Chapter 35

66 2 0
                                    

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Lumipas ang mga araw, na naging linggo, at kalaunan naging buwan. Walang sinayang na panahon si Ezekiel sa determinasyon niyang naka-recover at makalakad na. Kung gaano ka pursigido si Ezekiel, ganoon din si Kyle.

Iniuwi na si Ezekiel sa bahay nila pero patuloy pa rin ang therapy niya sa ospital na tatlong beses sa isang linggo niyang pinupuntahan.

Kahit na ganoon, nandoon pa rin si Kyle para sumuporta at alalayan siya.

Welcome na welcome si Kyle sa bahay ng mga Sy na tanging si Mrs. Sy, Ezekiel, at ilang katulong lang ang nakatira.

Gaya nga ng pinangako niya sa sarili, hindi umalis si Kyle sa tabi ng lalaking gusto niya. Araw-araw silang magkasama para mag-usap ng kahit anong bagay sa mundo, o magpunta sa therapy, o kaya'y simpleng magkasama lang sila sa kwarto at ginagawa ang kani-kanilang dapat gawin.

Minsan ay nanonood sila ng movied sa laptop ni Kyle. O di kaya sabay nilang pinapanood ang sinusubaybayang telenovela sa TV tuwing hapon. O di kaya sabay silang magsisiesta sa tanghali matapos kumain.

Kahit ano pa yan, magkasamang ginagawa nina Ezekiel at Kyle ang iba't-ibang mga bagay na mas lalong nagpalapit sa kanila.

At makalipas ang halos dalawang buwan, nagawa na ngang makalakad ni Ezekiel muli.

Hindi makakalimutan ni Kyle ang tagpo ng araw na iyon.

Kabado man ay hiniling ni Ezekiel na bitawan na siya at susubukan niyang maglakad. Pigil ang hininga habang pinanood ni Kyle kung paanong tagumpay na nakahakbang si Ezekiel ng isang beses, at pangalawa, at pangatlo, hanggang sa tuluyan na nga itong naging komportable sa paglalakad.

"Shit, Kyle! I did it! Look at me! Look! See?"

Hindi mapaglagyan ang saya at excitement sa boses ni Ezekiel. Nagawa na nitong makalakad nang siya lang mag-isa matapos ang lahat ng pawis at luhang binuhos niya.

The pain was worth it. His hardworkd was not in vain.

"Good job, Ezekiel!" ang bati ni Kyle na nakatayo sa dulo ng dadaanan ni Ezekiel.

Humakbang pa muli ito hanggang sa makarating siya sa harap ni Kyle.

Walang pag-aalinlangan niyang nilibot ang braso kay Kyle para yakapin ito.

"I did it Kyle! Kaya ko na'ng maglakad! Did you see that? I was so cool, right?" Sunod-sunod ang mga salitang binitawan ni Ezekiel dahil sa sobrang excitement nito. Nanginginig siya sa tuwa dahil sa wakas-sa wakas ay may resulta na ang pagpupursige nila ni Kyle.

"Thank you so much, Kyle. I'm so happy. I don't know how can I repay you for all the things you've done for me." ang masayang sabi ni Ezekiel habang mahigpit na nakayakap kay Kyle, ang kanyang ulo ay nakapatong sa balikat nito.

Nilibot naman ni Kyle ang braso niya sa bewang ng lalaki at sinuklian rin niya ito ng mahigpit na yakap.

Unang beses niyang mayakap muli ng ganito si Ezekiel matapos ang lahat ng nangyari. Ito ang yakap na labis niyang na-miss. Ang yakap na hinahanap-hanap niya. Ramdam na ramdam niya ang init na nanggagaling sa katawan ni Ezekiel, at ito lang siguro ang pinagkaiba kumpara noon.

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon