Chapter 4

93 4 0
                                    

Kyle Enrico Salvador
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Tatlong araw na'ng hindi nagpaparamdam si Junjun.
Literal na pagpaparamdam talaga ang tawag dahil isang multo ang lalaking iyon. Isang ghoster. He is an actual ghost.

Hindi ko na pinagbabantaan pa si Junjun na magpakita sa akin. Una, baka ibang kaluluwa ang matawag ko at magpakita sa akin. Pangalawa, hindi ba't mas maigi na wala na siya para matahimik na muli ang buhay ko?

Pagkatapos mawala ni Junjun, bumalik sa dati yung bahay. Wala na'ng mga jump-scares. Wala na'ng nagbubukas ng TV tuwing umaga bago pa man ako magising. Wala na'ng nagbibilad na multo sa garden ko at wala na'ng asungot ang bumubuntot sa akin.

Lahat payapa. It was earily silent these past few days pero may bumabagabag sa isip ko.

Nakatawid na kaya yon?

Ongoing pa rin ba ang spirit contract namin?

Otherwise...

"Uhh... M-Mamamatay ka. 'Yun yung sabi sa akin ng isang multo." naalala ko ang sinabi sa akin ni Junjun noon.

Mamamatay ba talaga ako kapag hindi ko siya tinulungan?

Lately, ilang minor accidents ang nangyari sa akin. Muntik na akong masagasaan ng e-bike habang naglalakad ako sa gilid ng daan. Muntik na rin akong matapunan ng kumukulong tubig habang nagpapainit ako sa electric kettle. Kahapon lang, muntik na akong matamaan ng lumilipad na gulong habang nakatambay ako sa tapat ng office namin.

Parang kakaiba naman kasi ata yon. Oo, di mo masasabi kung kelan ka maaaksidente. Aksidente nga e. Pero ang weird lang na sunod-sunod yung mga near death experience ko. Talaga bang mamamatay ako kapag hindi ko tinapos ang spirit contract ni Junjun? Ngayon lang nangyari sa akin ang mga kamalasan na to. Wala rin naman akong balat sa pwet!

"Tulaley?"

Bumalik ako sa sarili ko nang marinig ang boses ng TL ko. Nakasilip siya sa station ko habang nakapatong ang braso at baba niya sa divider.

"Sorry, tee." Nagmamadali kong sinagutan ang online training course na pinapatapos sa amin. Nakalimutan ko na kung ano yung binasa ko kasi pindot lang ako nang pindot ng Next para mabilis matapos.

"No probs. Let's talk at my station after you finish that, 'kay?" bilin ng TL ko sabay alis pabalik ng station niya. Wala namang naka-schedule na coaching sa akin ngayon. Bakit kaya?

Nag-usap kami ni TL about my performance. Three days na daw kasi na pababa ang trend ng scorecard ko. She believes I am not in my usual self kaya ni-recommend niya mag-leave ako for a week. Auto-approve na rin daw yon dahil kinausap na niya ang OM namin. Nagpasalamat ako sa TL ko at masayang bumalik sa trabaho.

I'll admit na I was not in my best condition these past few days. Sabi ni Alan lagi daw akong tulala. Sinapak ko naman ang nguso niya dahil napaka-pakialamero niya. Just kidding.

Pero syempre, hindi yon dahil kay Junjun. I don't give a damn kung nasaang lupalop na siya ngayon. Good for him kung nakatawid na siya. Kung hindi pa, then I don't care kung di na siya magparamdam ulit. Ito ang gusto ko, di ba?

Hindi ko lang alam kung meron pa rin ba'ng spirit contract ang nage-exist sa amin. O di kaya baka nagsara na ang third eye ko kaya't hindi ko na siya nakikita. Kung ano man yon, masaya ako at wala na'ng asungot sa buhay ko.

Pagpatak ng 7 AM, nag-log out na ako para makauwi na. Nakatayo ako ngayon sa usual loading zone na pinaghihintayan ko. Ako lang ang naghihintay na pasahero dito ngayon. Matagal din akong naghintay kasi madalang yung jeep o di kaya puno na. Habang naghihintay ay sinuot ko ang wireless earphone ko and opened my Spotify para malibang ako.

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon