Chapter 13

70 5 1
                                    

Kyle Enrico Salvador
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Isang umaga, naisipan kong mag-jogging dahil nararamdaman kong nagiging out of shape na ako kakakain ng mga pinapabili ni Junjun. 4:45 ng umaga lumabas na ako ng bahay suot ang gym shorts at drifit shirt.

Tanging ang sisiw lang ang naabutan ko sa sala kanina. Wala si Junjun paggising ko.

Habang tumatakbo ako, iniisip ko kung nasaan na ba yon. Baka kasi bumalik yon ng bahay tapos makita niya na wala ako.

Saka wala pang almusal. Ano kaya ang magandang lutuin? Mahilig kasi sa matatamis yong si Junjun.

Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa park malapit sa bahay. Dahil napaka-aga pa, wala pang gaanong tao sa paligid. May iilan na nag-jogging rin pero kaunti lang. Maganda itong pag-jogging-an dahil malawak ito at may oval din. May mga benches naman sa paligid na pwedeng upuan in case mapagod ka.

Nag-warm up muna ako para hindi mabigla ang katawan ko. Sinasabayan ko yung beat ng music na tumutugtog sa earphones ko. Random playlist ito sa Spotify kaya naman hindi ako pamilyar sa ilang kanta. Saglit akong tumigil sa pagwa-warm up para tignan sa phone ko yung title ng nagp-play ngayon. Ang catchy kasi tapos maganda rin yung melody.

Nakita ko ang pangalan ng group, mine:us. Ngayon ko lang narinig 'tong group na 'to. Ni-like ko yung kanta at saka muling bumalik sa pagwa-warm up.

Nasa ika-limang lap na ako sa pagjo-jogging pero hindi ko pa rin nakikita si Junjun. Nag-aalala ako na baka nasa bahay na iyon tapos wala siyang maabutan.

Naisip ko na huminto muna sa pagtakbo at maupo para magpahinga. May lalaking nakaupo sa isang dulo ng pinakamalapit na bench sa kinatatayuan ko. Doon na lang din ako umupo dahil public space naman 'to at saka wala namang nagsasabi na bawal.

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang notepad. Ililista ko lang yung mga bibilhin ko pag-uwi. Tiyak kasi na magre-request ng kung anu-ano yong si Junjun pagdating ko.

Simula nung araw na nakaramdam ako ng thump thump thump sa dibdib ko tuwing kasama ko si Junjun, parang natakot na ako sa mangyayari. Bakit ganon? Normal lang ba yung nararamdaman ko? O baka gawa lang 'to ng stress?

"Uhh... excuse me po?"

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig kong nagsalita yung lalaki na nakaupo sa tabi ko. Hindi ko sigurado kong ako ba yung kausap niya kaya naman tinignan ko muna siya kung sa akin siya nakatingin. Mahirap na, baka mapahiya.

Nakita ko na nakatingin ang lalaki sa akin. Ngayon ko lang napansin na medyo kakaiba ang usot nito. Naka-sumbrero ito at face mask na itim. Halatang hindi ito nandito para mag-jogging sa oras na to. Kaduda-duda.

Naramdaman siguro ng lalaki ang pag-aalinlangan ko.

"Ano... Hindi ako masamang tao. Pramis." tinaas ng lalaki yung kanang kamay niya tanda ng pangangako. Binaba pa niya yung face mask niya para makita ko ang mukha niya. "Na-lowbat na kasi yung cellphone ko, e may kailangan akong tawagan para magpasundo..."

Sa tingin ko ay mas bata sa akin 'tong lalaki. Mga nasa 20 or 22  siguro. Payat ang pangangatawan nito na proportional sa kanyang height. Maamo rin ang mukha nito, mukha nga itong isang model e.

Medyo umusog pa palapit sa akin yung lalaki. Nagulat naman ako kaya umusog ako palayo sa kanya.

"Manghihiram sana ako ng phone para makitawag. Pramis hindi talaga ako masamang tao. Heto oh," inabot sa akin ng lalaki yung patay niyang cellphone at isang maliit na coin purse. "Hawakan mo pa yang phone at wallet ko para sure na hindi ko itatakbo yung phone mo."

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon