─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
Tahimik lang na nakaupo si Ezekiel sa hapag-kainan. Ang buong pamilya Salvador ay nandoon din, hinihintay ang ilaw ng tahanan na ihain ang mga bagong lutong pagkain.
Pero hindi gaya ng dati, hindi sa tabi niya umupo si Kyle. Nakaupo ito sa upuan katapat niya. Ni isang tingin ay hindi nito binibigay sa kanya at tila mas interesado pa itong tumitig sa plato sa mesa.
Napanasin naman ng mag-asawa na hindi kumikibo ang anak at ang kaibigan nito. Nang umalis sila para mamasyal, ayos pa naman ito, ngunit pagdating nila ay tila mga estranghero ito sa isa't-isa.
"Kainan na tayo." Niyaya ni Mrs. Salvador ang lahat matapos niyang ilapag ang huling putahing niluto.
Bago pa man makakuha ng pagkain si Ezekiel, naunahan na ito ni Kyle na tahimik na nagsasandok ng pagkain para sa kanya. Kahit na inaasikaso nito ang kanyang pagkain, ni minsan ay hindi pa rin nagtatagpo ang kanilang paningin. Tila si umiiwas si Kyle, pero at the same time, inuuna pa rin niyang asikasuhin si Ezekiel.
"Thanks." ang halos bulong na pasasalamat ni Ezekiel at hindi niya alam kung narinig ba iyon ni Kyle na walang kibo pa rin.
Nagkwento naman ng ilang bagay ang pamilya ni Kyle para matanggal ang tensyong namumuo. Tahimik lang na nakikinig si Kyle, habang si Ezekiel naman ay nakikipag-usap paminsan-minsan sa mag-asawa at sumasagot sa mga tanong nila.
Pagkatapos kumain ay umalis sina Mr. Salvador at Kyle para tumulong sa suki nila na magbuhat ng uling.
Naiwang mag-isa si Ezekiel sa kwarto kaya naman minabuti niyang ayusin na lang ang mga gamit niya. Marami-rami rin kasi siyang pinamili kanina at gusto niyang i-organize iyon.
Sa kalagitnaan, pumasok sa kwarto si Warren at nagpaalam na may kukunin lang mula sa mga gamit niya. Kwarto naman talaga ito ni Warren kaya si Ezekiel na ang humingi ng tawad sa pang-iistorbo na dinulot niya.
"Wala yon, kuya." ang sabi ni Warren. Umupo ito sa kama ni Kyle na katapat ng kama na inuupuan ni Ezekiel. "Kuya, pwede po ba magtanong?"
"Of course. Ano yon?" Magka-edad lang sila ni Kyle kaya ibig sabihin noon ay limang taon din ang tanda ni Ezekiel kay Warren.
"Sorry po kung napakamausisa ko," halatang kinakabahan ang boses ni Warren kaya binigyan siya ni Ezekiel ng reassuring smile para malaman niya na ayos lang. "Nag-away po ba kayo ni kuya? Ako na po ang humihingi ng dispensa kung si kuya po ang pasimuno. Ganon po talaga yon, mahilig mang-asar. Pero hindi po siya masamang tao."
Biglang natawa si Ezekiel sa narinig na siya namang ikinapagtaka ni Warren.
"Hindi. Hindi kami nag-away. Hindi rin niya ako inaway." Napatigil si Ezekiel habang inaalala ang tagpo kanina sa plaza. Pagkatapos niyang sabihin ang kataga na yon, ngumiti lang si Kyle at sinabing 'syempre naman'. Pagkatapos noon, tila lumalayo sa kanya si Kyle hanggang ngayong nasa bahay na sila.
Hindi niya alam kung may masama ba siyang nasabi. Napaka-clingy ba ng dating niya? Ayaw ba ni Kyle ng ganon?
"In fact, sa tingin ko, ako yung may nasabing mali sa kanya na hindi niya nagustuhan." ang pag-aalala ni Ezekiel.
"Kilala ko po yung kuya ko. Kapag may hindi siya gusto, sinasabi niya kaagad. Kung wala po siyang sinabi sa inyo, malamang wala kayong nasabing mali." ani Warren. "At saka, sa tingin ko, hindi po kayang magalit ni kuya sa inyo. Gustong-gusto ka po niya."
Naramdaman ni Ezekiel na nag-iinit ang kanyang pisngi kaya sigurado rin siyang namumula ang mukha niya. Tumikhim siya para ayusin ang boses niya bago nagsalita.
BINABASA MO ANG
Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]
Romance[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗] 50 chapters + Epilogue Sabi nila, sa lahat ng call center company dito, may mga Junjun na namamalagi. Sino ba si Junjun? Siya yung tumatabi sa mga natutulog na empleyado sa sleeping quarters. Siya yung tumitipa ng keyboard kahit...