─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
"What happened to Kyle?"
Dahil sa narinig na pangalan, nakuha nito ang atensyon ng binatang nakaupo sa hospital bed. Nakita niyang napakunot ang noo ang mom niya.
"Mom...?" halos pabulong ang pagtawag ni Ezekiel, natatakot na maabala ang ina na seryosong nakikinig sa kausap sa kabilang linya.
"Oh, thank God!" Napabuntong-hininga si Mrs. Sy. "I'll go check it right away and call him back. Thanks for letting us know, hija."
Kalmado niyang binaba ang telepono at binaling ang atensyon sa anak.
"Mom? What's wrong? Anong nangyari kay Kyle?"
8 hours ago, sa Singapore. Katatapos lang ng training nina Kyle. Masaya rin ang binata dahil mapapa-aga ang uwi niya. Maaga rin kasing natapos ang training at yung natitirang ilang araw nila doon, binigay ng kompanya nila para makapaglibot sila sa Singapore.
Pero ayaw na'ng patagalin pa ni Kyle ang pananatili sa lugar na iyon. Napakaganda ng Singapore at maraming takaw atensyong mga lugar doon. Pero para sa kanya, walang sinabi ang mga lugar na ito kung ikukumpara sa taong nagnakaw ng puso niya na nasa Pilipinas.
Si Ezekiel ay tila isang tanawin na gusto niyang titigan o isang putahe na gusto niyang tikman.
Pinipigilan ni Kyle na ngumiti habang iniisip ito. Ang aga-aga Kyle. Inayos niya ang kwelyo ng damit dahil bigla siyang nakaramdam ng init.
Nagpaalam siya sa boss niya na kung maaari ay makauwi na ito ng maaga at makabalik kaagad sa Pilipinas. Wala naman itong problema sa kompanya dahil tapos na naman ang lahat ng training. Si Kyle mismo ang nag-book ng plane ticket niya pabalik. Mahal man ang presyo dahil last-minute booking, hindi na niya ininda iyon dahil minsan lang naman siya gagastos ng ganon.
Nag-impake na siya at nang maconfirm na niya ang flight mamayang gabi, napagdesisyunan niyang mamili na ng ipapasalubong kay Ezekiel. Sabi nga nito, ito ang number one priority kung bakit nasa Singpore siya. Iba't-ibang stores ang pinuntahan niya para bumili. Namili rin siya ng ilang souvenirs na ibibigay niya sa pamilya kapag nakauwi ulit siya ng probinsya.
At dahil first time niya sa Singapore, di na niya pinalagpas na dumaan sa Merlion dahil sakto at malapit lang iyon sa lugar kung nasaan siya. Nasa gilid siya ng isang tulay na may railing sa isang banda sa Merlion Park kung saan abot-tanaw ang sikat na estatuwa. Naliligiran ito ng tubig at magandang spot para pagkunan ng iconic na picture na tila pagsalo ng tubig mula sa Merlion statue. Kumuha siya ng ilang pictures na ipapakita niya kay Ezekiel.
Nang maisip niya si Ezekiel, lumapad ang ngiti ni Kyle.
"Siguradong magugulat yon." ang bulong niya sa sarili habang tinitignan ang picture.
Dahil maraming turista ang gusto ring magpa-picture, maraming tao ang nasa gilid ng railing. Sa kasamaang palad, nadali ng katabing turista ni Kyle ang kanyang siko at hindi sinasadya na mahulog ang hawak na cellphone nito mula sa tulay.
"Tangina." Napamura na lang si Kyle habang tinitignan ang kaawa-awang lagay ng cellphone niya na ngayon ay nasa ilalim na ng dagat.
Labis naman na humihingi ng tawad ang magkakaibigang turista dahil sa nangyari. Nag-offer pa sila na palitan kaagad ang cellphone. Syempre, hindi na tumanggi si Kyle. Kailangan niya ng phone para ma-contact agad si Ezekiel.
Inabot ng ilang sandali ang pagbili ng phone. Pagkatapos i-set up ang bagong android phone, halos bumigay ang tuhod niya sa panghihina nang maaalala niya na wala siyang contacts ng kahit sino dito. Lahat ng laman ng phone niya ay inanod na ng dagat at kasamaang palad ay wala siyang backup. Iba na rin ang gamit niyang SIM number kaya malamang ay hindi siya matatawagan ni Ezekiel.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romance[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...