Chapter 47

1.1K 102 21
                                    


Padaskol na inilapag ni Lux ang bagahe ni Diana nang makarating sila sa Maynila. Nakamasid ito sa kanya tapos ay tinalikuran niya.
"S-Saan ka pupunta?" Hahabol-habol ito at halos mapailing siya nang makita niyang ito ay nakahawak sa puson.
Mapagpanggap!
"May aasikasuhin," matabang niyang sagot, malalaki ang paghakbang pero nakabuntot pa rin ito.
"Sasama ako."
"Bed rest," aniya pa pero hinawakan siya nito sa braso kaya agad siyang napatigil, "just stay here. Baka mapaano ang bata. Aasikasuhin ko lang ang annulment dahil tumawag si attorney."
Tumawag naman talaga ang abogado at ngayon ay may bago siyang isusumete sa matandang iyon, ang kanyang napatunayan na panlilinlang sa kanya ni Diana. That was another grieve reason for him to get the decision in no time, pero hindi iyon ang uunahin niya.
Pupunta siya sa restaurant at kakausapin niya si Gigi. Pupunta siya sa townhouse at magsasagawa ng sarili niyang imbestigasyon. Oo, galit siya pero bibigyan niya si Heart ng patas na laban, tulad ng kanyang ginawa kay Diana.
A suspect will never be proven guilty unless there's no fair trial beyond accusations.
At kung si Franco lang din naman, nakakaputang-ina! ‘di hamak na daang libong beses ang lamang niya para ipagpalit siya ni Heart sa sibuyas na iyon.
"How dare you still pursue that annulment! Aw!" Ani Diana at napangiwi hawak ang pagitan ng mga hita pero umangat lang ang mga kilay niya.
"Do something, Lux! Baka ako makunan!" Anito na nagpa-panic pero naninigas ang mga panga niya habang nakatitig siya at nanonood sa pag-iinarte nito. Kung pwede lang niya itong batuhin ng kamatis at luraan ay ginawa na niya.
"Talaga ba?" Ngisi niya saka siya namulsa, "Let me see how the blood will run down on your thighs. Nasaan ang baon mong pekeng dugo, nasa panty ba? Le'me see," sarkastikong sabi pa niya kaya natilihan ito, at sukat do’n ay hinugot niya ang pregnancy test kit at itinaas nang kaunti.
"A-Ano 'yan?" Tanong nito sa kanya kaya napalabi siya.
"This is the proof of a big lie. Putang ina mo!" Gigil na bulyaw niya kay Diana at napaatras ito nang matitigan siya.
"Takot ka?" He asked, eyes widened, "Talagang dapat ay matakot ka dahil kahit saan ka magsuot ay hindi ka makakaligtas sa pang-iiho de puta mo sa akin! You are nothing but a narcissistic hypocrite, and you will pay for what you've done to me!"
Agad siyang tumalikod at lumabas ng bahay.
"Lux! Hindi 'yan totoo!" Umiiyak na sigaw ni Diana pero siya ay tuloy-tuloy na at naglakad papalabas ng gate.
He already ordered one of his men to watch over Diana. Palihim niya lang iyon na pinagagawa para malaman niya kung saan iyon pupunta, sakali man na tumakas.
Ang utos niya ay sundan kahit saan, kahit sa labas ng bansa man.
Damn. That woman was so wrong for fooling him. Mabait siya pero hindi siya tanga. Kaya susunod na si Franco sa hahanapin niya.
Sumakay siya ng sasakyan at agad iyon na pinaandar pero napansin niya ang ilang missed calls ng lola niya sa kanyang smartphone na naka-silent.
Wala naman ibang landline ang tumawag sa kanya, tulad nga ng paulit-ulit niyang sinasabi.
Napakarami no’n at halos lagpas bente. Agad siyang bino’ndol ng kaba dahil baka kung napaano na si Carmenzita.
He immediately called back the telephone number.
"Mama!" Aniya kaagad habang nagmamaneho.
"Lux, bakit ba hindi ka sumasagot? Importante ito! What is happening to this world? Narito si Elizabeth, sinasabi na hindi raw totoong buntis si Diana! Ano na ba talaga? She doesn't even know what's happening to her daughter! Kahit na ayaw daw niyang magsumbong, hindi raw niya pwedeng pabayaan si Diana na nagsisinungaling at kasabwat pa ang pinsan na duktor!"
So, that concludes everything now. Magpinsan pala si Mayor at si Diana. Ngayon na niya naalala kung saan niua nakita ang lalaking iyon. He saw that man on their wedding. Nasa isang sulok lang iyon at nakamasid.
Yeah. Hindi niya namukhaan ngayon dahil nag-matured at nagkaroon ng salamin sa mata.
Ngayon, hindi lang pagiging duktor ang mawawala sa lalaking iyon kung hindi ang buong ospital na pagmamay-ari.
"Tell her sorry but I already knew it. Diana has to pay for what she did to me. Pasensyahan na lang pero hindi ako madadala ngayon sa paamo at pakiusap."
Pinatay kaagad niya ang tawag at diretso na siya sa pagda-drive.
Una niyang pupuntahan si Gigi, na sabi ni Vandros ay hindi pumasok at nasa apartment lang. Who knows, kasabwat din iyon ni Heart. Sa panahon ngayon ay hindi na rin alam pa ni Lux kung sino ang paniniwalaan pero sa puso niya ay mahal pa rin niya si Heart.
And curse her for making him feel that way. His love is so damn fair that he wanted to ask her what happened, and he will surely believe for he had never known her as a liar.
Lahat ng ipinakita sa kanya ni Heart, alam niyang kahit paano ay totoong minahal siya no’n. Hindi siya manhid.
Isasantabi niya saglit ang mga laman ng litratong dumurog sa puso niya at sa oras na sabihin no’n na hindi siya mahal at ginamit lang siya, saka siua aaksyon at gagawin ang dapat.
Pipilitin niyang lumimot dahil totoo naman na ginamit no’n ang pera sa operasyon ng ama. Palalagpasin na lang niya at magpapakalayo-layo na siya.
Bumaba si Lux sa sasakyan at tiningala ang apartment na tinutuluyan ng mga waitress niya. He saw Gigi, holding a phone. Agad iyon na tumakbo sa hagdan para salubungin siya pero dahil sa tindi ng init ng kanyang ulo ay agad niya rin itong sinalubong.
"Where is Heart?! Totoo bang kasama niya si Franco, Gigi? Ikaw ba, kasabwat din nila?"
Hindi nakahuma si Gigi at naluluha lang na nakatitig sa kanya.
"What do you know? For sure, pagtatakpan mo kasi kaibigan mo."
"S-Sir, wala naman po akong alam at nag-aalala ako. Hindi po si Heart ang klase ng babaeng gusto niyong tukuyin sa salita niyo."
Ngumisi siya at binuksan ang smartphone. Iniharap niya rito ang mga litrato sa Mensahero account niya at gano’n na lang ang pagsinghap nito at pagtakip sa bibig.
"Diyos ko."
"Talagang Diyos ko dahil kapag malaman ko ang totoo, ewan ko!" Gigil na sambit niya saka siya lumayas sa harap nito at sumakay muli sa sasakayan.
Baka mapatay talaga niya si Franco.
Muli siyang nagmaneho at ang tumbok ng daan nya ay ang daan papunta sa restaurant.
Dadaan siya sa opisina ni Vandros.
Mabilis siyang nakarating doon dahil bukod sa malapit lang ay mabilis ang takbo niya.
Napatingin siya sa passenger's seat at nakaramdam ng matinding lungkot.
Parang nakikinita niya si Heart doon, nakaupo lang at nakangiti sa kanya, hindi kakikitaan ng bakas ng anumang panloloko sa kanya, kaya napakahirap sa puso niya ang maniwala sa nangyayari ngayon.
He noticed a furry thing on the side of the seat. Kinuha niya iyon at isang daga iyon, walang buntot. Kay Heart iyon. Inamoy niya at amoy Heart nga, pero muli siyang tumiim bagang at itinago iyon sa bulsa ng suot niyang jacket.
Bumaba siya kasama ang isang malalim ma buntong hininga. Malalaki ang hakbang at hindi mawari ang pinta ng kanyang mukha.
Lahat ay nakatingin sa kanya, ang mga waitresses na mga kaibigan ni Heart.
He pushed the door of the office and Vandros looked at him.
"I was about to call you," anito na hindi rin matahimik.
"Why?"
"Nakausap ko si Mabel kanina, nasa Mall na siya nagta-trabaho bilang sales lady. Hindi siya ang pumunta sa subdivision niyo. May nagpanggap na si Mabel, bro. Sabi ng gwardiya sa subdivision nang ipakita ko ang picture ni Mabel, hindi  ‘yon  ang babaeng nakita niya. Whoever it was, kasabwat iyon ng may pakana ng lahat ng ito. At kung planado ang lahat, baka nasa panganib si Heart. Dahil, bro, lahat ng nanditong waitresses ay hindi naniniwala na si Franco at Heart ay may relasyon. And she never had any boyfriend than you. Sila ang may sabi no’n. Alam na nila dahil matagal na siyang pinagtitsismisan nina Mabel noon, but they just love Heart so much. Natatakot sila na baka napahamak na ang kaibigan nila. Wala ka bang gagawin?" Tanong pa nito sa kanya pero tinitigan niya ito nang matiin.
Sa tingin ba nito ay wala pa siyang ginagawa? Straight from Cebu, here he is.
"Meron," aniya, "bago ka pa magsalita buo na sa utak ko ang plano ko."
"A-Ano? Para may maitulong ako."
"Ipahanap mo ang babae na nagpanggap na Mabel at si Franco. Ako na ang bahala kay Heart. Ngayon ako nagpapasalamat kay Mama na pinalaki niya akong mabait. Kahit galit ako alam kong mahal ko pa rin ang babaeng  ‘yon  at hindi ako papayag na hindi ko siya nakausap. You know me better than anybody does, Vandros."
Tumango-tango ito, "Paano  ‘yong  pabuya, ika-cancel ko na ba?"
"Yes. Baka lalo siyang malagay sa alanganin dahil do’n. I'll find her myself whether she is with or not with Rodriguez."
"Sige, bro. Good luck," Vandros told him and patted his shoulder, "Saan ka na?"
"Sa townhouse. I'll check my hidden camera if something unusual happened."
Umangat ang mga kilay nito.
"Nang mabili mo  ‘yon  ay sira ang linya ng CCTV…sa labas pero meron akong spy camera sa loob."
Tumalikod na siya dahil tumangu-tango si Vandros sa kanya, na alam niyang kalokohan ang nasa isip. But his purpose was for Heart.








The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon