Chapter 45

62 1 0
                                    

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang huling magkita nina Kyle at Ezekiel. Araw-araw nagpupunta sa labas ng gate si Kyle at nakikiusap na makita si Ezekiel.

Nakisuyo si Ezekiel kay Jace na kung pwede ay sa bahay muna siya mag-trabaho ng ilang araw while he's dealing with something. Alam niya kasi na pupuntahan siya ni Kyle sa trabaho at hindi pa siya handang makita ito.

Tinatagan niya ang puso niya. Nandoon pa rin ang galit sa kanyang puso pero may maliit na parte doon na nag-aalala siya kay Kyle. Umulan man o sa katirikan ng araw, naroon siya at nag-aabang.

Mahal na mahal niya si Kyle kaya mas masakit para sa kanya na malaman na kasinungalingan lang pala ang lahat.

Hindi siya galit dahil nagsinungaling ito na magkaklase sila noon. Nagagalit si Ezekiel dahil pinaniwala siya nito na may nawawala siyang memorya at kasama doon ang memorya tungkol sa pagkakaibigan nilang dalawa at gumawa ng bagong bersyon ng istorya. Sinamantala niya ang confusion na dulot ng paggising niya mula sa coma.

Pinagtanong-tanong ni Ezekiel sa mga kaibigan at kakilala kung kilala ba nila si Kyle. Surely, kung mag-bestfriend nga sila, kahit isa ay may nakakita na kay Kyle noon.

Pero wala. Ni-isa walang nakakakilala kay Kyle. Tila isang kabute itong sumulpot sa buhay niya.

Naalala niya ang sinabi ni Luigi sa kanya noon na ngayon lang niya nakita si Kyle. And now, it started to make sense.

Hindi na niya kilala kung sino ba talaga ang lalaking minahal niya.

Maliit na bagay lang kung tutuusin kung nagsinungaling si Kyle kung paano sila nagkakilala. Pero big deal para kay Ezekiel ang utuin siya ni Kyle at kunin ang loob niya.

Kaya pala tuwing sinasabi ni Ezekiel na susubukan niyang makaalala agad, ang palaging sagot ni Kyle ay ayos lang kahit wala pa siyang maalala. Dahil ang totoo, wala talaga siyang maaalala dahil gawa-gawa lang ang lahat.

Ngayon lang na-realize ni Ezekiel na si Kyle lang ang tanging tao na hindi niya maalala. Kahit nga si Omar na hindi naman niya close noong high school ay natatandaan pa niya. Paanong si Kyle na supposedly bestfriend niya ay hindi niya magawang matandaan?
Napaka-imbentor ni Kyle. Kung sa bagay lang na ito ay kailangan pa niyang mag-imbento ng istorya, ano pa ba sa sinabi niya ang bunga din ng kasinungalingan niya?

Kasinungalingan rin ba na mahal niya ako?

Isang katok ang pumukaw ng atensyon ni Ezekiel. Akala niya ay mom niya ang papasok sa kwarto, pero nagulat siya na si Marian pala.

Kagagaling lang ni Marian mula sa overseas trip niya at nabalitaan  niya mula kay Mrs. Sy ang nangyari. Nagulat siya nang malaman na ang favorite ship niya ay mukhang nagf-fall apart na kaya nagpunta siya ngayon dito para kamustahin ang kababata.

"Hey. How's it going?"

"I feel like shit." ang walang ganang sagot ni Ezekiel. Nakaupo ito sa kama niya habang nakasandal sa headboard.

Lumapit si Marian at umupo sa tabi nito sa gilid ng kama. Nilapag niya ang mga pasalubong niya para kay Ezekiel dahil alam nito na mahilig itong kumain.

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon