Chapter 19

64 3 2
                                    

Kyle Enrico Salvador
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

"Kyle! Wow, long time no see."

"M-Marian, ikaw pala yan. Kamusta?"

Makaraan ng ilang taon ay nagkita muli kami ni Marian. Naging maayos ang paghihiwalay namin 3 years ago and it's a mutual decision. No hard feelings. Siguro lang talaga ay hindi kami para sa isa't-isa.

"Ayos naman ako. Ikaw ba? Grabe, di ko ine-expect na dito pa tayo magkikita sa ospital." ang sagot ni Marian.

Kahit kailan at napaka-friendly nito at sociable. Hindi gaya ng pamilya niya, masasabi kong humble na tao si Marian. Napangiti ako nang maalala yung unang beses kaming nagkita noong college admission. Ganito rin siya ka-friendly sa akin.

"Maayos din ako. Saka mukhang nagmamadali ka ata ah."

"Ah, oo kasi may errand ako dito. May pinabibigay si mommy dun sa kakilala namin." ang sagot niya sabay taas ng isang lunch bag na mukhang pang-mayaman. *Guchi ata 'to.

"Ganon ba. Sige, di na kita aabalahin. Nice to see you again."

"Same here. Let's hang out some time pag di ka busy. Ganon pa rin ang number ko." inabot ni Marian ang palad niya para makipagkamay na malugod ko namang tinanggap. "That is, kung naka-save pa sa phone mo." Pabiro pa niya akong kinindatan.

"Naka-save pa naman ata." Napakamot ako sa ulo sa sobrang awkward. Hindi naman kasi ako mahilig mangalikot ng contacts ko kaya di rin ako mahilig magbura ng number. Gaya nga ng sabi ko, Marian and I broke up in good terms, and I only see her as a good friend now. Di naman ako bitter para burahin pa ang number niya.

Siya ang una kong girlfriend. Pero noon pa man, alam ko na open ako sa kahit anong kasarian ng makarelasyon ko. Nung teenager ako, napansin ko na naa-attract din ako sa mga lalaki. Yun nga lang, so far, wala pang lalaking talagang nakakapagpatibok ng puso ko. Counted ba si Ezekiel? Kasi kung ganon, siya ang una.

Naghiwalay na kami ng landas ni Marian. Nasa tabi ko pa rin si Ezekiel hanggang makauwi kami ng bahay at hindi siya nawala sa paningin ko.

"Who was that?" Ang unang tanong niya pagpasok namin ng bahay.

Nasa kusina ako para uminom ng tubig. Inubos ko muna ang isang baso bago ako sumagot, "Kaibigan ko."

"She's pretty. And you look very close, too." ang sabi ni Ezekiel. Nakabaling ang atensyon niya sa maliit na sisiw na naglalakad sa sala. Medyo naka-pout din ito sa di ko malamang dahilan.

Tumabi ako sa sofa kung nasaan siya at ginulo ang buhok niya, "Yeah, she's pretty. Pero hindi na kami ganon ka-close."

Mas lalo pang nag-pout ang loko. Ano kayang iniisip nito?

"You look good together. I wonder how close you were."

Halos pabulong lang ito pero dahil nakay Ezekiel ang buong atensyon ko, crystal clear ko siyang narinig. Hindi ko naman mapigilang matawa.

"Talaga ba?"

Tumango-tango si Ezekiel.

"Ex-girlfriend ko siya." ang sabi ko. Wala naman rason para itago ko to. Saka totoo naman yon, hindi naman ako nag-iimbento.

Di nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat na gumuhit sa mukha niya. Pero saglit lang ito at nawala din kaagad, at sa halip ay napalitan ito ng poker face niya.

"Well, you got a good taste." ang sabi ng lalaki sa tabi ko nang hindi tumitingin sa akin. Binaling ulit nito ang atensyon sa sisiw na natutulog na sa sahig. Talaga bang napaka-interesting ng sisiw na yan kesa sa akin?

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon