Chapter 18

68 3 1
                                    

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Tanging ang pag-siyap ng sisiw at ang mahinang tunog mula sa electric fan ang maririnig sa bahay. Paminsan-minsan din ay naririnig niya ang pagtahol ng mga aso mula sa kapitbahay.

Nakatayo si Kyle sa gilid ng kitchen counter habang hinihintay niyang kumulo ang tubig na pinapainit sa electric kettle.

Isang umaga, matapos silang muling magkita ni Junjun, nagpaalam ito sa TL niya na aabsent dahil hindi maganda ang pakiramdam niya. Pero siyempre hindi totoo yon. Dahilan lang niya yon para hindi pumasok. Wala kasi siya sa wisyo magtrabaho ngayon. (Wag tularan)

Nakapag-usap na sila ng masinsinan ni Junjun tungkol sa kakaibang nangyari sa kanya noong nakaraang araw na dahilan para makulong ito sa building. Mabuti na lang at nakalabas muli ito nang makasama niya muli si Kyle. Ikinuwento rin niya ang lahat ng alala-ala na pumasok sa isipan niya. Wala siyang detalayeng iniwan.

"Alam mo ba, nung na-trap ako sa office niyo, I saw a strange blinding light. Para niya akong tinatawag. There was a force urging me to follow it, and I did. Pero nung malapit na ako, bigla kitang naisip." ang kwento ng multo. Huminto ito saglit na parang may inaalala at saka muling nagpatuloy. "Naisip ko na hinihintay mo ako. That's why I ran away from that light, kasi gusto ko pang bumalik sa'yo. Kahit makapagpaalam man lang."

Halos matunaw naman ang puso ni Kyle sa sinabi ng binata. Pilit niyang tinatago ang tuwa sa sarili niya pero bakas pa rin sa mga mata nito ang galak sa tuwing maiisip niya na bumalik si Junjun para sa kanya. Alam niyang aalis din ito sa huli, pero ang marinig na gustong magpaalam sa kanya ng multo bago umalis dito sa mundo, kahit papaano ay gumaan ang loob nito.

Nagtataka lang ito kung bakit sinundo kaagad siya ng liwanag. Tapos na ba ang misyon niya?

Bigla namang sumipol ang electric kettle kasabay ng pagbuga ng usok mula sa bunganga nito.

"Jun—

Hindi natapos ni Kyle ang pagtawag niya nang biglang sumulpot ang isang hintuturo sa harap niya at pinatikom ang kanyang bibig. Hindi alam ng binata kung saan galing ito.

"Hep hep hep! What did you just call me, Kyle Enrico?"

Nakangising nakatingin si Junjun—si Ezekiel sa nagtatakang mukha ni Kyle. Isang mahinang tawa rin ang pinakawalan nito.

Naamoy naman ni Junjun ang mabangong fabric conditioner mula sa damit ng binata.

This smells just like Kyle. Lihim na napangiti ang multo sa nadiskubre. Pinagmasdan niya ang anyo ng binata na ngayon ay naka sandong itim at gray na boxers lang. May ilang butil din ng pawis ang humahaplos sa balat nito. 'Ang sexy niya,' ang nasa isip ng bastos na multo.

"Pesensya na po, kamahalang Ezekiel." ang sarkastikong sabi ni Kyle. "Di na mauulit."

"Good!" Nag-thumbs up pa ang multo bago ito umupo sa tabi ng binata.

Ezekiel Sy. Parang nalalasahan ni Kyle ang tamis sa tuwing binibigkas nito ang pangalan ng multo. Bagay sa mukha nito ang tawaging Ezekiel.

Masaya ito sa progreso ng pagbalik ng ala-ala ni Ezekiel. Tiyak na mas mapapalapit sila sa paghahanap ng clue tungkol sa katauhan ng niya. Pero papalapit na rin ang araw kung saan kailangan na niyang lumisan.

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon