Lux
NASA may smoking area lang siya nakatayo, habang ang lola niya ay nasa may ICU, kasama ang ina ni Diana. Nag-uusap ang dalawa at nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari bago atakihin ang matandang lalaki sa puso.
He looked around and decided to leave that area. Naglakad siya papunta sa kwarto na uukupahin ni Romeo, kapag maayos na ‘yon at tapos ng imonitor.Hindi niya sinamahan si Diana kaya galit lalo ang babae sa kanya, sa halip ay sinundo niya ang abuela para makabisita iyon sa ospital.
He opened the door. Tumambad sa mga mata niya ang asawa niyang nakaupo, may dinudutdot sa laptop.
Tumingin iyon sa kanya at gusto niyang literal na umiling. Nagtatrabaho pa rin ito hanggang sa ospital? Sa halip na damayan nito ang ina dahil natatakot at walang tigil sa pag-iyak, nandito ito at busy.
Isinara niya ang pintuan at naupo siya sa sofa, walang imik, hanggang sa hindi siya nakatiis ay ibinuka niya ang bibig.
"Can't that work wait, Diana?" Tanong niya rito.
"This is needed. I'm making a computation. Nakiusap sa akin si Enri na gawan siya ng costing."
He smirked.
Tila balewala rito ang lahat at patuloy lang sa ginagawa.
"Uhm, nagpapakatanda ka sa pagko-compute para sa costing ng negosyo niya, right, habang siya pabuntot-buntot lang sa isa sa mga waitress ko," aniya.
Natigilan ito sa ginagawa at tumingin sa kanya. Tumayo si Diana, matigas ang mukha.
"You know where that came from, Lux? That came from your jealousy. Anong kailangan mo para mawala ang ipinagpuputok ng butsi mo?"
Tumayo ito sa harap niya tapos ay diretso sa pantalon niya, hinubad ang sinturon niya at ibinaba ang zipper ng kanyang pantalon.
And what does this woman think of him, that he'll get better with a blowjob?
Sa inis niya at naninigas na nga panga ay tumayo siya at inayos ang sarili. Isinara niya ang pantalon at tila napahiya ito dahil sa ginawa niya.
"You're pathetic! Napakaarte mo, sex lang naman ang kailangan mo! Kung ayaw mo, ‘di 'wag!" Bulyaw nito sa kanya pero tumaas lang ang isang sulok ng labi niya.
Mind blowing sex? Meron ng nagbibigay no’n sa kanya pero ang kailangan niya sa katauhan ni Diana ay asawa.
"I don't need your service. Kung sa mga magulsng mo nga ‘di mo maibigay ang oras mo, napakatanga ko para umasa akong ibibigay mo sa akin ang oras mo," papainsultong sagot nya.
"You're an idiot. Duktor ba ako na kayang iligtas si Daddy? He has private doctors to cure him. Kahit maglupasay ako rito buong magdamag, walang magbabago sa kundisyon niya!"
"Talagang wala!" Sigaw niya rito, "That's because you're insensitive and selfish! Sa halip na damayan mo ang nanay mo, busy ka sa costing. You know what, I think I should've never been here at this moment," Lux declared with full of emphasis.
Gusto niyang gisingin si Diana sa lahat ng mga kakulangan nito pero parang wala itong balak.
Kaunting-kaunti na lang, talagang sagad na siya. Matalino nga ito talaga dahil pilosopo.
"Nobody asked you to be here. My request already ended the moment you left me this afternoon, Lux. Nang hindi mo ako samahan papunta rito, pinaramdam mo lang sa akin ang kawalang halaga ko."
Request? Natawa siya sa term na ginamit nito, dahil si Diana ang taong hindi marunong ng salitang request.
"At tingin mo marunong kang magpahalaga sa tao? I don't think so. What you care about is your numbers and your own life, not to mention your ex," he chuckled.
Naiiling siyang humakbang at nilagpasan ito. Kitang-kita niya ang galit sa mukha nito para sa kanya pero wala siyang pakialam.
Noon, takot na takot siyang nagagalit ito sa kanya pero ngayon ay hindi na.
"Bastard!" Sigaw nito sa kanya pero pinagsarhan niya ito ng pinto saka siya napapikit.
He inhaled deeply to control his emotion, but when he opened his eyes, his grandmother was already standing near him. Nakatingin ‘yon sa kanya at malungkot na ngumiti.
Daig pa niya ang nauupos na kandila, na habang tumatagal ay nawawalan na ng sindi. gano’n na ang nararamdaman niya kay Diana, dahil hindi na rin naman biro ang mga isinakripisyo niya. Noong una, akala niya ay tuloy-tuloy na ang maganda nilang pagsasama, pero nagbago rin at lumala nang lumala ang ugali ng asawa niya.
Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit available ‘yon parati sa ibang tao pero sa kanila ay hindi.
Hindi niya alam kung immaturity pa rin ‘yon na matatawag o sadyang hindi lang sila ang priority.
"Y-You want to go home, now, apo?" Malambing na tanong ni Carmen sa kanya, bakas sa mukha ang awa para sa kanya.
"I better, Ma," direktang sagot niya na kaagad nitong tinanguan.
"Of course," lumapit ito at saka umabresiete sa kanya.
Lux heard a soft sigh from his grandmother but be chose to ignore it. Kilala rin naman niya ito. Kapag masyado ng sensitive ang isang topic o isang bagay, hindi ito nagsasalita o nagbibigay ng opinyon hangga't hindi siya nagsasalita, o humihingi ng payo.
And he is no longer her ten-year-old little Deluxe. Malaki na siya at kaya na niya ang sarili. Kaya na niya ang mga desisyon na gagawin niya sa buhay niya.
Baka magulat na lang ang lola niya isang araw, na malalaman nitong nag-file na siya ng divorce kay Diana.
Carmen is a loyal hopeless romantic. His old lady always believes in fairytales and happy endings, like what she reads from her favorite novels, but his life is not a novel. Sa nakikita niya, wala siyang happy ever after dahil hindi ‘yon kayang ibigay ng misis niya.INILAPAG ni Heart ang mga dala niya sa ibabaw ng island counter. Aayusin niya ang mga bulaklak mamaya pagkabihis niya.
Magluluto na muna kasi siya para paggising niya ay kakain na lang siya tapos ay pupunta siya sa ospital, babantayan ang ama para makapagpahinga naman ang Nanay niya.
Tumuloy siya sa pagpunta sa kwarto at napatigil siya nang makita ang nakatihayang lalaki sa kama.
She smiled.
Nakasapatos pa si Lux at nakalawit lang ang mga paa sa dulo ng higaan. Nandito na naman ito. Nag-iisip siya kung kanina pa ba ito dumating o kadarating lang.
Dahan dahan siyang lumapit at tiningnan ito. Mukhang malalim na ang tulog nito kaya alanganin siya kung gagalawin pa niya o hindi na, pero hindi siya nakatiis kaya hinawakan niya ang sapatos nito at saka niya tinanggal. She also removed the other one so carefully. Ayaw niya itong maistorbo sa pagtulog dahil mukhang pagod ito pero nang tumingin siya sa mukha nito ay nakamulat na ito sa kanya.
"Ahm," napahawak siya sa batok, "inalis ko lang kasi para makahiga ka nang maayos," paliwanag niya rito pero pumikit ito ulit.
Hindi naman ito amoy alak, hindi rin naman lasing.
"Tulog ka na ulit. Magluluto lang ako," aniya rito.
Hindi ito umimik at parang tulog na talaga ulit kaya napangiti siya. She stood up. All of a sudden, her mood hiked up when she saw his face. Napakagwapo ni Lux.
"Don't forget to kiss me before you go out," anito kaya nalingon niya. Nakapikit pa rin naman ito pero gising pa pala.
Hindi pa naman siya nakakahakbang para magbihis kaya naman yumukod na siya para ibigay ang hinihingi nito.
Heart kissed him on his forehead and she stood up.
Wala itong imik at parang ayos naman dito ang ginawa niyang paghalik, kahit sa noo dahil nakangiti ito.
Kinagat ni Heart ang labi at itinago ang ngiti sa sarili niya. Diyos ko. Kinikilig siya. Libre naman ang kiligin. Iiyak na lang siya bukas kapag tapos na.Pagkatapos magbihis ay sinilip niya ulit nang malapitan si Lux. Pasensya na kaagad pero hindi niya matiis na huwag itong pagmasdan. Hindi pa siya nakuntento ay naupo ulit siya at hinaplos ang buhok nito, paulit-ulit.
Sa dami ba naman ng lalaking magugustuhan niya, sa lalaking may asawa pa?
"Ikaw naman kasi, ang bait-bait mo. Dapat matapobre ka kasi mayaman ka." Aniya sa sarili saka ito hinalikan ulit sa noo.
Tumayo siya dahil walang mangyayari. Baka mamaya ay makatulog siya sa pagtunganga sa mukha nito, hindi na siya makapagluto.
Lumabas si Heart at tumuloy sa kusina. May baka siya sa ref at mga gulay. Magluluto siya ng kaldereta dahil may pressure cooker naman. Marunong naman siyang gumamit ng mga gano’n dahil nakikita niya sa restaurant kung paano.
She looked at the flowers. Makakapag-antay pa naman ‘yon kaya mamaya na niya aasikasuhin na ilagay sa flower vase. She has to finish her cooking first, para kapag nagising na rin si Lux ay makakain na muna bago umalis.
‘yon lang ang maisusukli niya sa lahat, ang pag-aasikaso niya rito kapag nasa tabi niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...