Chapter 17

56 4 0
                                    

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Halos hilahin ni Kyle ang mga paa niya para lang makahakbang patungo sa pupuntahan niya.

Sa dalawang araw na dayoff niya, dalawang araw niya ring hindi nakita si Junjun. Inugat na siya kakahintay pero wala. Ni paramdam, wala. Nagtataka ang binata kung bakit naglaho ito bigla.

Pilit niyang binabalikan ang huling pag-uusap nilang dalawa. Imposibleng nagalit sa kanya si Junjun dahil lang hindi ito napagbigyan sa request niyang cordon bleu. Sa pagitan nilang dalawa, mas higit na alam ni Junjun na madaling pilitin si Kyle sa kung anumang gustuhin nito. Alam ni Junjun na magpa-cute lang ito ng kaunti ay bibigay na ang binata.

Kaya ang pinagtataka niya, bakit siya nawala?

Parang lantang gulay na naglalakad si Kyle papuntang office building nila. Halos wala itong tulog kakaintay sa multong si Junjun. Iniisip niya na dahil maloko si Junjun, baka bumalik ito kapag tulog na siya. Pero hindi. Nanuyo na ang mata ng binata, ni anino ng multo ay wala siyang nakita. Kahit na sanay siya sa puyatan, ibang klaseng pagod ang dala ng walang tulog na may kasamang pag-aalala.

"Pagagalitan ko talaga yang gago na yan pag nakita ko." ang mahinang bulong ni Kyle sa sarili.

Pagpasok ng binata sa building at makalagpas sa security, isang tagpo ang hindi niya inaasahan.

Sakto ang pag-angat ng ulo ng isang lalaki na nakaupo sa gilid ng pader sa pagtama ng mga mata nila.

"K-Kyle...!"

Malayo man ang pagitan, pero kilalang kilala niya kung sino ang anyong iyon. Ang navy blue na jacket, puting tshirt at maong na pantalon.

"Junjun..." ang mahinang sabi ni Kyle. Napakuyom ang kamao nito habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Junjun palapit sa kanya.

Pinaglapit ni Kyle ang natitirang distansya sa kanilang dalawa makaraan ang ilang hakbang, at walang pasabi nitong hinila ang kamay ni Junjun at nagmamadali itong tinangay kung saan.

Sa mata ng karamihan, mukhang nagmamadali lamang itong naglalakad papuntang CR. Tanging si Kyle lang ang nakaka-alam kung gaano kalamig ang kamay na hawak-hawak niya ngayon.

Ramdam naman ni Junjun kung gaano kahigpit ang pagkakakapit ng kaibigan sa kanya. Kung pwede lang ay baka kanina pa nito nabali ang mga buto niya. Mainit ang mga kamay ni Kyle at may halong panginginig na marahil ay dala ng galit.

Napalunok naman si Junjun.

Tiyak na galit ang kaibigan niya dahil hindi siya umuwi ng ilang araw.

Hindi naman ito kagustuhan ng multo. Sino ba naman ang ayaw umuwi kay Kyle? Kahit na ipagtabuyan niya pa ito, babalik at babalik si Junjun sa kanya.

Noong araw na maalala niya ang kanyang pangalan at parte ng nakaraan, bigla niyang naramdaman ang pwersa na humila sa kanya pabalik sa office building na dating pinamamahayan niya. Sinubukang lumabas ni Junjun pero gaya ng dati, may hindi nakikitang bakod ang pumapagitan sa loob at labas ng lugar na ito.

Sinubukan niya ang lahat para lang makabalik kay Kyle. Nagawa pa nga niyang tumalon mula sa 9th floor, nagbabakasakali na babagsak siya sa labas ng building pero walang nangyari. Nakakulong pa rin siya sa gusaling iyon.

Tahimik siyang nag-intay umaga at gabi. Alam niyang dadating si Kyle kasi dito siya nagttrabaho. Nasaktuhan lang talaga na day-off nito kaya nahiwalay sila ng ilang araw.

Pero ngayon natatakot siya sa kinikilos ng binata.

Binuksan ni Kyle ang isang pinto sa tabi ng male and female washroom at hinila papasok dito ang nagtatakang si Junjun bago sinara ang pinto.

Ang Junjun Ko | BL [✔️ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon