Chapter 5
DIOS mio, Marimar!
Hindi mabilang ni Heart kung ilang beses siyang lumunok ng laway matapos niyang makita ang text galing sa isang unknown sender. Malalaki ang mga mata niyang nakatunghay sa screen ng kanyang phone. Hindi niya alam kung nananadya ba ang bulok niyang Android phone dahil blinking ang screen nito habang nagbabasa siya ng nakakatakot na message na iyon.
Ang tangka niyang pagsubo ng pagkain ay hindi na niya nagawa. Nasa ibaba siya ng condo building, sa tabi ng mini grocery. She's having her dinner. Tila nawalan na siya ng gana dahil sa nabasa niyang message. Agad-agad? Maglinis daw siya ng sarili dahil darating na raw si boss sa loob ng isang oras. Magbababad ba siya sa muriatic acid para siya ay madisinfect?
Para siyang nahiya. Maglilinis, ibig sabihin ay magkuskos siya at magsabon nang mabuti. Nakakatakot ang utos na ‘yon dahil parang iba ang gagawin sa kanya ng lalaki. Baka tulad sa mga palabas na nauuso ngayon ay hahampasin siya at kung anu-anong gagawin sa katawan niya. daw siya ng sarili.
Sa tema ng text ni Mister K, ‘yon ay mayabang. Parang ipinararamdam no’n na siya ay binayaran lang at wala siyang karapatan na magpabebe.
It sank in her mind. Agad na siyang tumayo at nagmamadali na iniwan ang mesa. She went to the cashier to pay via credit card. Napakaganda ng kainan na ‘yon, sosyalin ang dating. Ang mga kumakain ay mga nakasimpleng pambahay pero mga pak na pak sa ganda at pogi. Ang mga may edad ay halatang mayayaman din. Kahit na mga kulubot na ang mga braso ay banat na banat ang mga mukha. Halatang maraming pang-botox.
The woman on the cashier counter looked at her. Iniabot niya rito ang kanyang card. Tiningnan ng babae ang card niya at siya ay tiningnan din nang mataman.
"Pwedeng magtanong?" Sabi nito sa kanya kaya tumango siya habang nakatingin sa card na bigay ni Vandros.
"Anong bangko ang may-ari ng credit card na ito?"
Umiling siya. Ano bang sasabihin niya? Baka mapahamak pa siya, o baka tinitesting siya kung kanya ba talaga ang card na ‘yon.
"S-Sa kuya ko 'yan e, pinahiram lang sa akin dahil nakikigamit ako ng unit niya rito."
"A, okay," anitong ipinag-swipe ang card sa isang aparato.
Naghintay lang siya. Baka mamaya ay may depekto pa ang card, lalo siyang maabala. Humaba ang leeg ni Heart at tiningnan ang card pero iniabot na rin iyon ng babae sa kanya.
Salamat.
Agad siyang tumalikod. Kahit na ba gusto pa niyang kumain sana ay hindi na. Babawi na lang siya sa susunod dahil sisintensyahan na siya ngayon ni Mister K.
Halos inilang hakbang lang niya ang pintuan ng kainan at patakbo siyang pumunta sa elevator. Ang puso niya ay unti-unting dinadapuan na naman ng kaba, umiinit ang mga sulok ng kanyang mga mata.
Nakatingala siya sa kisame ng lift at nahahapong napasandal. Tuluyan siyang naluha pero agad din niyang pinahid at inayos ang sarili. Nakabili na siya ng fold kanina. Magising man siya habang ginagamit ng lalaking mukhang sex ay dapat sumunod pa rin siya sa kasunduan. Ayaw niyang madagdagan pa ang bayarin niya sa oras na labagin niya iyon.
She went out of the lift but she bumped into a man. Halos tumilapon siya pabalik dahil sa laking tao ng kanyang nabangga.
"S-Sorry po," agaran niyang hingi ng paumanhin pero halos mapatulala lang ang lalaki sa kanya.
She looked up at him. Noon niya nakita na gwapo ang lalaking nabangga niya kaya lang ay parang sobrang laki ng katawan kaya nakakatakot tingnan.
Ngumiti ito sa kanya, "Nasaktan ka ba?"
Umiling siya kahit na ang totoo ay oo. Masakit ang kaliwang balikat niya na tumama sa matigas nitong braso. Daig pa ni Heart ang naghanap ng sarili niyang kamatayan sa mga oras na ‘yon.
"I'm sorry," anito saka siya hinagod ng tingin.
Tumango na lang siya saka ito iniwan na nakatayo sa may elevator. He was still looking at her when she looked back.
Dumiretso siya sa unit at may panginginig ang mga kamay na idinikit ang keycard sa machine. The door automatically unlocked. Pumasok siya at natatarantang pumasok sa kwartong inuukupa niya, tuloy sa pagbubukas ng pinto ng closet.
Hindi niya alam ang isusuot niya. Ano ba ang dapat? Wala naman sa kanyang sinabi si Vandros. Ayaw naman niyang magtanong dahil nahihiya siya.
She grabbed her panty and her bra, the newest ones. Isang beses pa lang niyang nasuot ang mga iyon, noong Valentine's. The panty was a thong. Iyon ang pinili niya dahil para sa suot niyang tight dress. Hindi ‘yon pula. It was white, so she also grabbed a pair of white undies.PAGKATAPOS maligo ay lumabas na siya sa banyo. Wala siyang ipinahid na kahit na ano. Gusto ni Heart ma-disappoint si Mister K sa kanya para huwag na siyang balikan pa. She went to the vanity mirror and grabbed her pills. Naglagay siya sa palad at tatlo ang nakuha niya. Baka kapag ininum niya ‘yon lahat ay sa isang linggo na siya magising.
Isa lang.
Nagmamadali siyang pumunta na naman sa kusina para kumuha ng tubig. Pakiramdam ni Heart ay pinagpapawisan na siya ng ice tubig. Halos kabuuan pa rin ng isip niya ang ayaw na gawin ang nakatakdang mangyari, to give away her purity to a man she doesn't love and she doesn't even know.
Ano ba, Heart? Paulit-ulit ka na lang ba? Kastigo ng dalaga sa sarili nang humiga siya sa kama, hawak ang kanyang blindfold.
Nakatitig siya sa kisame, naghihintay na antukin. She still keeps on swallowing her own saliva , feeling her heartbeat. Sukdulan ang pagkabog ng kanyang dibdib nang balutin niya ang sarili sa puting comforter pero inistorbo pa siya ng isang tawag.
Agad niyang kinapa ang cellphone sa ibabaw ng mesa at nakita ang pangalan ng Nanay niya.
Diyos ko. Bakit ngayon pa tumawag si Nanay?
"H-Hello?" Tarantang sagot niya sa ina.
"Nak?"
She cleared her throat and calmed herself.
"A-Ayos ka lang, anak?"
"O-Oo, Ma, n-nasa trabaho pa."
"Susko, pasensya na, anak. Nandito na kami ng Tatay mo. Naka-admit na siya. ‘yong pera nakuha ko na, hawak ko na. Humihingi lang ng down payment na singkwenta mil. Pupunta ka ba rito, anak?"
Hindi niya alam. Gusto niya kaya lang paano? Sa kaisipan na ‘yon ay parang maiiyak na naman siya. Halos isang taon na silang hindi nagkikita, sampung buwan sa totoong bilang, tapos ay magkikita sila sa ospital pa. Anong saklap?
Masaklap pero buhay si Tatay. ‘yon ang mahalaga, Heart.
"Bukas na siya ooperahan, gabi raw."
"Pupunta ako, 'nay. 'Wag ka ng mag-alala. Magiging maayos na si Tatay. Tinulungan ako ni Manager. May uuwian na kayo pansamantalaga pagkalabas d'yan. Walang bayad. Tapos…tapos si Senyora Carmen, may tulong daw galing sa foundation. Makakaligtas si Tatay," garalgal na naman niya.
Naiinis na rin siya sa sarili kung minsan kung bakit ba napakaiyakin niya rin kahit ang tanda na niya.
She's so sensitive and so vulnerable. Vulnerable ba ang taong nakatayo pa rin nang matatag kahit anong hirap ng buhay at dami ng pagsubok? She's vulnerable yet so tough.
Mabilis lang talaga siyang tumanggap ng lahat dahil naniniwala siya na lahat ‘yon ay parte ng kanyang pag-angat. Lahat ng nangyayari, alam niyang may dahilan at makabubuti sa kanya sa hinaharap. Kahit ang sitwasyon ng ama niya ngayon, alam niyang may matinding dahilan ang Diyos sa pagbibigay sa kanila ng ganitong pagsubok.
"Heto ang…t-tatay mo."
"Hello, 'nak…" agad na nabasag si Conrad at humagulhol ng iyak kaya naiyak na rin si Heart, pero hindi niya pinarinig sa ama.
Ayaw niyang mas lalo itong maawa sa kanya. Siya lang kasi ang nagtataguyod sa pamilya. Mula nang magkasakit ito noon ng tuberculosis ay tumigil na sa pamamasada. Nang gumaling ay unti-unti na lang na nagsaka. Hindi naman nila ito pinipilit na magtrabaho nang husto, ‘yong kaya lang, kaya natuto siya sa buhay na siya na ang dapat na tumulong sa mga magulang niya.
Makakapagtapos pa siya. Pangako niya ‘yon sa sarili.
"'Wag ng umiyak, Tatay. Gagaling ka na. Marami na tayong pera."
"Pera na pangpa-ospital lang sa halip na para sa iyo na."
"Sus naman si Atay, 'wag mo na ‘yong sabihin. 'Wag mo na ‘yong isipin. Wala ‘yon. Kayang-kaya ko ‘yon kitain. Basta alagaan mo ang sarili mo."
Hindi ito umimik.
Alam niyang nanliliit si Conrado dahil sa nangyayaring ito pero para kay Heart ay wala na ‘yon. Mahal niya ang Tatay niya higit pa sa puri niyang nasa bingit na ng pagkawala.
"Sige na, 'tay, may…trabaho pa ako. Kumain ka nang maayos ha. Babye," pinasigla niya ang boses para naman mabawasan ang lungkot ng Tatay niya.
"Bye, 'nak. Mag-ingat ka ha."
"Oo, Tatay. Bye."
Humikab siya pagkatapos niyang isara ang tawag. Kahit paano, ang boses ng Tatay niya ay nagpagaan sa kalooban niya. She has a purpose for doing this thing. It's for the sake of his father. It's a matter of life and death situation and she chooses life. She will always choose to live.
Ibinaba niya ang aparato at isinuot ang kanyang eye mask blindfold. Inaantok na siya kaya bago pa siya makatulog ay isusuot na niya.
Nag-krus na muna siya bago pumikit. Good luck sa kanyang hymen, at paalam na rin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...