HE was waiting, not even blinking while he was staring at the kit. Parang tumigil na ang oras sa paligid niya habang umaandar ang likido papunta sa ikalawang guhit. May isa ng guhit at ninenerbyos siya.
Hindi niya alam kung matutuwa siya kapag naging dalawa ang pula o malulungkot din siya kapag iisa.
The urine hit the line.
Shit!
Para siyang mamamatay habang naghihintay pero lumagpas na ang ihi ay walang nabuong ikalawang guhit.
"Putang-ina!" Mura niya at halos masuntok niya ang tiles na pader ng banyo.
Nanlumo si Lux na napaiyak, kagat ang kanyang labi. His bite was so hard and he could almost taste his own blood from his bottom lip.
Ginawa siyang tanga ni Diana!
All this time, she wasn't pregnant! Damn it! Planado lahat nito ang kunwa-kunwariang pagbubuntis. At kahit na ang dugo ng gabing nagtalo siya ay hindi totoo.
Everything was fucking fake!
Tama si Heart sa biro no’n na may baon ito na kung ano sa underwear at malamang ay binasag para magmukhang dinudugo.
Mapapatay niya ang hinayupak na si Sakristan Mayor! Christian Mayor huwad na duktor!
"Hayop kayo!" Bulong niya at gigil na gigil pa rin.
Pumapatak ang mga luha niya sa lavatory. Mga mapanlinlang na nilalang. Sobrang nagkamali siya nang piliin niyang mahalin si Diana, dahil si Diana ay isang sira ulong sarili lang ang alam na mahalin.
Kalma, Lux.
Pinahid niya ang mga luha at kinuha pa ang isang pregnancy test kit. He tried another one just to be sure and complete his evidence for it will justify everything. Iyon ang kanyang alas ngayon na walang makakatalo.
Hindi na gaano ang kanyang kaba habang pinapanood ang pag-andar ng ihi ni Diana. It was also negative. Malamang ‘yon ang resulta kasi sinungaling nga.
At buntis man sa hindi si Diana, hahanapin pa rin niya si Heart. He made a promise to her that she would still be his love even if he was about to have a baby.
Itinago niya ang pregnancy result sa kanyang bulsa at inayos ang sarili niya. Daig pa niya ang siya ang buntis. Naghubad siya at pumunta sa shower.
Tapos na. Hindi na siya mauuto pa. Babalik na siya sa Maynila ngayon din at walang makakapigil sa kanya.
Nakatukod ang mga palad ni Lux sa pader nang tumunog na naman ang smartphone niya.
He grabbed it right away and answered Vandros.
"Bro…hindi ito maganda."
"Anong hindi maganda?" Kunot noo siya.
"Ihanda mo ang sarili mo dahil si lola ay umiiyak dito at galit na galit. I'll send something to you."
He looked at his phone and waited for the files. Mga litrato ang mga ipinag-send ni Vandros kaya pinindot niya agad, at parang piniga ang puso niya nang ang una niyang makita ay si Heart na nakayakap kay Franco sa mismong labas ng townhouse.
And the two kissed.
He also had a photo with her, kapag ibinababa niya si Heart sa may restaurant.
Ibinalik niya ang mga mata sa mga kuha ng dalawa ni Franco at parang namatay na rin siya sa mga sandaling iyon. Hindi niya maialis ang mga mata sa pagkakatitig sa magkahalikan na dalawang tao na ‘yon hanggang sa marinig niya ang boses ni Vandros, kaya idinikit niya ulit ang aparato sa tainga.
"Wala rin daw si Franco, sabi ni Gigi. Hinahanap din daw ng barkada, dala raw ang lahat ng gamit at may resignation daw sa opisina. Posibleng magkasama ang dalawa."
Hindi siya umimik. Wala siyang lakas ng loob na magsalita o sumagot kahit na katiting.
Wala na.
"Lux," boses iyon ni Carmen kaya lalo siyang naiyak.
Para siyang bata sa mga sandaling iyon, nanghihina at walang umaaruga.
"An envelope arrived. Ibinigay daw iyon ng babae kay Siony. Hindi ko alam kung sinong babae basta ang sabi ay concerned daw sa iyo. Mabel, Mabel, tama! Siony received a call from the guards and a woman was asking for me. May ibibigay lang daw."
"The woman I fired?" Takang tanong niya.
"I don't know. Ang sabi rito sa sulat no’ng Mabel, inuuto ka lang ni Heart. Ang sinisante mo raw ay mga inosenteng tao dahil totoo naman daw na kabit mo siya at sila ang nagsasabi ng totoo. Ngayon daw ay patas na kayo sa pagsisante mo sa kanya. My God!"
"It seems like matagal na kayong minamanmanan ng babaeng ito, pare. At ngayon, itong mga nakuha niyang litrato, ewan ko kung paniniwalaan mo. Umalis ka, sumalisi ang iba."
"Do you believe it?" Umiiyak na tanong niya dahil parang pinag-aapat na naman ang utak niya.
"Mahirap magsalita. Baka oo, baka hindi pero hindi mahalaga ang paniniwala ko, dahil ikaw ang mas nakakakilala sa girlfriend mo. Though, I really saw her several times, walking with Franco. Hindi ko alam kung normal na nagkakasabay o talagang nagsasabay. Wala tayong pwedeng paniwalaan ngayon, bro, sarili lang natin. Ikaw, sarili mo."
Malungkot niyang pinahid ang mga luha niya. The feeling at that very moment was like losing a dear loved one who would never come back again.
Hindi pwedeng magsinungaling ang mga litrato na iyon, unless these were edited.
Pero mukhang hindi edited iyon. Hindi makakapagpa-photoshop agad-agaran ng napakalinis ang gagawa ng gano’ng kasinungalingan.
And these photos told him exactly that it was Heart. Iyon mismo ang damit sa attachment na ipinagsend no’n sa kanya via MMS.
Kanina lang ‘yon sa pagpunta sa duktor.
Para na siyang tuliro nang magtapis ng twalya sa baywang. Bitbit ang kanyang mga gamit ay lumabas siya ng banyo at walang tingin na naglakad papunta sa pinto.
"Lux," tawag ni Diana sa kanya pero kumibot lang ang mga panga niya.
He was hard. Ang mga mata niya ay matatalim at nakakuyom ang mga kamao.
Ilang tao pa ang manloloko sa kanya at i-scamin siya ng daan-daang libong piso?
Uuwi na siya sa Maynila at papatayin niya si Franco. Si Heart, hindi niya alam kung anong magagawa niya dahil tulad ni Diana ay sinungaling din iyon at mapagpanggap.
"Kuya," tawag sa kanya ni Katy pero kahit ang kapatid ay hindi niya pinansin, na halatang naghihintay ng balita.
Kasama nito si Elisa pero parang mga hangin na hindi niya nakita ang mag-ina.
He was so mad and crying was not his best option. He's damn more than thirty and fuck these people who hurt him and made him look like a fool.
Sa ngayon ay walang laman ang isip niya kung hindi ang sakit na dinala sa kanya ng mga taong ito na minahal niya at pinagkatiwalaan.
Lintik lang ang walang ganti.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...