Kyle. Hindi na ito nagkakape tuwing umaga dahil baka di siya dalawin ng antok pag-uwi niya sa bahay kung kailan pa lamang siya matutulog.
Habang naghihitay ay napansin ni Ezekiel na kanina pa nagv-vibrate ang cellphone ni Kyle na iniwan niya sa lamesa. Hindi niya napigilan na silipin ito.
Ang lockscreen ni Kyle ay ang picture nilang dalawa. Nakaakbay si Kyle kay Ezekiel at nakahalik sa pisngi nito. Si Ezekiel naman ay naka-kindat habang naka-peace sign.
Sa gitna ng lockscreen, isang message notification ang nakalagay.
1 new message from #28
Walang message preview ito kaya hindi niya alam kung anong laman ng text. Ayaw namang mag-usisa pa ni Ezekiel. Pareho nilang alam ang password ng kahit anong account ng isa't-isa kaya pwede niya itong tignan anumang oras pero minabuti ni Ezekiel na wag na lang itong buksan. Wala naman siyang kinalaman sa message na iyon.
Maya-maya pa, nag-vibrate muli ang phone. This time, ang lockscreen notification ay '1 new message from #34'.
At nagtext muli ang #28.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romansa[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...