Chapter 37

63 1 0
                                    

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Nagulat si Kyle dahil biglang nilagyan ulit ni Marian ng pusit at isda ang plato niya. Ayaw niyang makaabala sa kahit sino man kaya nahihiya siya.

"Uyyy~ Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~" walang anu-ano'y biglang kumanta si Alan, at alam ni Kyle na nanunukso ito base sa lyrics ng kanta niya at ang ngisi niyang nakakaasar.

"Tumigil ka nga!" Gustong itatwa ni Kyle ang kaibigan dahil nababaliw na naman ito.

Tumawa naman si Marian, "Loko ka talaga Alan. Malisyoso ka ah."  At para tuluyan nang manahimik si Alan, tinapalan niya ito ng isang bulto ng kanin sa bibig.

"Bakit malisyoso?" Biglang nagtanong si Ezekiel na may bakas ng pagkalito sa mukha.

Biglang sumama ang pakiramdam ni Kyle. Pag tingin niya kasi kay Alan, bakas ang ngisi nito kahit ngumunguya.

"Oh, di mo ba alam?"

Tangina ka, Alan. Wag ka na magsalita.

Nagdadasal si Kyle sa lahat ng makapangyarihang nasa taas na sana lamunin na ng lupa si Alan. Napakatabil kasi ng bibig nito at walang preno kung magkwento.

Hindi man niya intensyon na itago dahil wala na naman para sa kanya ito, pero hindi pa nila nasasabi kay Ezekiel na may nakaraan sila ni Marian.

"Mag-ex sina Marian at Kyle!"

Gustong sabunutan ni Kyle ang buhok ni Alan. Kahit kailan talaga napaka-laki ng bunganga nito! Palihim na lang siyang napakuyom ng kamao habang hinahanda ang isasagot kay Ezekiel.

"What?"

May halong pagkabigla at di makapaniwala ang tanong ni Ezekiel. Nagkatinginan sila ni Kyle ng ilang saglit.

Sa ilang segundong pagtama ng mata nakita ni Kyle sa unang pagkakataon, ang ekspresyon ni Ezekiel ay parang isang pinagtaksilan.

Shit! Tangina talaga 'tong hayop na Alan na 'to.

Sunod-sunod na pagmumura ang ginagawa niya sa isip niya. Pero deep down, alam niya na kahit magdamag pa niyang murahin o bugbugin si Alan, ang totoong may kasalanan talaga ay siya mismo.

Kung sana ay sinabi na niya noon pa man kay Ezekiel ang tungkol dito, hindi sana aabot ng ganto. Nadudurog ang puso ni Kyle na makita ang ekspresyon na iyon sa mukha ng taong mahal niya.

Hindi niya intensyon na itago ito at wala siyang dahilan para ilihim ito sa kanya. Hindi lang talaga siya nakahanap ng tyempo para sabihin ito. Hindi din niya alam na makakarating ang balitang ito habang kumakain sila sa isang amusement park.

"No, Ezekiel." Mabilis na hinawakan ni Kyle ang kamay ni Ezekiel na nakapatong sa mesa na parang anumang oras ay aalis ito. "I mean, yes, totoo nga na ex ko si Marian... but... but—“ Hindi alam ni Kyle kung paano sasabihin ito.

"No worries, Ezekiel. Past is past. We've both moved on and happily living our own lives now." ang dugtong ni Marian.

Observant na tao si Marian. She can pick up on things faster than anyone else. Sa tinagal-tagal na magkakilala sila ni Kyle, imposibleng hindi niya makita sa bawat kilos, tingin, at salita nito na more than friends ang nararamdaman nito sa kaibigan nila.

Ganoon din si Ezekiel. Sa tingin niya ay hindi pa ito aware sa ngayon, pero may posibilidad na may namumuo na rin itong pagtingin kay Kyle.

Naf-frustrate na nga si Marian kapag nakikita nitong nagde-deny si Ezekiel tungkol sa mga bagay na related kay Kyle kaya naman kating-kati na itong pag-umpugin ang dalawa sabay sabi ng "Now, kiss."

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon