Chapter 41

68 2 0
                                    

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

"I love you, Ezekiel. Matagal ko na'ng gustong sabihin sayo."

"I love you, Ezekiel. Matagal ko na'ng gustong sabihin sayo."

"Ezekiel... I love you. Alam kong huli na ang lahat para sa atin, pero gusto kong malaman mo na mahal kita."

"I love you, Ezekiel. Matagal ko na'ng gustong sabihin sayo."

"AAAAAHHHH!"

Napabalikwas sa kama si Ezekiel.

Anong klaseng panaginip ba yon?

Naghahalo ang mga tagpo sa panaginip niya—mula sa beach patungo sa isang madilim at hindi pamiliar na kwarto.

Weird.

Pinunasan niya ang pawis na namuo sa noo niya at napahawak sa kanyang dibdib.

Was it just a dream? He and Kyle... was everything just a stupid dream?

Tinignan niya ang katabing kama pero walang nakahiga doon. Siya na lang ang nasa kwarto.

Nag-ayos siya ng sarili bago lumabas ng silid. Hindi niya alam kung ano ang aasahan sa labas kaya naman binagalan niya ang kilos niya.

May tagpo siyang naaalala sa beach kanina. Umamin siya sa nararamdaman niya. Hinalikan siya ni Kyle. Magkatabi pa nga silang natulog sa kama kagabi e!

Kaya ngayon, sumasakit ang puso niya kapag naiisip na baka panaginip lang ang lahat.

"Oh, hijo. Gising ka na pala. Good morning." ang bati ni Mrs. Salvador. "Halika rito, mag-almusal ka na. Si Kyle ang nagluto nito kanina. Halika, tikman mo." May hindi maipaliwanag na ngiti sa labi ng ginang.

Naabutan niya si Mrs. Salvador na naghihiwa ng pangrekado sa kusina. Si Warren naman ay naghihimay ng malunggay sa sala habang nanonood ng TV.

"Good morning po. Salamat po. Si Kyle po pala?"

Kailangan niyang makita si Kyle. Kailangan niyang masiguro na hindi lang panaginip ang lahat.

"Ayun at nasa likod. Pakitawag na nga din yon, hijo. Gusto ka kasing hintayin bago siya kumain." Hindi nawawala ang ngiti sa mukha ng ginang.

Tumango si Ezekiel at nagpunta sa likod-bahay. Habang papalapit ay narinig niya ang tunog na tila may nagpupukpok.

Pagdating niya, tumambad sa kanya ang matipunong katawan ni Kyle na walang damit pang-itaas.

Sa katahimikan ng paligid, umaalingawngaw ang malakas na pagsalubong ng palakol sa tuyong kahoy. Nasa gitna ng bakuran si Kyle habang nagsisibak ito. Ang buong atensyon niya ay nakatuon sa ginagawa kaya hindi niya napansin ang pagdating ni Ezekiel mula sa kanyang likod.

Ang malalapad na balikat nito ay kumikinang dahil sa pawis, at ang kanyang balat ay hinahalikan ng mataas na sikat ng araw. Ang bawat pag-indayog ng palakol ay nagpapakita ng lakas ng kanyang matipunong katawan, ang kanyang mga kalamnan sa braso at dibdib ay tila pumuputok sa bawat pwersang binibigay nito.

Nanuyo ang lalamunan ni Ezekiel sa imaheng nasa harap niya.

Ito ba ang almusal ko?

Binaba ni Kyle ang palakol para salansanin ang mga nasibak na kahoy at ilagay ito sa silong katabi ng mga uling. Sa kanyang pagtalikod, nagtama ang mga mata nila ni Ezekiel na may kakaibang tingin sa kanya.

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon