PrologueLUTANG ang isip niya habang naglalakad, hawak ang tray na may lamang mga pagkain na ang halaga ng isang plato ay nasa sampung libo siguro ang pinakamababa. Wala siyang direksyon dahil sa balitang gumulantang sa kanyang buong sistema kanina. Halos mabitiwan niya ang cellphone dahil do’n, nang mag-umpisa siyang humagulhol sa banyo.
"Ang tatay mo, nasa ospital, nag-aagaw buhay!"
The voice of her mother thundered in her ears and now still echoing inside her head. Limandaang libong piso ang kailangan para maoperahan ang ama niyang inatake sa puso, habang hila ang baka sa kabukiran, kanina rin mismo, sa kanilang probinsya sa Oas, Albay. Tubong Legazpi City siya, Bicolana, na napilitan siyang lumuwas at itigil ang pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kakapusan sa buhay. Maganda siya, kung sa maganda pero kulang siya sa height para ipambato sa beauty contests, kaya hindi siya kailan man nakuha bilang kandidata.
If she was only blessed with height, she'd probably earn and help herself when it comes to her studies. Kaya lang ay pandak siya. 5'1 lamang siya. Hindi pa siya nakapagtapos ng first year College kaya ang kinauwian niya ay pagiging waitress. Hindi rin siya qualified, kung tutuusin. That's what the manager said during her interview. Nadala raw ng galing niyang makipag-usap, self-confidence at sa ganda ang kakulangan niya sa edukasyon. Mukha naman daw siyang matalino kaya ipinag-hire pa rin siya. Hulog ‘yon ng langit sa kanya.
Luminga siya sa paligid, laman ng isip ang problema. Saan siya kukuha ng 500 thousand? Baka naman kumalas na ang tinggil niya sa pagiging serbidora sa five star restaurant na ito ay hindi pa rin siya nakakapag-ipon ng pera. Manila rate siya, libre ang tirahan pero hindi ang pagkain. Nagpapaaral siya ng dalawang kapatid na nasa high school, ang kambal niyang mga kapatid na sina Lexa at Lexus.
She's helping her parents. Isang hamak na magsasaka ang ama niya, nakikisaka at nagtatanim ng mga gulay sa bukid. Ang Nanay niya ay tagabenta naman sa palengke ng mga iyon. Sa pagtawid sa araw-araw na buhay ay nakakatawid naman sila, pero kulang sa iba pang mga gastusin para makaahon sa kahirapan. Ang lupang kinatitirikan ng bahay nila sa probinsya ay hindi kanila. Sa may-ari ‘yon ng lupa, na minsang nag-alok sa kanya ng hindi maganda ang matandang balo. Hindi niya ‘yon ipinarating sa tatay niya dahil baka magalit ay awayin ang lalaki. Baka palayasin sila, wala silang malilipatan.
Heart forced herself to give what her siblings needed to study. She provided them WIFI, computer and other gadgets. Salary deduction iyon at binabayaran pa rin niya hanggang ngayon. Kung may ipon man siya, kakarampot iyon at wala pa sa singkwenta mil. Paano ‘yon makakapagpa-opera sa ama niyang mamamatayin?
Ang sabi ng Tatay niya ay huwag na raw paoperahan dahil magagastusan lang siya. Hayaan na raw iyon. Kung hanggang doon na lang daw ang buhay ay tanggapin na. Hindi niya kaya na gano’n lang. Napakasakit bilang anak na wala siyang magawa para sa mga magulang na nangailangan. Napakahirap na maging mahirap. Mabuti pa ang mga tao sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya, mga walang pinoproblema, nakakapaggastos ng halos trenta mil sa isang kainan, para sa dalawang tao lang. Sana, ibinibigay na lang niya ‘yon sa mga taong nangangailangan.
Halos mapahikbi si Heart sa mga salitang ‘yon na naalala niya. Pinigil niya ang sarili.
She looked for VVIP table 09. Alam naman niya na kapag VVIP ang pagsisilbihan, kailangan ay mas maingat pa siya sa maingat. Mas higit pa sa VIP ang VIP. VVIP are considered billionaires. Doon siya naka-assign dahil sa karisma niya at ganda. Ang suot niyang unipormeng itim na halos tumakip lang sa pwet niya ay bagay na bagay sa kanya. Kitang-kita ang magandang hulma ng kanyang katawan. Frankly speaking, Macho Café and Restaurant is generally visited by men. May mga babae rin do’n pero karamihan ay lalaki, dahil lahat ng empleyado roon ay babae, pwera lamang sa mga bagador at sa mga Chefs. Iyon talaga ang konsepto ng restaurant na ‘yon, ang mang-akit ng mga lalaking mayayaman dahil magaganda ang mga waitress at mga sexy. At talagang dinarayo sila.
Nakita ni Heart ang table na hinahanap niya nang tumingin siya sa gawing kaliwa. Nagtama ang mga mata nila ng lalaking naroon. Dalawa ang kumakain, dalawang lalaki. Matiim ang titig sa kanya ng lalaki pero sanay na siya sa gano’ng titig. Ang pagkakaiba lang, sa lahat siguro ng gwapong pumapasok doon, ito lang ang may kakaibang karisma.
Inialis niya ang mga mata sa lalaki at nagpatuloy sa paglalakad papalapit sa mesang ‘yon.
She smiled, like usual. Bawal do’n ang nakasimangot sa customer. Kulang na nga lang ay turuan silang kumindat sa lalaki. Sinulyapan niya ang isang lalaking nasa kabilang side ng mesa. Nakatitig din iyon sa kanya pero tuloy na siya sa paglapag ng pagkain.
"Heart…?" The man on her right said.
Agad siyang napasulyap dito. Hinahagod siya nito ng titig at parang gusto niyang mapaso. Hindi ito purong pinoy o baka nga walang dugong pinoy dahil sa itsura nito. Napakagandang lalaki nito, matangos ang ilong, pink ang labi, magaganda ang mga mata, ang buhok ay buzz cut ang pagkakagupit. Alam na alam niya ang gano’ng gupit dahil kay Lexus. gano’n parati ang ipinagugupit ng kapatid niya.
She shivered because of his tone. It was a baritone.
"Sir?" She asked softly.
"We didn't order anything," he said and her face was in real horror.
She looked at the number again and now it isn't 09, it is number 06! Nataranta siya. Kaya pala puno ang mesa ng dalawa dahil mali siya.
"S-Sorry, sir," nagmamadali niyang kinuha ang mga inilapag niyang mga pagkain habang paulit-ulit sa paghingi ng paumanhin.
Sa sobrang kalituhan niya ay natabig na niya ang iced tea nito sa baso kaya halos mapatili siya nang bumuhos iyon sa may zipper nito.
"Diyos ko, pasensya po," hindi siya magkadaugagang hingi ng paumanhin. Napatayo ang lalaki at tiningnan ang pantalon na nabuhusan niya ng inumin.
Nasaan ba kasi ang tablecloth nito? Nabasa tuloy ang zipper nito.
Sa kalituhan ay dinampot niya ang napkin at agad na pinahiran ito sa harapan. Paulit-ulit siya sa paghingi ng dispensa habang ginagawa ang dapat, pero bigla siyang natilihan dahil medyo matigas na bagay ang kanyang nasasaling.
She looked up and met his eyes again. Mas matiim ‘yon ngayon kaysa kanina kaya napalunok siya.
That hard thing was his manhood!
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...