Chapter 32

1K 84 14
                                    

NAHIHIYA si Heart nang sumakay ang isang babae sa likurang bahagi ng sasakyan nila. Ni hindi man lang iyon pinagkaabalahan na ipagbukas ng anak ng pinto.
Kahit na hindi sabihin, alam ng dalaga kung sino ang sumakay. Iyon malamang ay si Elisa, ang ina ni Lux.
Sumakay din ito sa driver's side habang siya ay nananahimik. She saw his mother, looking at her through the mirror.
"Diana?" Tanong no’n kaya napatingin sa kanya si Lux.
"She's not Diana," masungit na sagot nito sa ina kaya hindi siya nakaimik lalo.
"S-Sorry. Akala ko si Diana."
"Ihahatid lang kita kay Katy. That's all that I can do for you. You can't take her home unless you promise that your husband will not hurt her," daldal ni Lux sa tabi niya.
"Hindi naman siya aanuhin ni Alfonso," malumanay na sagot ni Elisa sa anak.
"Are you sure? That's not what Katy told me. Baka hindi mo lang siya maprotektahan kaya hindi ko siya ibibigay sa inyo. Mabuti ako, nang iwan niyo lalaki ako e si Katy, babae siya at kailangan ka niya na damayan mo siya. She was wrong, yeah but you can't just let her get hurt because you made mistakes, too."
Napayuko siya sa makahulugang salita nito sa ina. Hindi rin naman umimik iyon.
"Wala kang sasabihin kay Mama na may kasama akong babae sa sasakyan," utos pa nito kaya mas lalo na siyang natilihan.
"Wala. Malaki ka na at alam mo na ang ginagawa mo," sagot naman kaagad no’n saka nanahimik na ulit.
Wala silang imikan na tatlo hanggang sa makarating sa eksklusibong subdibisyon na noon lang ni Heart napasok. Pag-aari iyon ng HL realties sa pagkaalam niya at do’n nakatira ang mga pinakamayayamang pamilya sa bansa.
Hindi basta-basta ang pagpasok doon. Sa pagkakalam niya ay dalawang valid I.D ang kailangan na iiwan sa gwardiya kapag hindi taga roon. Makukuha lang iyon ay kapag lumabas na. Kay Vandros niya iyon nalaman, kapag nagku-kwento sa kanila ssa restaurant ng mga tungkol sa kung anong bagay.
Hindi malayo sa main gate ang kanilang tinigilan na mansyon at napanganga siya sa laki at gara no’n. Literal na parang may sariling mundo ang mansyon na iyon. It has golden letters attached to the posts of the gate, MONTESALVO.
Iyon ang bahay ni Carmenzita. Sobrang ganda at nakakalulang tingnan. Sa guardhouse pa lang napakaganda na. Daig pa no’n ang bahay nila.
Bigla siyang nakaramdam ng insecurity sa karangyaan ng lalaking katabi niya ngayon. Parang ang title nila ay The Prince and the Chicken sa halip na the pauper. Ito ang prince dahil sa sobrang yaman nito habang siya naman ay ang chicken dahil kahig nang kahig bihirang tumuka.
"Get in. Mama knows you. Makakapasok ka sa loob," iyon ang sinabi ni Lux matapos ang napakahabang katahimikan at para iyon sa ina nitong hindi rin naman makapagsalita ng kahit na ano sa anak.
Hindi niya alam ang kwento sa mga ito pero nakikita niyang malaki ang hinanakit ni Lux kay Elisa. Mukhang dala pa rin nito ang bigat ng kalooban magpahanggang ngayon.
Bumaba ang babae matapos na tumango at iniwan na lang nila  ‘yon  sa may tabi ng daan.
She looked at Elisa through the side mirror. Pumindot iyon sa doorbell ng bahay at nakaramdam siya ng awa sa mag-ina na hindi magkaayos. Iba't iba talaga ang sitwasyon ng tao sa mundo. Ito ay isang bilyonaryong negosyante pero hindi naman masaya sa mga mga mahal nito sa buhay. Kay Carmen lang ito masaya.  Siya naman ay hirap na hirap sa buhay pero naman ay masaya ang pamilya niya kahit na may mga problema sila.
Pasimple siyang huminga sa palad niya, "Panis na ako."
Humalakhak si Lux at hindi niya naman sinasadya na patawanin ito. Talagang  ‘yon  ang nasabi niya dahil talagang panis na ang pakiramdam niya.
Napaka-awkward ng sitwasyon kanina at inip na inip na siya sa hindi nila pag-iimikan. Hindi naman siya makapagsalita o magawang makipagkwentuhan dahil nahihiya naman siya.
Mukhang alam ni Elisa na may namamagitan sa kanila ni Lux, at may asawa itong tao. Napagkamalan pa nga siyang si Diana raw pero parang ang layo naman nila sa isa't isa. Napakasopistikada ng babaeng iyon habang siya ay nganga.
Nang makita niya iyon sa convenience store, grabe ang panliliit niya kaya naman nilasing niya ang sarili sa tsokolate.
Day by day, her self-esteem is getting low because of Lux's wife. Hindi maiwasan na maikumpara niya ang sarili roon. Iyon nga na maganda at halos lahat ay taglay na ay nagawa pang iwan, siya pa ba na wala man lang kahit na anong panlaban? Pero ayaw niyang sirain ang araw na magkasama sila ni Lux dahil lang doon.
"You're so crazy, know that…Hearty?" He chuckled and she smiled.
"Totoo naman na panis na. Wala tayong imikan na tatlo, para tayong mga pipi."
"Hindi kami close, baby. Bata pa lang ako nang umalis si Elisa kaya si Mama ang nag-alaga sa akin," kwento nito habang nagmamaneho, "That was quite traumatizing for a boy like me at that time."
"Pero ‘di ba ang tagal na?"
"Matagal na pero masakit pa rin."
Hindi siya umimik at tinitigan lang ang binata ng may pakikisimpatya. Hindi naman niya naranasan ang nangyari rito pero nauunawaan niya.
"Let's not talk about her, baby. Diretso na tayo sa townhouse," nakangiti nitong sabi sa kanya kaya naman tumango na siya.
Lumabas sila sa isang exit gate at lumiko papakanan sa kalsada tapos ay isa pang kanan, tumigil na sila. And it was only a minute drive away from Hi-Lux Subdivision. Napaawang ang labi niyang nakatanga nang ipagbukas siya nito ng pinto, nakatingin sa townhouse na nasa tapat nila.
Biglang itinaas ni Lux ang baba niya gamit ang hintuturo nito, "Baka pasukan ng langaw."
"Tse!" Aniya naman pero hindi niya makuhang bumaba sa sasakyan dahil hindi pa mag-sink in sa utak niya na lumiko-liko lang sila, tapos na. Naroon na siya sa kanyang bagong tirahan.
Ang sarap din isipin na nararanasan niyang tumira sa mga bahay na magaganda dahil kay Lux, pero hindi siya dapat magpaka-kampante dahil hindi niya alam kung anong mangyayari bukas. Pwedeng siya ay madispatsa na.
Pinawi niya ang mapait na kaisipan na  ‘yon  sa pamamagitan ng pagtanggal ng seatbelt at pagbaba sa sasakyan.
"I'll get your luggage, baby," ani Lux kaya naman hindi na siya umimik.
Nakatanga siya sa bahay nang bigla na lang nitong dakutin ang ang kamay niya at hinila siya papasok.
Ramdam ng dalaga ang pag-vibrate ng cellphone niya sa bulsa kaya dinukot niya para tingnan kung sino ang nag-chat sa kanya.
And she was so annoyed when she saw Franco again. Pinindot niya ang chat head dahil nagbubukas naman si Lux ng pintuan.
Franco: Heart, pwede magtanong? Nakikipag-live in ka ba sa matandang may asawa sa condo? Nakita kita na lumabas do’n no’ng isang araw. Kaya pala wala ka na sa apartment.
Napakahayop!
Kaagad na nasira ang kanyang mood dahil sa sobrang pagka-tsismoso ni Franco. Mabuti na lang at nakaalis na siya roon dahil baka magmanman pa iyon.
"Baby,"untag sa kanya ni Lux at sumulyap nang makahulugan sa cellphone niya.
Agad niyang binura ang conversation nila ni Franco na wala namang laman kung hindi oo, hindi, baka, o kaya mga sagot na related sa trabaho.
Natakot siya kay Lux kaya ang dikta ng brain cells niya sa kanya ay burahin niya. Kung pwede lang niyang burahin din si Franco sa mundo ay baka ginawa na niya.
Iinit na naman kasi ang ulo nito sa lalaking  ‘yon  na wala sigurong libangan sa buhay kung hindi ang makialam sa buhay ng ibang tao.
"Who's that?"
"H-Ha? Wrong sent lang, binura ko na." Aniyang itinago na rin ang cellphone saka pumasok sa loob.
She looked around and scanned the entire place. Napakaganda ng bahay kahit na hindi gano’n kalaki. Fully furnished ang lahat. May air conditioning, kusina na napakalinis. May mga lutuan din at may salaming mesa. May sofa at may telebisyon naman ang receiving area.
Maganda ang lahat pero naman ay nag-aalala siya sa pagiging tsismoso ni Franco. Daig pa no’n ang nasa larong ML. Ang nahu-hook naman nito ay mga tsismis.
Napapaisip siya na baka mamaya ay masalisihan sila ni Franco at makita sila ni Lux. Ano kayang gagawin niya?
"L-Lux…" aniya rito na papaakyat na sa itaas, dala ang gamit niya. Inaabot nito ang kamay niya kaya naman inilapit niya at sumunod siya sa pagpahik dito.
"Tingin mo kaya safe tayo rito na walang makakakita sa atin?"
Ang itaas ang mismong buong kwarto. Wala roong pinto o ano, naroon na mismo ang kama sa pagkapanhik sa hagdan at ang ilang gamit tulad ng maliit na sofa para sa maliit na pamilya, cabinet at mesita. May banyo rin do’n dahil nakikita niya ang isang pintuang sa banyo lang ginagamit.
"We only have to be discreet for a few months or so, after that, I don't care anymore kung may makakita sa atin o ano. Ikaw lang ang iniingatan ko," anito sa kanya at nakagat niya ang labi dahil do’n.
Kilig  ‘yon  malamang.
"Alam kong iniingatan mo ang sarili mo sa lahat. That was the reason why I fired three of your co-workers," sabi pa nito nang ilapag ang gamit niya sa may aparador na salamin.
Literal na kumurap ang dalaga habang ito ay chinicheck na ang mga bintana paisa-isa, at ang pinto ng balcony.
Mukhang kilala niya ang tinutukoy nito kung sino.
"Pinagtitsismisan ka nila. Nagsumbong sa akin ang dalawa mong kaibigan. They were so concerned about you. Walang paliguy-ligoy pa, sisante agad  ‘yong  tatlo. I will protect you to the very best that I can because I made you to this. Kung pagtsismisan ka ng lahat ng katrabaho mo, I'll shut the restaurant."
He turned around and faced her and she just arched her brows, "G-Gagawin mo  ‘yon ?"
Napakibit balikat si Lux saka tumingin sa relo na suot. Humakbang ito papalapit sa kanya at niyakap siya sa baywang.
"I will not let them take away my happiness right now. At ikaw  ‘yon," dinutdot nito ang ilong niya pero hindi naman siya makapagsalita at nakatingala lang dito, "I'll be back tonight, baby. Let's just dine somewhere else and grab some groceries for you. I'll just see my lawyer."
"S-Sige," tango niya rito, "Ingat ka." Malambing na sabi niya rito pero ang sagot nito ay halik sa labi niya saka siya iniwan, "Don't open up the door when someone knocks."
Kapa niya ang labi saka mabilis na naglakad papunta sa sa may pinto ng balkon at saka hinawi ang kurtina, sumilip do’n para tinginan si Lux.
"Baby, nandito pa ako," anitong ang lakas ng tawa at nasa may hagdan pa nga naman talaga.
"Nakakainis ka!" Anaman niyang hindi mapigil ang pamumula dahil sa pagkapahiya.
"I'll pick you up at 6:00. Bye."
"Babye…" aniya at talagang bumaba na ito nang tuluyan kaya inabangan na niya, maihatid man lang ng tingin ang lalaking nagpapatibok sa puso niya.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon