Chapter 28

871 81 8
                                    

LUX looked at the message Vandros had sent him. May townhouse na iyong nakuha, ang ahente sa tama ng salita. Nasa Makati lang din at single-family lang. Iyon ang gusto niya para kay Heart talaga kaya naman tinawagan niya kaagad ang lalaki.
"Hello," anang kinakapatid niya sa kanya.
"I have to pay it asap. Bayaran mo na."
Humalakhak ito, "nagmamadali? Aalis na  ‘yong  ex ng asawa mo, anong ikinatatakot niyo ni Heart?"
"Hindi lang  ‘yong  hayop na  ‘yon  ang dapat pagtaguan."
"Pagtaguan, huh," anito, "Seryoso na ba ito, kinakapatid?"
"Damn, hindi ko alam, Van pero ayokong may makakilala sa akin o kay Heart. She could be my mistress yet I don't want scandal for her. Anong magagawa ko? Hindi ko siya mabitiwan. I want to keep her and keeping her means giving her peace of mind and a peaceful life. Ikaw lang ang nakakaalam nito," nababalisa na sagot niya.
"Of course. I'll settle the payment. Tapusin ko lang  itong ginagawa kong report sa'yo, bro tapos pupunta na ako sa ahente, pupunta kami sa may-ari. Okay na ba  ‘yon ? Matatahimik na ba ang mga kalembang mo?"
Siya naman ang napahalakhak, "Thanks, bro. You're an angel."
"Eeew!" Anito kaya nagkatawanan silang dalawa.
Nakahinga siya nang maluwag nang tapusin niya ang tawag. Sa wakas. Mapapanatag na rin ang kalooban niya. Basta ang bilin naman niya ay safe ang lugar na gusto niya para kay Heart at hindi masyadong malayo sa trabaho para hindi  ‘yon  nahihirapan.
Ibinalik niya ang smartphone sa bulsa at nag-relax na muli sa kinauupuan.
Maya-maya ay may humawak sa balikat niya.
Lux smiled at his abuela after looking back and looking up. Nasa labas lang naman siya ng mansyon nagpapahangin pero ngayon ay nasa likod niya ang kanyang butihing lola, nakangiti. Mabuti na lang at hindi nito naabutan ang pakikipag-usap niya kay Vandros.
Nakilala na nito si Katy kanina at medyo humupa na rin ang init ng ulo niya dahil sa ginawa ni Diana.
"Where's Katy?" He asked his grandmother when he stood up and pulled a chair for her.
"Pinaiidlip ko saglit para makabawi. Mahirap ang magbuntis, Lux."
Hindi niya alam kasi lalaki naman siya at ‘di pa naman siya nagbubuntis. Malamang ay alam ni Carmen dahil babae ito at nagkaroon na ng anak.
"Natutuwa ako sa'yo. You're still acting like an elder brother to her though you're mad at them. Napakagandang bata ni Katy. You have similarities."
"Yeah right, Mama," tamad na sagot niya rito.
"Obligasyon mong protektahan siya, Lux. Sa iyo siya tumakbo dahil natatakot siya sa ama niya. You have to make sure that her father will not hurt her. Dito muna siya sa akin ha. Gusto ko siya rito."
"Sure, Ma," nakangiting sagot niya.
"Kung ako lang gusto ko mag-alaga ng baby. Kaya ko pa naman. I'm still strong."
Heto na naman ang lola niya, nagpaparinig sa bingi. Hindi na ito magkakaapo dahil aalis na siya at iiwan ma niya si Diana. Makikipaghiwalay na siya dahil wala ng mangyayari pa.
"Ma," aniya.
Tumingin siya sa ibaba, sa sulok ng paa ng upuan na nakikita niya.
"I'll leave Diana and file an annulment."
Wala siyang narinig na sagot mula rito kaya tiningnan niya ito. Carmen is just looking at him with a blank expression, and then she sighed.
"Sinasabi ko na nga ba at sa ganito mauuwi ang narinig kong bangayan niyo. Hindi iyan madali, Lux. Have you ever thought of it twice?"
"So many times, Mama. I was not decided yet but now I already am. I'm tired, Ma."
"Tired is not the right term for what you feel right now. If you already made up your mind and you're truly decided, then you are exhausted. Ang taong sumuko na, na may pag-asa pa, ibig sabihin ay sukol na at sagad na. Iba ang pagod sa sagad, apo. Isipin mong mabuti kung alin ka do’n."
"The latter one," mabilis niyang sagot at na-realized niya na tama ang depinisyon nito sa dalawang salitang  ‘yon.
Normal na mapagod, sabi nga pero hindi susuko. Ngayon ay suko na siya kaya ayaw na niya.
"May iba ka na ba?" Tanong nito sa kanya at hindi siya nakasagot kaagad.
Si Heart ang nagpapasaya sa kanya ngayon. Ayaw niya  ‘yong  mawala. Hindi niya masabi kung pagmamahal ang nararamdaman niya kasi hindi pa nasusubok ang pagkalalaki niya pagdating doon pero malalaman niya pagdating ng tamang oras.
"None," he answered.
"Sabagay, hindi mo naman aaminin," anito na natatawa kaya natawa rin siya, "Whatever your reason is, I know you've weighed it a thousand times. Kilala kita. Apo kita. Hindi ka basta-basta sumusuko sa isang bagay hangga't hindi ka pa tuluyang nauubos. Kung magiging masaya ka at panatag sa gagawin mo, go ahead. Ayoko namang pilitin ka na igalang ang kasal niyo dahil lang sa kasabihang kasal kayo. Marriage is for those couples who have love in their hearts, understanding and so many more. Aanhin mo naman ang salitang kasal kayo kung hindi na kayo nagkakasundo at baka kahit gatuldok na bagay ay pinag-aawayan niyo?"
Sumulyap siyang muli sa matanda, "Aren't you sad?"
"Of course I am. Parehas kayo ng Daddy mo ng kapalaran, mahiwalay sa asawa pero anong magagawa ko kung hindi ka na masaya? Baka hindi na rin masaya si Diana, hayaan mo na. Have you tried counseling?"
"It came to my mind but she was mad. ‘di 'wag kung ayaw niya," matapang na sagot niya, "I'll pack my things later. Isasama ko na sina Siony rito sa pag-alis ko. do’n na muna ako sa isang bahay."
Nakatingin ito sa kanya at parang hindi malaman kung one hundred percent ba itong sigurado na payag ito sa desisyon niya.
"Is there a problem, Mama?" Asked Lux, brows arched.
Carmen sighed and looked away, "Ang inaalala ko ay ang ama ni Diana. Baka matuluyan  ‘yon  kapag nalaman na maghihiwalay na kayong dalawa."
"Ma, wala akong kasalanan," naiinis na sagot niya, "Kung sila na lang parati ang iisipin at uunahin ko, paano naman ako? I'm getting old. If the people that I love don't tend to see my worth, perhaps some other people do."
"Uhuh," napangiti ito at makahulugan ang titig sa kanya, "And who are these people? These nga ba o…she?"
"Mama," kusot ang mukha na sambit niya dahil sa pambubuska nito sa kanya.
"Hindi kita tino-tolerate sa ganyan Lux. Do it legally. Ayokong masira ang pangalan mo. Kung talagang wala na, hiwalayan mo na."
"Yes, Ma."
Natilihan siya nang maramdaman niya ang vibration sa loob ng kanyang pantalon. Agad-agad niyang kinuha iyon para tingnan. Sa bawat pag-vibrate ng aparato niya ay talagang nagmamadali siya pero iisa naman ang hinihintay niyang mag-message.
Kanina ay vibrate nang vibrate iyon pero sekretarya lang naman niya at gc nila.
Napakunot noo siya nang makita ang profile picture ni Diana sa chathead. It has a dot.
Tumingin siya sa notification panel at doon binasa ang message.
Yana: Babe, 'll be home early. I'll cook dinner. Uwi ka ng maaga. Saglit lang ako sa firm.
Napakunot noo siya at kumurap, tapos ay binasa niya ang isa pang message sa inbox.
Kapuso : Sir Lux, pauwi na po ako maya-maya.
Shit.
Agad siyang pumindot sa reply.
Lux: Otw, baby. Hintayin mo ako ha. Sinasabi ko sa'yo, hintayin mo ako...
Agad niyang itinago ang kanyang smartphone na hindi man lang binubuksan ang chat ni Diana. Hindi niya sinasadya  ‘yon  pero wala talaga siyang gana na gawin.
And he doesn't want to force himself. Hindi na siya interesado. Napakatagal ng panahon niyang gusto na maranasan  ‘yon  pero ngayon ay wala na.
"Ma, alis na ako, Ma," aniyang nagmamadali at agad na tumayo.
He just kissed his grandmother on the forehead and almost ran away.
"Mag-ingat ka. Don't drive too fast, Deluxe!" Paalala sa kanya ng matanda na iiling-iling saka nangingiti.
Kumakabog ang dibdib ni Lux sa sobrang excitement niya, habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.
He grabbed his perfume on the dashboard and sprayed it. Fuck! He has to smell so good. Isinuot niya ang sunglass. Ngumisi siya sa salamin para tingnan ang mga ngipin niya. Inayos pa niya ang kanyang buhok at nagpapogi.
Puta! Hindi normal sa kanya ang kabahan sa babae. Babae ang kinakabahan sa kanya at hindi siya.
Diretso siyang umalis at bumusina lang nang daanan niya ang lola niya habang papunta siya sa exit gate.
Kumaway iyon sa kanya kaya tuloy-tuloy na siya.
He'll go to the hospital to pick up his girl. Mali na kung mali pero alam niyang tama. Masaya siya. Panatag ang loob niya. May mali pa ba sa gano’n? Kung  ‘yon  ang mali ay ano na lang pala ang tama sa buhay niya? Ang araw-araw balewalain at masaktan ng tunay niyang asawa?  Tapos ngayon ay pauuwiin siya ng maaga at ipagluluto raw siya.
Kasalanan ba niya kung wala na siyang interes at hindi na siya umaasa na magiging maayos pa?
He had reached out so many times and now he's totally drained.
Sorry. Iyon na lang ang masasabi niya pero gusto na niyang maging malaya. Noon, siya ay takot na takot kapag hinahamon siya ni Diana ng hiwalayan kapag nag-aaway silang dalawa. What now that he's no longer afraid of it?

SA pagdating ni Lux sa parking ng ospital ay natanaw niya kaagad si Heart at si Lumeng. Nagyakap ang dalawa at tumalikod na ang may edad na babae. Siya namang paghakbang ni Heart papalabas ng ospital.
"Miss," aniya sa dalaga at agad  ‘yon  na napalingon.
Nakangiti siya rito habang nasa may sasakyan niya siya nakatayo.
"Free ride, Miss na maganda."
Humagikhik ito at tumingin sa bukana ng ospital.
"Sira ulo ka, sir Lux. Kala ko kung sino. ‘di ka nag-text."
"Nag-aabang lang baka may ibang sumundo sa girlfriend ko.
Lumabi ito saka lumapit sa kanya, palinga-linga sa paligid.
"Sakay na. I can't open the door, baby baka may makakita sa akin."
"Okay lang, ako na lang," anito naman saka umikot sa kabilang side ng sasakyan.
Nauna siyang sumakay at ito naman ay pinagmasdan niya habang sumasakay na rin sa passenger's side.
Ikinabit niya ang seatbelt nito kaya napatingin sa kanya ang dalaga.
"Baka masanay ako nito."
Lux just smirked and kissed her temple, "Masanay ka. Hindi kita pinagbabawalan."
Ngumiti ito saka medyo umiwas ng tingin, parang nahihiya sa kanya. Lalo lang naman lumapad ang ngiti niya habang pinagmamasdan ito sa rearview mirror.
He caught her with that.
"Let's have dinner, baby." Aniya rito at ramdam niya ang paglipad ng mga mata nito sa kanya.
"H-Ha? Baka may makakita sa atin. Hindi naman ako nakapag-prepare sa condo."
"It's okay. I know a place, but don't ever think that I brought some other women there. Ikaw pa lang ang dadalhin ko do’n," aniya na medyo defensive.
He doesn't fucking care if he sounds one. Totoo naman kasi  ‘yon  na wala pa siyang dinadala na kahit sino sa mga naging babae niya sa dinner date, ito pa lang.
"Sus, napakadefensive naman. Halika na. Kakain lang ba tayo?"
He chuckled, "You. Baka may iba ka pang naiisip na gawin."
Agad na napaiwas si Heart ng tingin, nakalabi sa kanya kaya lalo siyang natawa rito.
"As much as I want to put my dick inside you, I think I better let you rest for now, Heart. Kakain lang tayo."
Tumango ito ng ngitian niya at napansin niya na medyo seryoso ang mukha nito.
He'll take everything to the next level and now, wants to give her more respect than what he had given her before.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon