"Maaabutan kaya natin ang sunset?"
"Hindi ko alam. Abangan natin?"
"Hmmm... I hope we can see the sunset together. That would be nice."
Kyle Enrico Salvador
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───Kanina pa ako nags-scroll sa Facebook at tumitingin sa mga tao na may apelyidong Sy. Dahil napaka-common nito, napakahirap maghanap. Tinitignan ko kung baka may kamukha si Junjun na maaaring kapamilya niya. Tumitingin-tingin din ako ng mga photos at nagbabakasakali na muli siyang mahahagip ng camera.
Nagpunta rin pala ako sa management office nung park para tanungin kung sino ang pamilyang Sy na donor daw ng hiking park. Pero hindi nila ako binigyan ng kahit anong impormasyon dahil daw pribadong impormasyon daw iyon at para na rin sa privacy ng pamilya. Tinanong ko yung ibang guide kung kilala ba nila ang pamilyang Sy, pero hindi rin nila talaga kilala dahil natatanaw lang nila ito kapag napapadalaw. Ang alam lang nila ay isang mayamang pamilya ito na nakatira sa Maynila.
Kasalukuyan akong nasa kwarto ko sa probinsya. Pagkatapos kasi naming mag-hike ni Junjun ay dito kami dumiretso. Alam niya din na may balak akong umuwi sa amin. Kaya't sa ayaw at sa gusto niya, sumama siya sa akin. Unless gusto niyang manatili sa office building namin, wala namang problema.
Simula rin noong nag-hike kami. Hindi masyado kumikibo itong gago. Kung hindi siya nawawala, nakikita kong madalas siyang tulala. Hindi rin ito masayahin gaya ng dati.
Alam ko na malalim ang iniisip nito.
Nung tinanong ko si Junjun kung anong naalala niya. Isang malungkot na ngiti ang sinagot niya sa akin at sabing,
"I saw a woman's hand and slapped me really hard. That's it. Yun lang naalala ko."
Hindi niya nakita ang mukha nung babae. Nung nakaakyat naman kami sa rock formation, sinabi rin niya na wala siyang dagdag na naaalala kahit na anong gawin niya.
Tanging yung pagsampal lang sa kanya ang pumasok sa isip niya.
Ano kayang nangyari? Bakit yun lang ang naalala niya? Anong impact ng pangyayaring iyon sa buhay niya?
Sumuko na ako kaka-scroll sa mga Sy ng Facebook. Chinarge ko muna ang phone ko at saka lumabas ng kwarto.
Naabutan ko ang bunso kong kapatid na nasa sala at naglalaro ng Mobile Legends base sa naririnig ko. Hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin sa paglalaro. Si mama naman ay nasa kusina at abala sa pagluluto. Saglit kong niyakap si mama at nagpaalam na lalabas lang ng bahay.
Malapit pala ang bahay namin sa dagat. Hindi man tourist destination itong beach sa amin, malinis naman ito at tahimik. Dito ako lumaki kaya marami akong ala-ala sa lugar na ito. Ito rin ang takbuhan ko noong teenager pa lang ako kapag gusto kong mapag-isa at mag-isip isip. Medyo emo ako non e.
Naupo ako sa ilalim ng puno ng buko di kalayuan sa dagat. Malilim dito dahil napapaligiran ng mga puno.
Mula doon ay natanaw ko si Junjun na naglalakad-lakad sa dalampasigan. Nakarolyo ang mga pantalon nito at nakayapak. Nakayuko rin ito habang pabalik-balik na binabaybay ang maliliit na alon na humahampas sa tabing-dagat. Minsan tinatanaw nito ang kabuuan ng dagat, pero maya-maya pa'y maglalakad ulit ito.
Mukha siyang isang normal na tao sa paningin ko. Isang buhay na tao.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin si Junjun. Sino nga ba siya at bakit siya namatay? Anong uri ba siya ng tao noon? Saan siya nakatira?
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romansa[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...