Chapter 7NABAWI ni Heart ang kanyang kamay nang bigla silang magkasabay ni Lux na humawak sa handle ng pintuan ng sasakyan.
She looked up at him. Hindi naman niya akalain na ipagbubukas pa siya nito ng pinto, sa passenger's side ng mamahalin nitong forward.
Kung mahal ang sasakyan ni Vandros, kumusta naman kaya ang sasakyan nito? Iba ito sa dalang kotse nito kanina sa restaurant. Iba talaga ang mga bilyonaryo.
Tahimik na sumakay ang dalaga nang mabuksan nito ang pinto, "Salamat po."
Ang bango na naman. Kasing amoy ni Lux ang loob ng sasakyan. Sumakay ito sa driver's seat at tahimik na pinaandar ang sasakyan. Kung si Heart ang masusunod ay sa likod sana siya sasakay, kaya lang ay nahihiya siya. Baka sabihin nito ay pinagmumukha niya itong driver.
Hindi sila nag-iimikan. Naiilang siya na sobra. Gustuhin man niyang ibukas ang bibig para magsalita ay hindi niya magawa. Ano namang sasabihin niya rito ay hindi naman sila magkakilala? Si Vandros, matagal na niyang nakikita sa restaurant. Talagang medyo palagay na ang loob niya sa manager niyang iyon, kaya kahit pakapalan ng mukha ang pag-uusapan, hihingi talaga siya do’n ng tulong kung kailangan.
Daig pa tuloy niya ang naiihi.
"S-Sir…" tawag niya rito.
Sa rearview mirror ito tumingin sa kanya.
"N-Naiihi po ako."
Napaawang ang labi nito kaya ninerbyos siya. Baka magalit ito sa kanya kaya kinagat niya ang labi.
"S-Sorry na po, sir. Hindi ko po kakayanin ito sa twenty-minutes na byahe."
"Wait," sagot nito kaya tumango siya kahit na hindi na ito nakatingin.
Mga limang minuto pa ay nasa tapat sila ng D'Almonte Accounting and Consulting Firm.
Nakanganga siya roon. Iyon ang pinagtatrabahuhan ni Franco, kung hindi siya nagkakamali.
Nang itinigil ni Lux ang sasakyan sa mismong parking ng building ay napatingin siya rito. Huwag nitong sasabihin na doon siya makikiihi?
"Let's go," ani Lux.
Bumaba ito kaya naman nagmamadali rin siyang bumaba. Mabuti na lamang at sports shoes ang kapareha ng kanilang mga uniporme, hindi siya nahihirapan sa mabilisang kilos.
Let's go daw. Malamang ay doon nga siya nito papapasukin para makiihi.
"Good morning, sir," bati ng mga gwardiya, malayo pa sila sa pinto.
Those men opened the door for him. Naisip ni Heart na baka kakilala nito ang may-ari no’n, o baka ito rin nga ang may-ari ng Accounting firm.
Sa pagpasok sa pintuan ay si Franco na nga ang nabungaran nila. Natulala ito nang makita siya tapos ay napa-second look pa sa amo niya.
"Good afternoon, sir," bati no’n kay Lux pero agad siyang binalingan, "Heart."
"Franco," bati niya sa lalaki sa pinakasimpleng paraan.
Mister Montesalvo looked at them, "She's going to use the ladies room."
"O-Opo, sir."
"Where's Diana?"
Napakurap si Heart. Sino si Diana?
"Nasa office niya po ang asawa niyo, sir."
She just bowed a bit. Asawa pala nito ay nasa Accounting, o baka iyon din ang may-ari.
"Samahan kita sa ladies room, Heart," presinta ni Franco sa kanya kaya tumango siya dahil hindi naman niya alam kung saan ang ladies room doon.
Diretso lang din naman si Lux sa paglalakad, at mula sa isang pinto ay may lumabas na isang balingkinitang babae, na mukhang half Chinese. Daig pa no’n ang naligo sa gatas sa sobrang puti.
Hindi napigilan ni Heart na suriin iyon mula ulo hanggang paa, isang pagsuri na hindi mapang-insulto o ano, kung hindi ay paghanga sa gandang taglay ng babae.
Lumapit doon si Lux at hinalikan ‘yon sa pisngi. Napayuko siya at tuloy-tuloy na sumunod kay Franco.
Nahuhulaan na niya. Hindi na dapat sabihin pa. Asawa nga ni Mister Montesalvo ang babae na iyon. Bagay na bagay do’n ang blonde na buhok.
"Salamat, Franco. Kaya ko na."
"Saan kayo pupunta ni Sir? Bakit magkasama kayo, Heart?"
Napatanga siya sa mga tanong ni Franco na parang nanghuhusga. Bakit gano’n ang tono nito sa kanya, naitanong niya sa sarili. Dahil ba siya ay hamak na waitress lang kaya hindi pwedeng isama ng boss?
At isa pa, why does this man sound demanding for an explanation? May dapat ba siyang ipaliwanag dito?
"Pupunta kami sa foundation ng lola niya. Bibigyan nila ako ng tulong. Excuse me, Franco. Bumalik ka na sa trabaho. Baka mapagalitan ka dahil sa akin."
Nagmamadali niya itong nilayasan. Nabwisit siya sa tema ng salita nito at sa mukha. Daig pa no’n ang asawa na nagseselos.
Pagkatapos niyang magbanyo ay lumabas na rin siya. Laking pasasalamat niya dahil walang Franco sa may pintuan. Tumuloy lang siya sa paglalakad kung saan sila dumaan kanina pero napaatras siya nang kaunti dahil nang liliko na siya ay naroon ang mag-asawa nag-uusap.
"Ako, magseselos?" Tumawa nang kaunti ang babae at rinig ‘yon ni Heart, "Do you hear yourself, Lux?"
"Why? She's lovely."
Nagtaka siya kung sino ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Kung siya ang maganda, wala ng pangit sa mundo, Lux. She's nothing but an ordinary waitress in your restaurant. I am an Accountant. Malakas lang ang sense of belief ko na hindi ako ipagpapalit ng asawa ko sa babaeng low class. She isn't your type. I'll go back to work," mataray na paalam ng babae.
Sumilip ang dalaga sa may sulok ng pader at tiningan ‘yon kung paano iwan ang asawa na nakatayo sa may pinto.
Napailing si Lux habang nakatitig sa pintuan na sumara, habang siya naman ay nanliliit sa may pader na kinasasandalan niya.
She was insulted.
Masama ang loob na lumabas siya roon at tuloy-tuloy na naglakad. Bakit naman siya ang ginamit ni Lux na pampaselos sa asawa nito? Tuloy ay siya pa ang nainsulto. Kung susumahin, ano nga ba naman siya? Tama naman ‘yon. Waitress lang siya, walang pinag-aralan, kumpara sa isang babaeng nagmamay-ari ng law firm at isang Accountant.
Sa daraanan ay nakita niya si Franco na nakatingin sa kanya pero ni tapunan ng tingin ay hindi niya ginawa. Tumuloy siya sa paglabas at huminga nang malalim. Tumayo siya sa may sasakyan ni Lux at doon naghintay, pero tumaginting ang cellphone niya kaya dali-dali siyang nagbukas no’n.
Mister K…
Diyos ko.
Nayakap niya ang aparato habang nakapikit. Kinakabahan na siya kaagad wala pa man lang nababasa. Huwag naman no’n sabihin na gagamitin na naman siya. Masakit pa nga ang pagkababae niya. Nilakasan niya ang loob na buksan ang mga mata pero nariyan na si Lux kaya naman hindi niya naituloy ang balak na gawin.
Tumunog ang sasakyan matapos nitong pindutin ang remote. Papalapit ito sa kanya pero ay siya na ang nagmamadaling nagbukas ng pinto ng sasakyan.
"Ako na po. Nakakahiya pong ipagbukas pa ako ng pinto ng boss ko, samantalang hamak na waitress lang po ako," pinilit niya na huwag haluan ng sama ng loob ang sinabi.
She even smiled a bit before hopping into the car.
Doon niya itinuloy ang pagbabasa.
Mister K: I'll see you at 7:00 PM.
Inay ko. Napakaaga naman no’n, sa isip niya.
Pasimple siyang nagtipa sa keyboard.
Heart: Pwede pong 8:30? Pupunta pa po ako sa Tatay ko sa Heart Center.
Itinago niya ang cellphone at niyakap ang bag. Wala na siyang balak tingnan ang reply no’n kung sakali man. Kailangan din naman niyang mabisita ang mga magulang niya.…
NAPAYUKO si Heart dahil daig pa niya ang litson na nasa gitna ng mesa, matapos siyang papagsalitain ng isa sa mga may-ari ng foundation, si Donya Twinkle.
Limang kababaihan ang naroon, mga matatanda, isang lalaking nakakurbata na nagre-record sa mga sinasabi niya, at si Lux, na parang inaantok na sa kinauupuan.
Nagpapahid ng mga luha ang mga matatanda. Sa tingin niya sa mga iyon ay parang nakinig ng drama sa radyo. Uso iyon noong elementarya siya. Kapag tapos na ang pananghalian ay e-ere na sa AM radio station ang dramahan. Literal iyon na nangyari ngayon sa kanya, live nga lang.
She was asked to tell her whole story. Sabi ni Donya Twinkle ay kailangan ‘yon para sa documentation ng mga nabigyan ng tulong ng foundation.
At first, she was hesitant and shy but when she saw these old women who looked so interested to listen to her story, she got carried away. At ngayon ay maluha-luha ang mga ito.
"Thank you, hija," anang Senyora Carmen niya.
Tumayo iyon at saka lumapit sa kanya, niyakap siya at tinapik sa likod.
She smiled at the old woman.
"Napakaganda mong bata, nakapabait," anito sa kanya, "You're so brave at a very young age. Imagine that."
"Salamat po, S-Senyora," nahihiyang sabi niya saka napayuko nang kaunti.
"Walang anuman, hija. You deserve the foundation's help. Halika na muna at maupo. Kumain muna tayo."
"M-May trabaho—"
"You're excuse. Lux, apo!" Tawag nito sa lalaking ang tamlay na sa kinauupuan at walang humpay lang ang paggamit ng smartphone.
He lazily looked at his grandmother.
"She's excused today, right, apo?"
Lux's eyes moved to her. Nagkatinginan sila at saka ito nag-thumbs up, tapos ay ibinalik din ang mga mata sa aparato.
"Maupo ka na. Kakain tayo," masiglang sabi pa ni Carmen kay Heart.
Wala siyang nagawa nang ipaghila siya nito ng upuan sa tabi ng apo nitong nakasandal ang mga paa sa mesa.
"Lux!" Hinampas ng matanda ng pamaypay ang binti nito kaya nagmamadali nitong naibaba ang mga iyon.
She hid a smile. Napayuko siya dahil natatawa siya sa dalawa. Ang saya siguro ng mga buhay ng mga ito dahil mayaman at walang mga problema.
May pumasok na mga pagkain at inilapag ang mga iyon sa ibabaw ng salaming mesa.
"Wala ka naman sigurong planong itapon sa akin ang mga 'yan," sabi ni Lux kaya naman nahihiya siyang tumungo at kinagat ang labi.
Umiling siya at itinago sa kando’ngan ang mga kamay. Naiilang na siyang kumilos dahil baka matapon niya ang mga ‘yon dito.
"Just kidding. Kumain ka na. Ihahatid kita papunta sa ospital."
Tumingin siya rito, "H-Hindi na po kailangan. Kaya ko na po."
Lux pursed his lips. Napatingin doon ang dalaga at napalunok.
"With that old lady, that is not even possible. Napakabait ng lola ko at hindi ka niya hahayaan na mag-commute."
"Ang swerte niyo po sa lola niyo."
"Hindi rin," anito sabay tawa at kinuha ang meatballs saka siya nilagyan sa plato niya.
She smiled inwardly. Hindi siya dapat nito pinagsisilbihan dahil hindi naman siya karapat-dapat, kaya kinuha niya mula rito ang mga iyon at siya ang nagsilbi sa sarili niya. Kahit na ito ay nilagyan niya rin sa lalagyan nito.
"Alin pa ho ang gusto niyo, sir?" Heart asked.
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Lux sa hindi niya malaman na dahilan saka ito umiling.
Nailang siya nang sulyapan siya nito. Bakit siya kinilabutan sa mga mata nitong namimilyo? Pilyo ba o siya lang ang nag-iisip ng kung anu-anong hindi dapat?
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...