Chapter 48

66 2 0
                                    

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Nakailang palit na si Kyle ng damit at kanina pa rin niya tinitignan ang sarili niya sa salamin.

"Ano ba 'to, parang overdressed naman ako." ang bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang suot niyang fitted beige button-down shirt na nirolyo ang manggas, tailored dark jeans na mahigpit na yumayakap sa bewang at hita niya, at isang pares ng classic leather loafers.

Ayaw kasi sabihin ni Ezekiel kung saan sila pupunta ngayon kaya nahihirapan siyang mamili ng damit na babagay sa okasyon.

Paano kung aakyat pala kami ng bundok tapos ganto ang suot ko?

Madalas ay wala siyang pake sa kung ano ang suot niya. Pare-pareho lang naman kasi yung mga damit niya na puro hoodie at tshirt. Lately lang siyang nagsimulang mamili ng ibang style at kulay ng damit dahil gusto niyang mag-ayos para kay Ezekiel.

Isa-isa na namang hinubad ni Kyle ang suot hanggang sa boxers niya lang ang natira at naghalungkat na naman sa cabinet. Kailangan niyang humanap ng damit na babagay kahit saan.

Nakapag-suot na siya ng napiling maong na pantalon nang biglang tumunog ang phone niya. Isang text galing kay Ezekiel.

'Baby, are u ready? Baka sobrang gwapo mo na nyan. Do I need to just keep you in my pocket para di makita ng iba ang pogi kong boyfriend?'

Habang binabasa ni Kyle ang text, hindi niya mapigilang mapangiti. Mukhang lumalakas na ang loob ng baby niya ah.

Maya-maya'y kumuha siya ng mirror selfie at sinend ito sa boyfriend niya.

Sa kabilang dako, nag-aayos si Ezekiel ng sarili para sa date nila ni Kyle. Madalas ay si Kyle ang nags-surprise sa kanya sa mga dates kaya naman this time, oras na para siya naman ang manopresa.

Kasama niya sa kwarto si Marian na katulong niya pumili ng susuoting damit. Kinakabahan kasi si Ezekiel sa gagawin niyang sorpresa na ultimo pagpili ng damit ay kailangang perpekto kaya kailangan niya ng second opinion.

"How about this? It feels comfy." Lumabas si Ezekiel mula sa banyo niya pagsuot niya ng damit na pinili ni Marian. Isang oversized gray ribbed v-neck sweater ito na pinaresan niya ng maong na pants.

"That's perfect! Okay na yan. Maglalaway na niyan si Kyle. At saka tatanggalin niyo din naman yan mamaya." ang sabi ni Marian na naka-upo sa bean bag.

"What are you talking about?" Medyo namumula ang mukha ni Ezekiel. "Wholesome date 'to no."

"Sus. Wholesome-wholesome. Dun din naman mauuwi." ang pabulong na hirit ni Marian. Narinig ito Ezekiel pero hindi na siya nag-react pa. Doon nga mauuwi hihi, ang sabi nito sa kanyang sarili.

Nagsend siya ng message kay Kyle para itanong kung ready na ba ito at nilagyan ng konting kaharutan. Nakatanggap naman siya ng mabilis na reply nang biglang tumunog ang kanyang phone.

"Aaack—!

Pinigilan ni Ezekiel ang tili na lumabas sa kanyang bibig matapos makita ang reply ng boyfriend niya.

"What's wrong?" tanong ni Marian.

"Si Kyle kasi—no, nevermind." Walang dapat na makaalam nito. Ako lang. Umiling si Ezekiel bago idinako na naman ang paningin sa reply sa kanya.

Nagsend ng picture si Kyle. Isang mirror selfie ito na kita ang halos buong katawan niya at tanging pantalon lang ang suot. Bakas na bakas ang hulma ng abs niya at kapansin-pansin ang malaki at toned na braso nito na nakahawak sa cellphone.

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon