EPILOGUE
3 years later…
THE two-year-old little boy with very curly hair ran towards Carmenzita, yelling, Babuella. Napangiti si Heart sa narinig na tawag ng anak niya sa matandang Montesalvo. Ang tawag naman nito kay Elisa ay Wowa.
Kaarawan ngayon ng anak ni Katy na si Megumi. Matanda lang iyon ng tatlong buwan sa anak nila ni Lux na si Lush Miguel, kaya tatlong buwan na lang din ay magbi-birthday na si Lush.
Na-late siya ng kaunti at naka-university uniform pa siya. Yes, she is back to school, 3rd year na sa kolehiyo. Gumagawa sila ngayon ng thesis kaya medyo bisi-busy-han siya. Kapag naman wala siyang pasok ay nasa restaurant siya nagka-kahera.
Hindi na siya naalis sa pwesto na iyon. Iyon na ang gusto ni Lux para raw hindi na siya palakad-lakad sa gitna ng mga kalalakihan, naghahatid ng mga pagkain.
Para na lang daw sa mga mata nito ang kagandahan at ka-sexyhan niya. That was so funny. Ang isang Lux ay nagseselos sa mga kalalakihan. May dapat ba itong ika-insecure? Tingin niya ay wala naman. Nag-aaway sila at normal na away lang naman. Hindi naman nila pinalalagpas ang magdamag na hindi nila naaayos ang pinag-aawayan nilang dalawa.
"Come," Lux offered his hand to her.
Humawak siya roon pero iba na naman ang titig nito sa kabuuan niya kaya nasuri niya ang sarili.
Parang kabisado na ni Heart ang gano’ng mga titig ng boyfriend sa kanya. Alam na siguro niya ang mangyayari mamaya pag-uwi nila. Hindi na naman siya nito papagbibihisin. Kahinaan na siguro ni Lux na i-lab siya habang suot ang mga uniporme niya. It's fantasy and she respects it.
Nasa kilala silang hotel sa Makati at si Lux mismo ang sumagot sa gastos sa venue dahil ito ang kaisa-isang ninong ni Megumi.
"Alam ko na 'yan titig na 'yan, Montesalvo," aniya sa lalaking nakangisi sa kanya habang hinahagod siya ng tingin.
The feeling is always mutual because when Lux looks at her that way, her whole body heats up.
"Gusto mo naman," anito sabay tawa sala hila sa kanya kaya nagkadikit silang dalawa.
"Baby, wala pa bang balita si attorney sa Decree?" Naisip niyang itanong dito.
"Wala pa e," anito sabay buntong hininga, "Naiinip na nga ako. Napapagod na ako na hindi pa rin kita maisama sa mga gala at mga special social gatherings. Iniiwasan ko na mabunyag lahat kasi alam kong ayaw mo na maging kasiraan ka sa mundo ko. Sa akin balewala sana pero ikaw. I can't afford to see you cry because the people around us are criticizing you."
Tumango siya rito, "Si Lush din ang iniingatan ko. Akala ko nga at talaga napatunayan na guilty si Diana e mapapabilis na ang proseso ng annulment. Nakalimutan ko na si Kris nga pala ay inabot din ng dalawang taon. Iniisip na lang niya na baka dumating na rin iyon ngayong taon. Baka regalo ng Diyos kay Lush sa 3rd birthday ng bata. Kung hindi man ay matyaga pa rin siyang maghihintay.
"Napakabagal niyo namang dalawa," nakangiting sabi ni Carmen sa kanila ni Lux.
Nagmano siya rito at si Lux naman ay humalik. Nakita niya si Lexa na kumakaway sa kanya kaya kumaway din siya.
Ang mga kapatid niya ay totoong parte na ng pamilya nina Lux. Ipinasundo pa nito ang kambal para lang maka-attend ng birthday ng anak nina Katy at Caleb. Matanda lang kasi ng dalawang taon sina Lexus at Lexa kay Katy kaya magkasundo ang mga iyon.
Ngayon ay nasa kolehiyo na ang mga kapatid niya sa Bicol University. Si Lexus ay kumukuha ng Nursing para raw maalagaan ang mga magulang nila, habang si Lexa naman ay Hotel and Restaurant Management. Gusto no’n na maging isang chef at papasok daw sa Macho. Sa loob ng halos tatlong taon ay may extensions na ang restaurant ni Lux. Mayroon na sa Ottawa, Canada, sa Australia, sa America, Italy at Ireland. Open na iyon for franchising at hindi biro ang halaga ng prangkisa ng Macho Cafe and Restaurant. Parang magtatayo ng dalawang island resorts ang halaga, 300 million. Sabi ni Lux ay presyong ayaw daw ipagbili iyon. At wala pang nangahas na bumili dahil sa laki ng halaga na bibitawan.
Si Gigi ay ipinadala sa Canada ni Lux. Iyong mga waitresses na gustong mangibang bansa ay iyon ang mga ipinadala ng kumpanya, at marami rin ang nagpaiwan dahil ayaw malayo sa pamilya.
Siya na lang siguro ang napag-iwanan. Nananatili siyang kahera sa Maynila, at kapag nagmumukmok siya ay pinagtatawanan siya ni Lux. Ano daw iniiyak niya ay siya raw ang may-ari ng mga restaurants na iyon?
Totoo naman ‘yon pero ang gusto niya ay may mapatunayan siya sa kanyang sarili. Gusto na niyang makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng diploma at magtrabaho sa isang kumpanya na hindi pag-aari ng asawa niya. Hindi iyong sasandal na lang siya parati rito.
Tapos na ang mga panahon na ‘yon na kumapit siya sa patalim para makaligtas ang ama niya sa kamatayan. Ngayon ay sarili naman niya ang kanyang itinatayo para maging karapat-dapat siya sa isang Lux Montesalvo na matagumpay sa buhay.
"Nag-exam pa po kasi ako, Mama," aniya kay Carmenzita na hinihila na ni Lush papaalis.
Hawak ng bata ang laylayan ng bestida ng matanda at kung saan dadalhin.
Ang sabi ng lahat ay little Lux si Lush, ang tanging pagkakaiba lang ay kulot na kulot ang buhok ng bata na parang mga noodles. Alam na niya na namana iyon ni Lush sa kanyang ina, tulad ng buhok ni Lexa.
"I was just kidding, iha. Sige na. Kumain na kayo dahil kayo na lang ang ‘di pa kumakain."
"Babuella, tunta tayo do’n," nguso ni Lush sa dambuhalang cake.
"Okay. Okay, apo. Wait for Babuela, baka ako mahubaran."
Natatawa siya nang magtanggal ng sapatos na de takong ang senyora. Hindi kasi iyon makakabwelo ng kilos dahil kapag si Lush na ang nag-umpisang maglaro, hihikain ang kawawang bantay. At sa kaso no’n ay paborito no’n ang matanda dahil spoiled na spoiled naman talaga.
"Elisa, samahan mo ako rito sa apo natin! Mamamatay ako! Pamana yata ni Lux ang kalikutan rito!" Tawag ni Carmen sa ina ni Lux.
Natawa silang dalawa dahil umpisa na ng riot. Kapag nakita ni Megumi si Lush, pihadong kawawa ang mga lola sa pagbabantay.
Ayaw naman ng mga ‘yon sa mga yaya.
"Let's go, baby. Kumain ka ng marami para pag-uwi malakas ka pa," biro ni Lux sa kanya sabay kindat kaya naman natawa siya.
Nagpapahiwatig na kaagad ito ng kung anong kalokohan. Wala naman talaga itong ipinagbago. Kung anong hilig nito sa kanya at interes noon ay parang dumoble pa nga ngayon. They just don't create fire when they are together, they burn it.Naupo silang dalawa sa mesa na walang tao. Nag-uumpisa na ang palaro at sila ay kumakain lang. Kandahaba ang leeg niya sa anak nila at sa tuwing nadadapa iyon ay agad siyang napapatayo sa upuan.
"Let him fall. Magiging independent siya sa sarili niyang paraan, baby," anito sa kanya pero parang tumatalon talaga ang kaluluwa niya sa tuwing natutumba ang anak niya.
"Natatakot lang ako na baka mapamali siya ng bagsak."
"Relax," anito sa kanya.
Relax daw pero sa tuwing nasasamid si Lush kapag kumakain karga kaagad nito at isusugod na sa ospital. Isang beses ay nangyari iyon nang masamid ang anak nila at hindi na halos makahinga.
Nadala ni Lux iyon sa ospital pero nakakababa man lang ang dalawa sa sasakyan ay maayos na ang bata.
Mga experience nila ‘yon sa pagiging baguhang mga magulang, na sabay nila ni Lux na hinarap at napagtagumpayan. Sa pag-aalaga ay hands-on sila kapag umuuwi na galing sa trabaho at eskwela. Hindi lang siya ang nagpupuyat, ito rin. Magkatuwang sila sa lahat ng bagay, hindi iyong isa lang ang magaan ang buhay.
Hindi siya pinababayaan ni Lux na mapagod na mag-isa at napakaswerte niya.
Sa loob ng halos tatlong taon ay lalong lumago ang damdamin nito para sa kanya at gano’n din siya. Mas nakilala nila ang isa't isa at naging mas kapit-kamay sila sa mga panahon ng pagsubok sa kanilang relasyon.
Not even once Lux broke her trust. Nahirapan man siya dahil sa mga binili nitong babae noon at natakot siya na baka gawin ulit sa kanya pero napatunayan nito sa kanya na hindi siya nito sasaktan.
Malayo pa ang tatahakin nilang dalawa. Halos katumbas pa lang ng samahan nito at ni Diana noon ang nalalakbay nila at sinisigurado ni Heart na lalagpasan nila iyon at magsasama sila habambuhay.
"I'm praying that the decision for the annulment will be out this year," biglang sabi nito makalipas ang ilang sandali, "Inip na inip na rin ako. Gusto na kitang pakasalan. I want to see our Lush walking with a ring in his hands. Nakakalungkot na ‘yon ang deserve mo tapos ‘di ko naman maibigay," tila naiinis pa nitong dugtong kaya hinawakan niya sa kamay.
She smiled at him, "Makakapaghintay pa ako kahit eighty years pa," natatawa niyang biro kaya napangiti ito kahit paano.
Kanina siya ang inip, ngayon ay ito naman. Naunahan pa nga sila nina Caleb at Katy. Nagpakasal na ang dalawa nang mag-eighteen na si Katy.
"Silly you. ‘di naman siguro aabot ng gano’n," anito sa kanya.
"Wala namang pagkakaiba basta mahal natin ang isa't isa at buo tayong pamilya nina Lush. Wag na tayong mainip."
Gusto niyang kutusin ang sarili dahil naiinip na talaga rin siya. Ayaw lang niya na masyadong ipahalata. Napakarami na niyang natingnan na wedding gowns sa mga magazines, Decree na lang ang kulang.
Hanggang sa nagsawa nalang siyang tumingin at inisip niya na darating na lang iyon.
"Baka kasi mainip ka na at makapag-isip ka na iba na lang ang pakasalan," anito kaya ang lakas ng tawa niya.
"Ngayon pa ba ako mag-iisip ng ganyan e may anak na tayo? 'Wag na natin pag-usapan 'yan. Dadating din 'yan sa atin sa tamang panahon," nakangiti niyang hinaplos ang panga ni Lux at masuyo itong hinalikan sa labi.
He nodded and pressed her hand, "Together we'll wait, baby."
"Together," aniya rito saka ito niyakap nang mahigpit para maramdaman nitong sasamahan niya ito sa kahit na anong paghihintay kahit gaano pa man katagal.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...