MAKAILANG ulit na kinusot niya ang mga mata, pinahid ang palibot gamit ang mga daliri niya, para huwag makita ng kung sinong papasok ang pag-iyak niya, pero gano’n na rin ang naabutan ng taong iyon nang bumukas na ang pintuan.
It's him!
Napaawang ang labi ni Heart at ang dibdib niya ay binayo ng kakaibang kaba, kaba na nararamdaman niya lang kapag nagkakatitigan silang dalawa.
Iyon marahil ang tunay na heart attack.
"Are you crying?" Tanong nito na medyo napatigil pa sa pagsasara ng pintuan.
Umiling siya pero agad siyang napahikbi. Para siyang tanga.
"Damn. What's wrong?" Nag-aalalang tanong nito saka lumapit agad sa kanya.
Hinawakan kaagad siya ni Lux at tiningnan ang mukha niya.
"May masakit ba sa'yo?" Anito at sinipat siya.
She shook her head. Hindi siya umimik. Ano naman ang sasabihin niya rito? Ayaw naman niyang aminin ang totoo. Pero nasasaktan na siya kapag hindi siya nito nire-reply. Tama ba ‘yon ? Mali ‘yon. Dapat ay wala siyang maramdaman, ‘di ba? Nasa deal nila ‘yon pero tinatawid na naman niya. Second offense na niya kapag umamin siya.
Worse things happen. What if he leaves? What if she needs more money? Imagine that. Kalahating milyon ay para sa ospital lang. Pagkatapos no’n ay balik sila sa pagiging isang kahig, isang tuka. Kapag nalaman ni Lux ang totoong damdamin niya, baka idispatsa na siya nito, paano na?
"W-Wala sa akin masakit." Aniya saka papaiwas na hinila dahan-dahan ang stand ng dextrose.
Lux was quick enough to hold it and push it, "Ako na." Anito kaya sinarili niya ang pagpikit.
Bakit pa? Sana ay huwag na itong magpakita ng kagandahan sa kanya dahil baka lalo siyang mahulog dito.
"I'm sorry. I wasn't able to reply yesterday."
"Sus, okay lang ‘yon. Wala naman ‘yong kaso. Inaalam ko lang kung nakauwi ka na. Alam mo na, mahirap mawalan ng makakapitan na magbibigay sa akin ng pera," kibit-balikat niya at nakakunot-noo lang ito sa kanya.
"Hugot ba 'yan?" Natawa ito kaya gano’n na lang ang irap niya.
Sumampa siya sa kama.
"May hugot ka pang nalalaman, nandito na nga ako. I had dinner with my friends. Promoted ‘yong kaibigan ko, CEO na siya. You know, he's so lucky that his boss doesn't have any relatives. Parang pelikula. Siya ang magmamana ng kumpanya kapag namatay ang may-ari."
Lux grabbed a handful of grapes. Naupo ito sa kama niya at binigyan siya.
"Parang nakakatakot naman ‘yon kapag namatay. Baka na lang sabihin ay ipinapatay niya."
"Silly," he chuckled, "Of course hindi naman ‘yon mamamatay basta-basta. My friend is kind and he deserves that position."
"Ay magaling siguro siya saka matalino rin."
"Uhm," tango nito saka sumubo ng napakaraming ubas.
Natakot siya dahil baka ito mabilaukan.
"Wala ba kayong ubas sa bahay?" Naisip niyang itanong kaya tumawa ito ulit.
"Meron. Mas matamis lang itong ubas mo dito. Like you," anito at gano’n na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang lumapit ito at hinalikan siya sa labi.
"I'm horny," anito sa kanya, hindi pa rin lumalayo.
"Lagi n-naman…" she said, joking.
"Hawakan mo, baby," utos nito sa kanya saka dinala ang kamay niya sa pantalon nito, ipinatong sa nakaumbok na pagkalalaki.
Kitang-kita niya ang kakaibang pamumula ng mukha ni Lux, pamumula na alam niya kung anong dahilan.
"B-Baka may pumasok." Nag-aalalang sabi niya sabay silip niya sa pintuan.
"Yeah," anitong napalingon din, "I nearly forgot."
Hinawakan nito ang kamay niya at parang hinihilot-hilot ‘yon.
"Heart, ‘yong totoo."
"Uhm?" Tumaas ang mga kilay niya rito.
"Who is Franco Rodriguez?" Direktang nakatingin sa mga mata niya si Lux.
Medyo napakunot-noo siya dahil pangalawang beses na nitong nagtanong tungkol kay Franco.
"Si Franco, katabing border namin nina Gigi. Isang taon na kaming magkakilala pero wala namang kami kung ‘yon ang gusto mong marinig."
"Why was he mentioning marriage?"
"A-Aba, malay ko do’n sa lalaking ‘yon. gano’n naman ‘yon, mapag-ari. Wala naman kaming relasyon. Napatunayan mo na rin naman sa sarili mong wala pa akong nagiging boyfriend."
Tumango ito saka hinalikan ang kamay niya, ngumiti sa kanya.
"N-Nagkita ba kayo ni Manang Siony?" Pag-iiba niya.
"Yes. Papaalis na ako nang dumating siya."
"E…ang a-asawa mo?" Mahina niyang tanong at gusto niyang pagsisihan na nagtanong siya.
She has no right to ask.
Susko naman, Heart. Napakatanga mo naman.
"When we're together I don't want us to talk about her."
Napatango siya kaagad at yumuko, "Sorry…" aniya rito.
Bumuntong hininga ito at tumingin sa suot na relo, "It's time for me to go, Heart."
"Sige, mag-ingat ka. Thanks sa pagbisita.
Inilapit nito ang bibig sa may tainga niya, "No visitors especially Franco Rodriguez."
Hinalikan siya nito doon kaya naman napatingin na lang siya at halos hindi na nga siya nakasagot pa.
Tumalikod ito at naglakad papalabas ng kwarto niya pero tumigil sa may pinto, "Kailan ang labas mo, baby?"
Lumingon si Lux sa kanya.
"B-Bukas daw."
"If I can't make it here, I'll ask Van to come and settle the bills. Okay lang ba ‘yon ?"
"Okay lang," nahihiyang sagot ng dalaga. May reklamo pa ba siya samantalang libre na nga lahat?
"I-Ibabalik ko na lang ang ilan sa ibabayad mo. Pwede naman akong mag-DSWD ulit saka ano, P-PC—"
"Hell no, baby. Never again." Tila ninenerbyos na sabi nito sa kanya, "Baka lagnatin ka na naman at himatayin."
Napahagikhik siya sa sinabi nito, "May UTI kasi ako kaya ako nilagnat."
"I still don't want you to go to those places again. I can settle the bills here, kahit milyon pa. Get me?"
Tumango siya.
"Alis na ako."
"Babye. Ingat ka," nakangiting sabi niya rito at napakasaya na niya, na nakita at nakasama ito kahit sandali lang. Kuntento na siya.
Nang lumapat ang pintuan ay nakangiti siyang nahiga para magpahinga ulit. Nawala ang pagod niya sa dalawang araw na nakahilata lang siya, at hindi naman niya iindahin ang mga tsismis sa restaurant ng mga kasama niyang nag-uumpisa ng tamaan ng inggit sa katawan. Alam niyang si Vandros na ang bahala roon dahil hindi rin naman no’n pababayaan si Lux na mapatsismis.Lux
HE had a light smile plastered on his face as he entered the lobby of the building. He's still finalizing the thought of filing an annulment. Hindi pa ‘yon buo sa isip niya at pinag-iisipan pa niya nang husto dahil una sa lahat, ayaw niyang magpadalos-dalos, pero, ayaw na rin niyang umasa na magiging maayos na ang lahat.
The look on Diana's face made Lux so victorious. Paulit-ulit siyang hinahalikan ng asawa niya, hinahaplos siya sa braso, sa dibdib, yumayakap na parang wala silang pinag-aawayan na dalawa.
The things he usually do, he's trying to grope for that feeling of happiness, being caressed by the only woman he had loved.
But it's quite gone.
There's no excitement anymore.
Ang tumatakbo na sa isip niya ngayon ay mag-aaway sila ulit, babatuhin siya nito, pararatangan ng kung anu-ano. Ayos lang sana. Hindi naman siya nagagalit sa mga bintang lalo na kung walang katotohanan pero ang hindi niya gusto ay ang approach ni Diana sa kanya na nakakalalaki.
"What will you do out of time?" Nakangiting tanong niya sa asawa.
Hindi niya mawari kung plastik ba siya.
Hindi ito kaagad nakasagot.
"I think I'd rather go with you. Pwede kong papuntahin si Mama sa—"
"No," anitong parang nainis na naman, "I was asking you because you're my husband."
Napatingin si Lux sa kadarating lang na si Siony. Nakamata lang naman ang kasambahay sa kanilang mag-asawa, pero tuloy-tuloy na naglalakad.
"Bakit si Mama ang uutusan mo para lang bantayan mo ako?"
He furrowed, "I didn't say that. Sasamahan kita hindi babantayan. It's out of town anyway, o kung ayaw mo, magsama ka ng bodyguard."
Sincere na suhestyon niya sa asawa.
"My friend was there."
"Sino?"
"Bakit ba ang dami mong tanong?" Nagbago bigla ang anyo nito at nawala ang lambing sa kanya.
"Bakit hindi mo na lang sabihin na pinag-iisipan mo ako ng masama kaya ka sasama?"
"May dapat ba akong isipin, Diana?" Ngumiti siya rito, nakakainsulto pero hinampas siya nito sa dibdib.
"Damn you! I'm struggling to prove something to myself, working on my own. Kung ayaw mong bantayan si Daddy, e ‘di 'wag!"
"Ikaw ang dapat na unang magbantay dahil ikaw ang anak," naiiling na sagot niya saka niya tuluyang binuksan ang pinto ng kotse.
"Pupuntahan ko siya hindi dahil sinabi mo, pero dahil concern ako sa tatay mo, na kahit paano ay tao naman ang turing sa akin. Pakasaya ka sa out of town."
He hopped in and started the engine. He doesn't care where Diana will go or whom she'll go with.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...