Chapter 33

874 74 14
                                    

LUX looked at his phone. Kasalukuyan siyang tumutulong kay Heart sa pag-aayos ng mga pinamili nila sa grocery. Kumain sila sa tagong restaurant na dati nilang kinainan tapos ay umuwi na rin.
His abuela was inviting him to go to the opera again but then again, he said he was so busy. Ibinalita no’n na nakapag-usap na ang mag-inang si Katy at si Elisa. Uuwi na muna raw si Elisa ulit dahil hindi nakumbinsi si Alfonso na pumayag hangga't wala ang ama ng ipinagbubuntis ng anak.
Hindi pa rin niya nakakausap ang lalaking iyon pero ang nakakainis ay bakit hindi gawan ni Alfonso ng aksyon ang paghahanap sa player kaysa ang pilitin ang anak na ilabas ang lalaking  ‘yon.
Kakausapin daw ni Elisa ang asawa nang masinsinan para kay Katy. Nakakahiya raw si Katy para sa angkan ng mga Allen. Wow. At hindi iyon nahiya nang agawin ang Mommy niya sa Daddy niya noon. Nabubwisit lang siya. Naaawa siya sa kapatid niya kahit na noong una ay galit din siya. Ano pang magagawa ay buntis na?
"Baby, wait. I have to take this call. It's my secretary," aniya kay Heart na napatigil sa pagsasalansan tapos ay tumingin sa kanya.
Ewan ba niya pero nakakita siya ng pagdududa sa mga mata nito kaya ang lakas ng tawa niya.
"I'll take this call in front of you," ani na lang niya at tumango ito. Sinagot niya ang tawag at ultimano na nagsalita ang babae sa kabilang linya.
"Sir, nakontak ko na po si Mister Mariano. He left me his phone number. Tumawag na lang daw po kayo sa kanya."
"Okay, send me the number," aniya saka pinatay ang tawag.
Naghintay siya saglit at pumasok na ang message sa kanya, containing Enrico's number.
Agad niya iyong pinindot at tinawagan, at nag-ring naman iyon kaagad.
Hello?" Anang lalaki sa linya.
"This is Deluxe Montesalvo. Enrico?"
Lumipad ang mga mata ni Heart sa kanya at kumurap kaya kinindatan niya ito.
"Lux Montesalvo, of course," Enrico said, "What can I do for you?"
"I just want to ask you if you're done dealing with my wife about a certain business project."
Nakita niya ang pagtalikod ni Heart at bumalik sa ginagawa. Baka akala nito ay interesado pa rin siya sa asawa niya. Hindi nito alam na naghahanap lang siya ng konkretong ebidensya sa sinasabi ni Heart sa kanya dahil kung anu anong kasinungalingan ang ibinabato no’n sa kanya. She told him about Enrico and Diana's escapade. At first, she was very hesitant and hid it for a week. Until his separation and she was forced to speak.
"I…withdrew it."
"Gusto kong malaman kung ikaw ang kasama niya sa out of town noong nakaraan," nagkunwari siyang galit para mapaniwala ito na siya mismo ang nag-iimbestiga, "Sinundan ko siya," he lied.
"Sumunod siya sa akin pero hindi siya ang ma-meeting ko. Huwag mo akong idamay sa problema niyo ni Diana. For all you know, inayawan ko na siya noon kaya wala na akong dahilan na balikan siya. Tanungin no ang asawa mo, 'wag ako, Lux."
"I saw you with her."
"Siya ang lumalapit sa akin. Papaalis na nga ako para makaiwas. Kung may problema kayo, kayo ang mag-usap. Alam ko na mabait kang tao kaya hindi ko alam kung bakit magkakarason si Diana na hindi ka na gustuhin pero wala akong kinalaman d'yan. Business lang ang dahilan kaya ako lumapit sa kanya. Ngayon ayoko na. Sana maayos niyo pa ang pagsasama niyo."
"What did you talk about? 'Wag mo akong gagaguhin. Alam kong may pinag-usapan kayo. Nakita ko kayo," aniya pa sa galit na tono.
Pwede na siyang pamalit kay John Lloyd sa telebisyon. Napakagaling na niyang umarte. Pang best actor na siya.
"She was asking me to leave my wife and she'd leave you as well. Wala siyang alam na nasa proseso na talaga kami ng diborsyo pero ayoko na, Lux. Maghahanap ako ng dalaga at walang asawa."
Tang-ina. do’n uminit ang ulo niya kaya natingnan niya si Heart. At ito ang target ni Enrico? No fucking way. Not a single chance he'll give her to a man as talkative as Enrico.
Ang yabang nitong idaldal lahat ng mga sinabi ni Diana. Kahit naman siya galit, hindi niya ugaling ilabas ang lahat ng sikreto ng tao.
"Lux, wala ka sa akin katatakutan."
"Alam ko," aniya rito. Ano namang palagay nito, takot siya rito?
"I am not interested in your wife. Maghahanap na lang ako ng ibang mapagkukunsultahan. Ang ayusin mo ay ang pagsasama niyo."
He sighed and shut his phone. Wala ng aayusin pa at hindi na siya interesado pa.
"Ano, confirmed mo ba na hindi ako nagsisinungaling?" May pait na biglang tanong ng dalaga sa kanya, na bigla na lang na iniwan ang ginagawa at naglakad papunta sa hagdan.
"Baby, it's not what you think it is." Kumahog na paliwanag ni Lux at agad siya ritong napahabol.
"Okay lang naman  ‘yon. Normal  ‘yon  na hindi ka maniwala kasi naman ay asawa mo ang laman ng kwento," tila masama ang loob na sabi pa nito pero napakamot lang siya sa ulo.
"Heart, it was not what you think," ulit pa niya, "I just wanted to confirm it. Pikon na pikon na kasi ako kay Diana. When I was at the building, her mother called me and told me so many things. Nagsumbong na si Diana ng mga kung anu-anong bagay sa nanay niya at binabaliktad niya ang lahat. I just couldn't tell her what you told me. Malalaman niyang ikaw ang nagsabi kapag nagtanong si Diana kay Enrico. I made it to the point of reaching out to Enrico to talk to him and pretend that it was him who told me about that issue you told me about.  ‘yon  lang naman, baby," malumanay na sabi niya rito at tumingin ito sa kanya, "I believe you. You know I do."
Hindi ito umimik tapos ay bumuntong hininga, "sorry. Akala ko kasi ay ‘di ka naniniwala sa akin."
"Naniniwala ako. I just want something to fire at her when she bombards me with her lies."
"Pasensya na," anito ulit saka yumakap sa katawan niya at idinikit ang pisngi sa dibdib niya.
"Of course. No worries," anaman niya rito.
Alam niyang nakakaramdam na talaga ito ng selos sa mga babaeng nakapalibot sa kanya at gano’n din naman ang nararamdaman niya para rito. Parehas lang sila at alam niyang parehas na silang nahuhulog sa isa't isa.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon