Trigger warning : homophobia, violence, blood
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
↢↢↢
Nakapunta si Ezekiel sa North Star building sa tulong ng isang lalaking may mabuting loob na nakasalubong niya. Pero ngayon ay nahaharap siya sa isang problema. Wala siyang ID badge para makapasok na loob ng building. Kailangan kasi ng access badge bago makapunta sa elevator.
Naghintay ang binata. Isang oras. Dalawang oras. Maraming naglalabas-masok sa building pero ni isa ay walang gustong tumulong sa kanya magpahiram ng access badge. Naiintindihan naman niya dahil security protocol ito at wala siyang magagawa. Hindi rin naman siya makakuha ng visitors' pass dahil wala itong dala na kahit anong ID.
Pagsapit ng ng alas-7 ng gabi, sa kabila ng pagod at gutom, natanaw ni Ezekiel ang secretary ng ama na papasok sa building.
"Mr. Belmonte!" ang pagtawag niya dito.
Nakita naman siya ng sekretarya at gumuhit sa mukha nito ang pagkagulat. Kahit kailan ay hindi pa niya nakikita ang anak ng boss niya sa lugar na ito.
"Sir Ezekiel. Nandito po pala kayo." ang bati niya sa binata. "Pumunta po ba kayo para kay Mr. Sy?"
"Yes. Can you bring me to him?"
Hindi nabigo si Ezekiel dahil dinala naman siya ng sekretarya sa 10th floor kung saan naroon ang opisina ng ama. Hinintay muna niya matapos ang naabutan niyang meeting bago siya pumasok sa loob.
Nagulat ang ama nang nakita ang anak niya sa loob ng opisina dahil kahit kailan ay hindi ito nadalaw dito. Pero mas ikinagulat nito ang estado niya ngayon.
"You look like a mess right now." ang wika ni Mr. Sy, habang isinasalin ang kape mula sa coffee-maker na nasa gilid ng mesa niya. "I believe hindi alam ng mom mo na nandito ka. Have you eaten? What do you like?"
Hindi pinansin ni Ezekiel ang tanong ng ama, bagkus ay dumiretso ito sa kanyang pakay.
"Call off the wedding. I won't marry to anyone." ang pagdedeklara niya.
Inaasahan na ng ama na ito ang pakay ng anak. Kalmado itong naupo sa upuan niya at humigop ng kape.
"You and I both know that that's not gonna happen."
"Please, dad. I will do anything. Itigil niyo lang 'to."
Sa pagkakataong ito, lumuhod na si Ezekiel sa harap ng ama. Lahat ay gagawin niya para lang matigil ang kasal na binabalak nila.
Pero walang kahit anong emosyon ang mukha ng ama. Tila bakal ang puso nito sa harap ng kaawa-awang kalagayan ng anak.
"Please. I'm begging you."
"You shouldn't have involved yourself with a man in the first place. You know that's not gonna work in our family. Dapat nakinig ka sa amin noon pa man."
"I love him, dad. We love each other. Masama ba yon?"
Nag-init ang ulo ng ama sa mga sinasabi ng anak. Pabagsak niyang binaba ang tasa sa mesa na halos ikabasag nito. Hindi niya alam kung saan siya nagkulang sa pagpapalaki sa anak at umaasal ito ng ganto ngayon.
"You can love any woman, and I don't care about her status in life! But being with a man?! You're being a disgrace to our family and we will never allow that!"
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romance[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...