Chapter 41

1K 74 10
                                    

NAPATDA si Heart sa may pintuan nang buksan niya iyon, at walang tulog na itsura ni Lux ang nabungaran niya.
Nakaupo ito sa isang bato, nakatulala sa may carpet. Wala ito sa kaayusan at agad na napatayo nang makita siya.
Parang first time iyon sa pakiramdam ni Heart, may kaba.
"B-Bakit ka nandito? A-Aalis na ako mamaya."
Nagpakailing-iling si Lux sa kanya at agad na kinuha ang kamay niya, "No. You stay here."
Maluha-luha ang mga mata nito at ipinasok siya sa loob, saka siya hinalikan sa labi. Hindi siya nakatutol pero hindi rin siya nakatugon.
"You love me, right?" He asked.
"P-Pero magkakaanak na kayo at ayokong alisan ng tatay ang bata na  ‘yon. Ginagawa ko  ‘yon …" napalunok siya dahil namuo ang mga luha niya, "kasi…kasi para rin sa sarili ko. Ayokong kagaya mo ay sumbatan ako ng magiging anak mo dahil inagaw kita sa kanila."
"No!" Tumaas ang boses ni Lux at napatalikod saka humawak sa may baywang, "Wala kang inagaw, tandaan mo 'yan. It was my decision to take you, make you stay and ask you to stay. Ayokong mawala ka!"
Humarap ito sa kanya at nakita niya ang pagluha nito. Dinilaan nito ang labi saka umiling.
"I don't want to lose you. I asked you to hold on. May aasikasuhin lang ako, baby. Please naman."
Inilang hakbang siya nito at hinawakan siya muli sa mga kamay.
"Please naman 'wag ngayon", Anito pa saka hinalikan ang mga palad niya.
Napalunok na lang ang dalaga. Gusto niyang maging masaya dahil nakikita niya ang pagmamahal nito sa kanya pero paano? Ngayon pa lang ay nakukunsensya na siya.
Kagabi, nang ihatid siya ni Vandros sa townhouse ay wala siya sa sarili. Pagkadating niya ay nahiga na siya at umiyak.
Nakarinig siya ng tunog ng sasakyan kaya sumilip siya, at sasakyan nito ang nakita niyang nakaparada.
Dito ba ito natulog sa labas ng bahay?
"Sasamahan ko lang si Katy sa Cebu tapos babalik ako, mag-iimbestiga ako."
Napakunot noo siya, "Anong i-imbestigahan mo?"
"Kung ako ba talaga ang ama ng bata."
"Diyos ko, Lux!" Bulalas niya rito, "umayos ka nga! Malaking kasalanan sa anak mo ang iniisip mo!"
Natutop niya ang noo at napailing siya pero ang ipinagtaka niya ay ngumiti ito.
"Ano?" Aniya.
"Sobrang bait mo talaga, na kahit nagseselos ka, nasasaktan, hindi mo kayang mag-isip ng masama sa bata."
"Sira ulo ka," aniya pa, "Wala naman kasi  ‘yong  muwang. Kung si Diana pa lalaban ako ng sapakan pero ang anak mo, susko, bakit ka nag-iisip na hindi  ‘yon  sa'yo?"
"Malimit may mangyari sa amin, Heart. Bilang lang sa daliri at halos ‘di ko na nva matandaan kailan ang huli. And I was wondering why all of a sudden she is pregnant. She didn't want to bear a child. I have to investigate. Something is wrong. Huwag mo naman akong iwanan ngayon, baby. Paano pa ako kung iiwan mo ako o ‘di mo ako papansin? You're the only reason why I'm trying to figure out this thing. Tuloy ang annulment pero sa ngayon kailangan kong pakisamahan si Diana. Nasa ospital siya, dinugo no’ng nagtalo kami kagabi."
"Wow," ‘di napigil na bulalas niya.
Pinahid ni Heart ang mga luha, "Natumba nga siya sa may parking ‘di naman dinugo, tapos nakipagtalo lang, dinugo na. Ano  ‘yon  may baon siyang ketchup sa panty niya?"
Napatulala sa kanya si Lux kaya napakurap siya, "Pasensya na. Hindi ko pala dapat  ‘yon  sinabi."
"It's okay," sambit nito saka siya niyakap sa ulo at hinalikan sa noo, "Papasok ka ba?"
"Oo, madami akong utang."
"Tsk! Baby naman."
"Biro lang," ngumiti siya.
Hindi niya ito matiis. Kahit na anong pilit niyang sabihin sa sariling iiwasan na niya ito, hindi niya ito magawang iwanan ngayon. Lux needs her. Kitang-kita naman sa mukha nito ang pagkabalisa. Umiyak pa ito, bagay na hindi ginagawa ng isang nakilala niyang Lux Montesalvo.
"Di ka na ba aalis?" He asked her sweetly.
Hindi pa man lang siya nakakasagot ay niyakap na siya nito nang mahigpit na halos ikakapos niya ng hininga.
"Tingin mo makakaalis ako?" She almost giggled.
Natawa ito at gigil siyang hinalikan sa noo, "You don't have the right to leave me after making me feel this way. Nah-ah! Hahanapin kita kahit saan pa, Heart Chavez. Tandaan mo 'yan."
Lux tapped her nose with his forefinger.
"Kumain ka na ba?" Nag-aalalang tanong niya rito.
Ito ang bersyon ng lalaking may eye bags pero lumalaban pa rin ang kagwapuhan.
Lux shook his head so she pulled him to the chair, "Kaya pala."
Nag-umpisa siyang maghanda ng makakain nito nang mapansin niyang nakatitig ito sa kanya. He still looks so worried. Gusto niyang magbunyi na isang tulad nito ang masyadong apektado kung mawawala siya pero hindi niya  ‘yon  magawa.
There's no need to rejoice.
"I'm sorry about last night. You cried. You were hurt,"  he said and she just shrugged.
"Normal sa buhay ng tao pero aaminin ko na sobrang sakit na  ‘yong  taong mahal ko, magkakaroon ng anak sa dati niyang asawa at may magkokonekta sa kanila. Pero naisip ko, wala akong magagawa kung do’n mo gusto—"
She was halted when he pulled her hand, "Sa'yo ko gusto. Ang bata lang ang gusto ko kung akin  ‘yon  o kung talagang buntis siya. E-Ewan ko. Mababaliw ako sa pag-iisip. A big part of me really doubted it. I am still doubting it. I have to find a way but I don't know how. Kaya sa ngayon ay pakikisamahan ko siya, please 'wag kang masaktan. Ikaw ang mahal ko, Heart."
Napilitan siyang tumango dahil tingin niya talaga dito ay hopeless na ito ngayon. Kapag dinagdagan pa niya, paano na ito?
Lumipat siya sa likod ni Lux at niyakap ito sa balikat.
"Magtatrabaho lang ako. Balitaan mo ako parati, kahit text lang okay na."
"Thank you," naiyak na sabi nito kaya naman hinalikan niya ito sa pisngi.
"Nandito lang ako. Tahan na," she told him and hugged him tighter.
Kaya siguro siya pinatatag ng pagsubok ay dahil kailanganin siya ni Lux ngayon.

PARA siyang nato-trauma nang tangkain na ni Heart na bumaba ng kanyang sasakyan. Ayaw na niya itong umalis sa tabi niya pero hindi naman pwede.
"Baba na ako ha," paalam nito, "Wag ka ng malungkot. Paano maniniwala si Diana na ayos kayo kung parang mas ikaw pa ang namatayan ng ama kaysa sa kanya?" Natawa ito sa sinabi kaya napangiti rin siya, pero may dating  ‘yon  sa kanya.
Parang balewala lang kay Diana ang pagkawala ng Daddy no’n. Heart was giving him some hints unconsciously. Kanina pa siya nagkakaroon ng ideya sa mga sinasabi nito, hindi lang niya gaanong ma-proseso dahil tuliro pa siya.
"Mag-ayos ka na ha. Nandito lang ako sa restaurant. Mas mabuti sigurong 'wag na muna tayong magkita,"
"That is not possible. Hindi naman ako maglalagi kay Diana. Sa opisina ako o kay Mama tapos aasikasuhin ko sina Caleb."
"Okay, sabi ko nga. Puntahan mo na lang ako anytime. Mag-ingat ka ha."
"'Yan lang?" His eyes were so weary.
She smiled and pinched his cheek, "I love you, Deluxe Montesalvo."
"I love you so much," anito sa kanya at hinalikan siya sa labi.
Bumaba ito sa sasakyan at diretsong naglakad papunta sa restaurant. Hindi siya sumunod dito at tinanaw lang ito hanggang sa makarating doon. Nang makita niyang lumiko na si Heart papasok sa may Macho Cafe, saka siya umalis at lumiko papakaliwa, para umuwi sa dati nilang bahay.
Napakakukulit ng mga kaibigan niyang walang humpay na tumatawag sa gc kagabi pa, pero hindi niya sinasagot.
Wala siyang pagkukwentuhan. Wala siya sa nood na magkwento ng kahit na ano. Si Vandros nga ay nakabitin din sa ere at walang alam.
Speaking of Vandros. Naalala niya ang doktora na kakontak no’n, isang OB/Gyne iyon. May mga kailangan siyang itanong doon ngayon na.
Agad niyang ipinihit ang sasakyan para puntahan ang doktor na iyon. He has to ask some questions about pregnancy.
Do’n niya uumpisahan ang paghahanap sa nagatibong kutob ng kanyang damdamin, but before that, he has to take a shower first. Mukha na nga siyang dugyot. Tang-ina. Dati ay posturado siya at nakapabango kapag pinupuntahan si Heart, nakakadalawang ligo pa siya at halos isang balde ng pabango ang ginagamit niya, pero ngayon ay wala sa isip niya kung isang taon man siyang hindi nakaligo, basta magkaharap sila.
He was trying to enter the house last night but it seems like the latch inside was locked, too. Hindi na siya nagpumilit pa na pumasok. Instead, he just waited inside his car.
He didn't get enough sleep but it was worth it.

Pumasok si Lux sa loob ng kwarto ni Diana at parang mga nakakita ng multo ang mag-ina. Si Elizabeth ay agad na parang napaiwas habang si Diana ay nanatiling nakatingin sa kanya.
He had sensed something with these women's faces but he ignored it for a while. Napakalakas ng kutob niya na may mali pero hindi niya pa matukoy kung ano.
Walang sumalubong sa kanyang nagbabagang bunganga. Salamat. Umiwas si Elizabeth sa kanya at pumunta sa may sofa.
"How's the baby?" Tanong niya sa dating asawa na ngumiti sa kanya.
"It's fine. Going to work?"
Tumango siya. Nakatayo lang siya sa may distansya rito at wala siyang planong lumapit na sobra.
"Gabi na ako makakabalik. Bukas na siguro ang flight namin papuntang Cebu. I guess you have to stay here with your Mom."
"Sasama ako."
"Diana, baka makasama sa bata."
"Bata, puro bata! E ako?!" Agad nitong singhal sa kanya kaya naitaas niya ang kamay niya.
"Okay. I'll ask the doctor if you can come, pero kung ako mas mabuting mag-bed rest ka muna. Hindi puro sarili mo dapat ang isipin mo. May baby kang dinadala," aniya rito at napabuntong-hininga ito.
"Ask the doctor. For sure magpa-private plane kayo. Here he is," anito nang pumasok si Dr. Mayor.
"Good morning."
"Doc, pwede akong mag-Cebu, ‘di ba? Sasama ako sa asawa ko. Magpa-private plane sila. Sasakay sila sa sasakyan. Hindi naman ako mapapaano, ‘di ba?"
Saglit na tumanga ang duktor tapos ay tumango, "As long as it doesn't require any work that requires too much effort or strength, okay lang. Wala na bang bleeding?"
"A small amount, dark brown."
"Good."
Hindi siya nakaimik.
"Don't stress your wife, Mr. Montesalvo. She needs support and company. You must give her that."
Tumango siya pero sa loob ay nakatiim-bagang siya. Pakiramdam niya ay binabatukan siya ng buong sansinukob.
That's the feeling of being forced to do some things his heart doesn't desire. Napakasama pala ang pakiramdam na mapilit na gawin ang isang bagay na hindi naman bukal sa loob niya na gawin.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon