─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
Kanina pa nakatitig si Ezekiel sa kanya habang kumakain sila. Hindi ito gaanong nagsasalita at nagkkwento gaya ng palagi nitong ginagawa. Mukhang matamlay rin ito at wala sa usual niyang sarili.
Ngumingiti ito pero alam ni Kyle na hindi totoo ang mga ngiti na iyon.Nilagay ni Kyle ang likod ng palad niya sa noo ni Ezekiel.
"May sakit ka ba, baby? Mag-half day ka kaya muna?" ang nag-aalala nitong tanong.
Napaigtad si Ezekiel nang nagtama ang kanilang balat at ang aksyon na ito ay hindi nakatakas sa mga mata ni Kyle. Lalo itong nag-alala sa boyfriend niya dahil hindi naman ito ganto.
"May problema ba? May masakit ba sa'yo? Ihahatid na kita pauwi."
Bakas ang pag-aalala sa boses ni Kyle na ikina-guilty naman ni Ezekiel. Hindi dapat siya maghinala sa boyfriend niya. Mahal siya ni Kyle at hindi niya magagawang magsinungaling. Nagkakamali lang si Omar.
"I'm okay, baby. Thank you." Hinawakan ni Ezekiel ang kamay ni Kyle binigyan niya ito ng isang totoong ngiti. Masaya na siya ngayon kasama si Kyle sa bagong buhay niya.
Ilang minuto bago matapos ang lunch break, naghiwalay na ang dalawa. Isang mahigpit na yakap ang pinabaon ni Kyle kay Ezekiel. Nag-aalala pa rin kasi siya hanggang ngayon.
Bumalik na sa trabaho si Ezekiel. Si Kyle naman ay sa library malapit sa building nina Ezekiel tumambay para doon magtrabaho gamit ang laptop niya. Balak niya rin kasing sunduin ito pagkatapos.
Sa loob ng office ni Ezekiel, as usual, busy-ng busy ang lahat gaya ng ibang mga araw. May mga nagmamadaling maglakad, may ingay na galing sa printer, may ingay na nagmumula sa mga magkaka-trabaho na nag-uusap. In short, magulo ito pero at the same time, organized din.
"Hey! Hey! Hey!"
Napukaw ang atensyon ng lahat nang dumating si Omar, kasama ng ibang mga managers. Galing sila sa isang meeting with the bosses tungkol sa susunod nilang project.
"Approved na yung next project natin. You know what's next."
Magkahalong saya at buntong-hininga ang reaksyon ng mga empleyado. Masaya sila dahil more project means more bonus, pero kasabay din yon ay ang more OT.
Nagbuntong-hininga na lang din si Ezekiel at bumalik na sa tinatrabaho niya. Maya-maya ay may biglang umakbay sa kanya.
"Hey, my favorite cousin Zeze. Kamusta ka dito?" ang masiglang bati ni Jace.
"I'm fine. Are you going to give me more workload?" ang tanong ni Ezekiel at sabay turo sa tambak na papeles na pinapagawa sa kanya. "'Coz I'm ready for more." ang sarkastiko nitong dagdag.
Tumawa nang malakas si Jace kaya napatingin sa kanya ang ibang mga empleyado, pero wala siyang pake.
"My cousin Zeze, I can't bear to see you suffer. Kung gusto mo nga, umuwi ka na ngayon e." Ma-drama ang pagkakasabi nito ni Jace na para bang nagtatanghal ito sa teatro. "Basta walang balikan." ang pahabol nito.
Umirap na lang si Ezekiel at saka muling binaling ang atensyon sa trabaho.
"Just kidding, Zeze. Saka nga pala," Nag-iba ang ihip ng hangin at ngayon, minamasahe ni Jace ang balikat ni Ezekiel. "yung kaibigan mong si Kyle, free ba siya?"
"May trabaho yon ngayon." ang tipid na sagot ni Ezekiel na patuloy na nagtitipa sa computer niya. Napaka-usisero na naman kasi ng pinsan niya.
"No, I mean, single ba siya?"
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romance[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...