─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
"Kita tayo mamaya, baby. I love you. Ingat ka ha."
Napangiti ni Kyle sa malambing na boses ni Ezekiel sa kabilang linya. Pasado alas-3 ng madaling-araw, nasa pantry siya para mag-'lunch'. Si Ezekiel ay nasa bahay at nagising lang mula sa pagtulog dahil na-miss niya bigla si Kyle kaya tumawag nito.
Hindi mapigilan ang ngiti ni Kyle dahil napaka-cute talaga ng baby niya.
"Love you too baby. Matulog ka na, aga pa oh. See you later. Ingat ka din sa biyahe mamaya." ang sagot ni Kyle.
Pagkababa ng tawag, inubos ni Kyle ang kinakain at pinalipas ang oras hanggang matapos ang lunch break niya.
"TL, paano po gagawin dito?"
Pagkapasok niya sa prod, sinalubong siya ng ahente niya na nagpapaturo ng process. Masaya namang tinuruan ni Kyle ito bago siya nagpunta sa sariling station niya.
Lumipas ang tatlong taon. Na-promote siya sa trabaho bilang TL. Bago nito ay una rin siyang na-promote bilang SME. Maganda ang kompanya niya ngayon. Kumbaga sa dinami-daming kompanya na napasukan niya, nahanap na niya sa wakas ang the one.
Siguro nakatulong din na mas na-enjoy niya yung trabaho niya dahil meron siyang inspirasyon araw-araw at motivation para mas mabuhay ng masaya.
Hindi lang niya sa trabaho nahanap ang the one niya. Nahanap niya ang tunay na pag-ibig at kaligayahan kay Ezekiel na asawa na niya ngayon. Siya ang nagbibigay ng rason kay Kyle para gumising araw-araw. Ang pagsalubong nito ang nillook forward niya araw-araw sa tuwing uuwi siya.
Dalawang taon na silang kasal. Naalala pa niya ang mga tagpo noong kasal nila. Lumuwas ang pamilya niya mula probinsya at tuwang-tuwa si Mrs. Sy na makita ang pamilya Salvador. Si Warren, kahit na tahimik na bata yon, ganadong-ganado sa pagtulong sa kasal. Nandoon din sina Alan at Marian na sa tingin ni Ezekiel ay may namumuong pagkakaunawaan. Imbitado rin syempre si Jace na boss ni Ezekiel, mga katrabaho niya at ilang mga kaibigan ni Kyle.
Silang dalawa mismo ang nagplano ng kasal katulong ng mga magulang nila. Si Kyle ang nakatoka sa reception katuwang ng mga magulang niya, at si Ezekiel naman ay sa design at venue kasama ang mom niya.
"TL?"
Naputol ang pagmumuni-muni ni Kyle nang may tumawag sa kanya.
"Oh, Carla? May kailangan ka?"
Tumingin ang ahenteng si Carla sa TL niya ng may buong pagtataka.
"May scheduled coaching ako ngayon, tee."
Napasapo naman sa noo si Kyle. Tinignan niya ang calendar niya at nakitang meron nga siyang coaching kasama ang ahente niya.
"Nag aux coaching ka na ba?" ang tanong ni Kyle. Minsan kasi nalilimutan ng mga ahente niyang mag-tag ng tamang aux kaya nasisita sila ng workforce.
"Yes, tee. Alam mo namang excited ako sa coaching lagi." ang nakabungisngis na sabi ni Carla. Naiintindihan ito ni Kyle dahil, kahit siya noong ahente siya, excited siyang mag-coaching dahil offline nga naman yon.
Nagsimula na sa coaching nila ang dalawa sa station ni Kyle. May call listening, tapos pinag-usapan nilang ang trend ng scorecard ni Carla. Matapos ng feedback ay gumawa sila ng action plan. Dahil may natitirang oras pa sila, minabuti ni Kyle na kamustahin ang ahente niya. Mahalaga para sa kanyang pangalagaan ang mental health ng mga ito dahil alam niya ang stress na dinudulot ng trabaho.
"Anyway, kamusta ka? Pang 7th month mo na ata dito, kung di ako nagkakamali."
Baguhan pa lamang kasi si Carla sa industriya at unang trabaho niya ang pagiging isang call center agent.
"Yes, tee. Ayos lang po. Masaya naman. Nagagamay ko na yung trabaho, minsan lang may mga unfamiliar na process kaya nahihirapan ako."
Nakaka-culture shock talaga ang nature ng trabaho nila lalo kapag hindi ka sanay makipag-usap sa iba, ano pa kaya kung buong walong oras mo itong gagawin using your second language. Pero eventually, kapag araw-araw mong ginagawa, tumatatag yung loob mo, pati sikmura mo ay tatatag din lalo kung araw-araw ka nakakarinig ng mga mura mula sa mga customer.
Kahit si Kyle at may love-hate relationship sa kanyang trabaho. Mahal niya ito dahil ito ang naging bread and butter niya para makatulong sa pamilya niya sa maraming taon, pero minsan parang gusto na niyang umayaw kasi nakaka-burnout din minsan lalo pa't hindi talaga siya sociable na tao. Fake it 'til you make it, ika nga. Sound friendly over the phone, pero sa labas ng trabaho, para siyang lantang gulay.
Mabuti na lang talaga at dahil sa trabahong ito, nakilala niya si Ezekiel. Talagang tadhana na magkrus ang mga landas nila kahit gaano man ka-imposible. Kahit paano ay nahawa siya sa pagiging extrovert ng asawa niya. Mas naeenjoy niya ang trabaho at araw-araw na buhay.
"I see. If you need help, lumapit ka lang sa akin o kaya sa SME natin. Don't forget to check your resources too."
Tumango-tango si Carla bilang pagsang-ayon pero biglang may pumasok sa isip niya.
"Nga pala, tee, alam niyo ba doon sa sleeping quarters? Napaka-weird."
"Weird?" ang nagtatakang tanong ni Kyle.
"Oo, tee. Natulog ako kahapon, tapos naramdaman ko na parang lumubog yung mattress ng kama ko. Pero pagdilat ko wala namang tao. Ako lang mag-isa sa kwarto."
Lumapad ang ngiti ni Kyle. Naalala niya ang lahat ng pangyayari noong nagttrabaho pa siya sa dating niyang kompanya bilang isang ahente.
"Ah, nararamdaman mo rin pala yon. Masanay ka na."
"Masanay? Saan po?" Kitang-kita ang pagtataka sa mukha ni Carla.
"Kay Junjun."
Natigilan bigla si Carla nang may alaala na sumagi sa kanyang isip kahapon sa CR.
"Hello. Anong pangalan mo?"
"A-Ah, hello. I'm Carla."
"Hmm.. Carla... Nice to meet you. Ako nga pala si Junjun."
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romance[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...