Chapter 28

76 0 2
                                    

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Mula liwanag ay nabalot ng kadiliman ang paligid ni Ezekiel. Tila walang hanggan ang kadiliman na ito dahil kahit gaano pa man kalayo ang takbuhin niya, hindi ito natatapos at hindi niya makita ang dulo.

Umaalingawngaw ang boses niya sa paligid sa tuwing magsasalita siya.

"Mom! Dad!"

Ang tanging sumasagot lang sa kanya ay ang pag-echo ng sariling boses niya.

"Can someone hear me?"

Nang mapagod tumakbo at magsisisigaw si Ezekiel, naupo ito sa kung saang parte ng kadiliman. Hindi niya alam kung nasaan siya at hindi niya alam kung may kasama ba siya dito sa tila walang hanggang dilim.

Maya-maya ay naramdaman niya ang sarili niya na parang lumulutang. Napakagaan ng pakiramdam niya na parang bang dinuduyan siya ng alon ng dagat. Nananatiling madilim ang paligid niya pero sa pagkakataong ito, may kung anong pwersa ang tila yumayakap sa kanya para hindi siya tuluyang tangayin ng agos.

"Eze...Ezekiel..."

May isang boses ng lalaki ang biglang pumasok sa kanyang tenga. Hindi pamilyar ang boses sa kanya at parang sa ibabaw ng tubig nanggagaling ang tinig na iyon. Hindi malinaw ang mga salita, pero napakakomportable nitong pakinggan.

"I miss you."

Ang boses na ito ang palaging nakakasama niya habang nasa gitna siya ng dilim at nakalutang sa tila pagduyan ng mga alon. Sa tuwing nararamdaman niya na lumulubog siya, ang boses na ito ang naging guide niya para muling lumangoy pataas.

Palagi itong nagku-kwento ng mga bagay na hindi pamilyar sa kanya pero nagdadala ito ng init sa puso niya. Madalas ay kinukwento ng lalaki ang mga nangyayari sa araw niya. Palaging nangangamusta ang boses na ito sa tuwing maririnig niya at sa hindi niya malamang dahilan, umuutal ito ng mga  "I miss you" o di kaya'y "Hihintayin kita".

Si Luigi ba 'to? Hindi. Hindi ganto ang boses niya. Yan ang madalas  iniisip ni Ezekiel sa sarili niya.

Minsan ay naririnig niya rin ang boses ng mom niya. Minsan ay magkausap sila nung lalaki. Paminsan-minsan din ay naririnig niya si Marian. Pero kahit anong oras pa man, palaging ang boses ng lalaki ang kasama niya sa dilim.

"Nandito lang ako, Ezekiel."

Tahimik siyang naghihintay sa dilim, sumasabay sa agos at nakikinig sa ibang mga boses na nakapalibot sa kanya dahil hindi niya alam kung anong nangyayari. Naririnig niya ang mom niya, minsan ay si Marian. May ibang mga boses pa siyang naririnig pero hindi rin ito pamilyar sa kanya.

"Kamusta ka na? Nandito na ako, Ezekiel."

Narinig niya muli ang tinig ng lalaki. Pinipilit niyang lumangoy pataas para mas marinig niya pa ito.

"Kapag ready ka na, bumalik ka naman oh."

Madilim pa rin ang paligid pero pakiramdam ni Ezekiel ay papalapit na siya sa boses na iyon.

Maraming tanong ang binata habang sinusundan ang boses sa gitna ng dilim.

"I love you. I will wait for you."

Mula sa dilim, sa wakas ay may naaninag na kaunting liwanag si Ezekiel.

Dinama niya ang mainit na sensasyon sa kanyang kamay at mas kumapit pa siya dito na para bang ito ang mag-aahon sa kanya mula sa madilim na dagat.

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon